I'm ready to let go

7 1 0
                                        

"Hi Mahal! Buti naman sumipot ka. Akala ko hindi na naman eh."  Masigla kong bati sa kaniya ng makaupo na siya sa bench na kinauupuan ko.

Siguro kung may nakakakilala sakin nang lubos atsaka lang nila masasabi na peke lang yung ngiti na ipinapakita ko. Bakit nga ba peke? Ang hirap naman kasi ngumiti ng totoo lalo na't tinataguan ka.

"Hindi nga sana ako pupunta kaso mapilit ka. Ano ba kailangan mo?"   saad nito habang magkasalubong ang kilay.

Sakit ano? 'Yung gusto mo lang naman siya makita pero kabaliktaran pala yung nais niya.

"Ikaw naman Mahal, miss na kita eh. Hug mo naman ako."   Hawi ko sa tension na namamagitan sa amin. Hindi ako magpapatalo.

"Hindi kita namiss Tred, ang don't you dare touch me. Baka mamaya nandito pala sila Mama tapos makita tayo. Ayoko ng eskandalo."   napayuko nalang ako nang sabihin ni Kiara iyon.

Konti nalang.

"Legal naman tayo Kia, 'wag kang mag alala pinaalam naman kita kay Mama."  Nakangiti kong saad bago masuyong hinawakan ang kamay nito. Pero napabuntong-hininga nalang ako nang higitin niya pabalik iyon.

"'Wag mo na uling tatawagin si Mama na 'Mama' kasi hindi pa naman tayo kasal."  Sabi nito tila ba'y nandidiri sa kaniyang narinig.

Kaya ko pa, Kaya pa Tred.

"Grabe naman Mahal, ang tagal ko ng tinatawag na Mama si Tita eh. Ano bang ikinakagalit mo?"   tanong ko sa kaniya bago umayos ng upo at humarap nalang sa mga sasakyang mabilis na dumadaan sa kalsada.

"Gusto ko ng makipag hiwalay."  Walang emosyong sabi nito. Seryoso ba siya diyan?

"Bakit naman Kia? Seryoso ka?"   tanong ko pero this time naka tungo nalang ako. Ayoko lang makita niya na nasasaktan ako.

"Mukha ba akong nag jo-joke?"  Same as earlier, no emotions nor tone. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

'May nagawa ba akong mali?' katagang gusto ko itanong sa kaniya pero naunahan ako ng takot.

"Bakit mo muna gusto makipag hiwalay?"  Lakas loob kong tanong sa kaniya.

"W-wala lang, bakit? Kailangan ba na may reason p-palagi?"  napakunot ang noo ko ng mapansin ang pag stutter niya. Why?

"Oo, kailangan ko iyon Kia kasi nagmahal ako nang seryoso. I deserve an explanation."  

Humarap ito sa akin at tinitigan ako sa mata. "Makinig ka sa akin, gusto kong itatak mo diyan sa utak mo na may mahal na akong iba. Hindi na ikaw ang ang letra, lapis at papel sa buhay ko. Kailangan na nating mag hiwalay kasi ayoko na sayo. Nakakapagod kang mahalin. Nakaka-bagot."    Kusa nalang tumulo ang luha ko. Ang sakit lang masyado kasi wala akong magawa.

"Pwede pa namang magpahinga Mahal kong napapagod ka, hindi naman kailangang umabot sa ganito."   Pagpipilit ko sa kaniya. Baka naman kasi magawan pa nang paraan.

"A-ayoko na Tred, let's break up. Walang nang oras para magpahinga."   Wika nito pero iba na ngayon dahil may konting kirot ang biglang lumitaw sa kaniyang mata.

"I'm ready to let go Kia but let me do this. Gusto kong baunin mo itong kakantahin ko bago tayo mag separate."   Saad ko bago kuhain ang gitara na nakasandal sa gilid ng flower box. Buti nalang at nadala ko ito ngayon.

Tatlong strum bago ko umpisahan ang kantang narinig ko lang sa playlist ng kapatid ko. It's a Korean song but someone translated it that's why I managed to sing and memorized it.

"Before we say goodbye, let go
But I'm lost in the maze of my heart
From the stereo to mono
That's how the path splits
It continues

In order to release your hand right now
I gotta let you know that I need to let you go
Hard to say goodbye
But I can't run
I'm ready to let go
I'm ready to let go
I'm ready to let go.

The color of the sky we saw together
The scent of the path that we walked down together
Don't forget them

In order to release your hand right now
I gotta let you know that I need to let you go
Hard to say goodbye
But I can't run
I'm ready to let go
I'm ready to let go
I'm ready to let go."

Matapos ang kanta na iyon ay walang sabi-sabi na naglakad palayo si Kia. Hindi man lang ako iniwanan ng isang ngiti o kahit awa. Pero alam ko na ang lahat, alam ko kung bakit siya nagkakaganiyan.

"I'm ready to let go Kia, para sayo kaya ko kakayanin ito. Pero handa kitang suportahan para sa mga chemotherapy at operation na pagdadaanan mo sa ibang bansa. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. I'm ready to let go but I promise to wait for you."



One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon