Chapter Twelve

83 9 0
                                    

-Kinabukasan gaya ng napagkasunduan ay ipapasyal namin ang Tatlo sa Seven Lakes. Maaga kaming nagsipag-gising lahat kahit na may tama ang iba sa amin.

Habang nagaayos kami ay pumasok sa loob ng Kwarto.

"Handa na ba kayo?" Tanong nito sa amin.

"Opo tay. Paalis na din po kami."

"Siya sige magiingat kayo ha." sabi naman nito sa amin at Lumabas na.

"O ano tara na" Yaya samin ni Kuya JM at isa isa na din kaming nagsilabas. Nagkanya kanya muna kaming Paalam sa mga nakakatanda bago umalis ng bahay.

"Mamaya na tayo sumakay." Sabi ni Ate Eury

"Oo nga Lakad muna tayo kapag sa iba na tayo pupunta tsaka sumakay" Dag dag na sabi naman ni Tita Cy

"Sampaloc Lake ba muna?" Tanong ko sa kanila.

"Oo don muna para malapit."Sagot naman ni Kuya Jaan.

Hindi naman gaanong tumagal ang aming paglalakad dahil nga nasa bayan lamang kami ay malapit lang ito sa amin. Inabot kami ng 20 mins sa paglalakad hanggang marating ang Sampaloc Lake.

"Wow ang ganda." Biglang sabi ni Zack sa tabihan ko.

"Oo maganda talaga. Pero alam nyo mas maganda kung iikutin natin yan." Sabi ko sa kanila

"Tara arkilang Bike" Sabi ni Kuya Geoff na nagpaunang pumunta sa Arkilahan ng Bike.

"My Loves angkas ka nalang sakin."Naglalambing na sabi ni Kuya Zechariah at napapayag naman niya si Tita Cy.

" Sweetie? Aangkas ka? "Tanong naman ni Kuya Bright.

" Hindi na gusto kong magbike din."Sagot naman ni Ate Eury.

Karamihan sila kanila ay may kani kaniyang mga Single Bike na habang kaming tatlo ni Ariadne at Zack ay wala pa.

"Mue Querido. Angkas ka?" Tanong nito sakin.

"Ay Ate Zep kayo ba ni Ariadne? Angkas ka nalang kay Kuya Aria tapos angkas ka kay Kuya Zack, ate zep." Suggestion ni mikael

"Wag na. Side car na lang tayo Zack."Sabi ko dito at pumayag naman sila.

Actually maalam naman kaming lahat magbike ng single pero ewan ko ba kami ni Ariadne, nung napatigil magbike ay lagi ng nasemplang kaya lagi nalang kaming angkas o kaya naka side car.

Nagsimula ng magpadyak ng side si Zack ganon din ang iba. Preskong hangin ang sumasalubong sa amin. Hindi mawawala ang pagkuha ng Litrato naming grupo maya't maya. At ng makarating kami sa kalagitnaan ay napagpasyahan nina kuya na tumigil muna at tumambay muna.

"Ang Laki ng Lawa."Sabi ni Zack habang kinukuhanan ng Litrato.

Habang ang iba naman naming kasama ay may mga sarili ding mundo. Si Ariadne naman ay kasama ni Macy Kumuha ng Litrato nila.

"Ito ang pinaka malawaka na lawa sa lahat."Pagkwekwento ko dito

"Talaga?" tanong nito

"Oo. Ito din yung considered one of the prime tourist spot in the city. Alam mo sabi inactive volcanic maar on the island of Luzon ang Sampaloc lake. May mga isda din diyan, like tilapia, big head carp and several species of freshwater fish like ayungin, dalag and hito including shrimps." pagpapatuloy ko habang nakatingin pa din sa magandang lawa.

" Wow! "manghang sabi naman nito

" Alam mo ba bata palang kami lagi na kaming nandito minsan nagpipicnic pa kami Hahahahahahaha" sabi ko pa sa kanya.

A Genuine LoveWhere stories live. Discover now