Lunatic II

1 1 0
                                        

"Luna! Luna! Wake up!"  Nagising ako sa malikot na galaw ni Zeia.

Idinilat ko ang mata ako at kunot noong hinarap ito. Balak ko pa sanang magalit pero nanlaki ang mata ko ng makitang nakagapos ito.

"Shit!"  I cursed in hell when I thought that I'm tied too but luckily I wasn't. Hindi ako naka gapos pero bakit?

"Hello dear."  Napasigaw si Zeia nang may biglang pumasok sa kwarto.  Isang matangkad na lalaki.

"Sino ka?!"  Naiiyak na tanong ni Zeia. I know that she's fighting not to be scared and I should do it too.

"Tsk! Tsk! Bad deeds, bad world, bad you!"  Natatawang saad ng lalaki. Napakunot nalang ang noo ko sa turan nito.

"Anong pinagsasabi mo? Pakawalan mo ako. Luna tumakas na tayo. Pakawalan mo na ako. Gamitin mo 'yung kutsilyo. Bilis!"  Nagwawalang utos sa akin ni Zeia. Hinarap ko ito at hinawakan ang rope na nakatali sa kamay nito. Kinuha ko ang kutsilyo at mahinang hiniwa ito. We need to escape, malapit na sana pero—

"HAHAHA I can't do it. I can't act no more. Nakakatawa talaga itong ginagawa ko."  Natatawang saad ko. Mas lalo akong natawa nang mapuno ng pagtataka ang mukha ni Zeia.

"L-luna?"  Parang maamong tuta nitong saad. Gosh! I find it so hilarious.

"Yes dear Zeia?"  Panunukso ko dito.

Pinadausdos ko ang dulo ng kutsilyo sa mukha nito. Nakakagaan ng feeling noong makita ko na may dugong tumutulo sa mukha nito. Lalo na yung mga grunts ni Zeia, it feels like a new harmony to me.

"Bakit Luna? Bakit?!"  Napapikit ako ng may tumalsik na laway sa mukha ko nang sumigaw ito.

"Yuck! Yung cheap na laway mo dumapo sa pisngi ko!"  Naiinis kong saad bago ito sampalin.

"Psycho ka Luna! Paano mo nagawa sa akin ito? Magkaibigan tayo diba? Paano? Ikaw din ba ang pumatay kay Pey at Crame?!"  May kung anong kirot ang biglang tumusok sa puso ko ng tanungin ako ni Zeia.

"Hindi ako ang pumatay sa kanila Zeia kundi ang mga ginawa nila sa akin. 'Yun mismo ang pumatay sa kanila. Atsaka kaibigan? Tinuring niyo ba talaga akong kaibigan? Kailan Zeia? Sabihin mo kung kailan?! Yung panahon ba na nag sex kayo ng boyfriend ko? Yung panahon ba na nilalait niyo palagi yung mga gamit ko? Yung imbis na ipagtanggol niyo ko sa iba mas pinipili niyo pa akong ipahiya? Yung panahon na kailangan ko kayo kasi bagsak ako sa subjects ko? Nasaan kayo noon? Diba wala? Mas pinili niyo pang mag bar kesa sa damayan ako."  Nag unahang tumulo ang mga luha ko. Hindi ako kailanman umiiyak dahil nandidiri ako sa mga taong umiiyak pero dahil sa kanila kaya kinailangan kong mag act na vulnerable.

"Luna—"  mahinang wika nito.

"No! Huwag kang magsalita kung hindi mapapa aga ang kamatayan mo."  Nanggagalaiting banta ko dito.

"Noong malaman ko na may nangyari sa inyo ng boyfriend ko ni hindi ko man lang inisip na awayin ka kasi iniisip ko na mas mahalaga ka pa kaysa sa lalaking iyon. Kaso naulit ng naulit ang pagtatalik niyo, ang sama ng pakiramdam ko noon Zeia pero ikaw? Umakto ka na parang walang nangyari?! Napaka landi mo! Si Crame at yung pagiging bully niya sa akin. Inintindi ko iyon nang una dahil alam kong spoiled brat siya pero mas lumalala habang tumatagal. Si Pey! Hindi niya man lang ako kinakausap nang maayos, yung tipong lahat ibabara niya ako. Mas gusto niya akong maging yaya kaysa sa kaibigan."  Huminga muna ako ng malalim at tinungo ang puwesto kung saan nakatayo ang lalaking kasabwat ko.

"Isang pagkakamali na ginago niyo ako. Handa ko na sanang kalimutan ang pagiging psycho ko pero mukhang lumabas ito ngayon. Salamat sa cupcakes na may lason, also sa kapatid kong tumulong sa akin para patayin si Crame at syempre para patayin ka Zeia!"  Natatawa kong saad bago lumabas ang kapatid ko para kuhain ang surprise ko para kay Zeia.

Napahawak ako sa pisngi ko na mayroong kalmot ni Crame. "Curse that slut! Napaka gaga talaga ni Crame at nagawa niya pang kalmutin ako. Ayan tuloy napala niya. She deserved it, dapat nga chinop-chop iyon eh. By the way, ayos din naman pala kasi masarap naman yung blood ko. HAHA!"  nilamon ng halakhak ko ang buong kwarto.

Nanlaki ang mata ko nang ipasok na ni Kold ang mga laruang matagal ko nang hindi ginagamit.

"Axe? Check. Martilyo? Check. Maso? Check. Gunting? Check? Lagari? Check. Wait! Dumami 'yung kutsilyo ko."  I feel so alive right now. May dumagdag sa laruan ko.

"Binili ko 'yung iba diyan para naman maging masaya ka Ate."  Agad kong niyakap ang kapatid ko para iparating sa kaniya ang aking pasasalamat.

"Anong gagawin mo Luna? Please Luna. Maawa ka sa akin. Pakawalan mo na ako."  Nilapitan ko si Zeia at masuyong hinalikan ang noo nito.

"Sana naawa din kayo sa akin noon Zeia. Edi sana hindi na tayo hahantong dito."  Bulong ko sa kaniya bago tusukin ng gunting ang gilid nito.

I love hearing her grumble and hefty voice. Mas lalo kong idiniin ang pagkakatusok ng gunting sa gilid niya. Lumalakas ang heart beat ko sa sobrang excite. Matagal na din ang nagdaan simula nang makapatay ako ng tao. Last time kasi si Mama at Papa ang pinatay namin ni Kold. Tho' I missed them a little bit kasi sila dati 'yung nagdadala ng victim namin dito sa cabin.

"Paki abot nga ng axe Kold. I need to prune this dirty body."  I'm starting to bite my lips habang tinitingnan si Zeia. Nagiging intense na ang nangyayari and I love it.

"Tama na Luna! Maawa ka!"  Napa smirk nalang ako nang magmakaawa siya. Huli na lahat Zeia.

"No Zeia."  Ngiti kong saad.

"Ganito din sana gagawin ko sa dalawa eh kaso hindi pwede kasi iyon ang nasa plano. Sayang, gusto ko pa naman silang hampasin gamit ang maso ko."  Wala sa sarili kong niyakap ang mga gamit na nakalagay sa tray. Magagamit ko na ulit sila.

Gamit ang axe ay pinutol ko na ang paa nito. Blood! Ang ganda sa paningin. Sunod kong pinuntirya ang makinis nitong legs. Ito ba ang habol ng boyfriend ko? Here! Puputulin na kita.

"Fuck you Luna! Argh! L-LUNATIC!"  Isang sigaw ang binitawan nito bago ko hatawan ng axe ang bibig nito.

" Oh Yes! Luna!  I'm  Lunatic. Goodbye dear friend."  Masayang paalam ko dito bago hatawin ng maso ang mukha nito ng paulit-ulit hanggang sa ako na ang mag sawa.

Sa wakas! Wala na ang mga demonyo sa buhay ko. Na satisfied ko na din ang sarili ko. Being a psycho is not bad after all.

2 years later...

"Luna! Dalhin mo naman kami sa Cabin niyo doon sa forest. Sabi mo sa amin dati diba maganda doon? Bilis na."  Malambing na wika ni Cleo, isa sa mga bago kong kaibigan.

Cabin? Ahh oo nga pala. Simula nang last ko na punta doon hindi na ulit ako nagkaroon ng oras para bumisita ulit. Oras na ba para dalhin sila doon? Hmm? I think so.

"Oo nga Luna, magbakasyon tayo doon. Please?"  sang-ayon pa ng iba naming barkada.

"Hays, ano pa nga ba? Oo! sige dadalhin ko na kayo doon."  Malaking ngiti kong tugon ko sa kanila bago yakapin si Cleo na kasalukuyan paring naka yakap sa akin.

Napatingin ako sa langit. I don't know why pero bigla nalang akong napa smirk. May kung anong naglalaro sa isip ko ngayon.

"Kold, be ready."  Wika ko sa taong kasalukuyan kong kausap sa cellphone.

Welcome to Lunatic! Dear friends.

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon