In the midst of rain

1 1 0
                                    

Ilang taon na din ang nakalipas, ilang taon na din ang nasayang, ilang taon na din akong naghihintay. Alam kong wala na pero hinihintay ko pa din siya. Mahal niya ako, nararamdaman ko iyon kaya ko siya hinihintay. Babalikan ako ni Caly.

Yung mga regalo niya habang kami pa ay maayos na nakatago sa tree house na ginawa naming dalawa. Kapag nakikita ko iyon mas nabubuhay ang pag asa ko na babalik siya. Malabo pero hindi ko mapigilang umasa na magkatotoo nga ang hiling ko.

"Ma, aalis na muna ako. Pupunta lang ako doon sa tree house ko."  paalam ko sa aking Ina na kasalukuyang nag luluto ng aming tanghalian.

"Jusko na bata, 'wag ka nang umalis dahil malakas ang ulan sa labas. Baka ika'y magkasakit."    Hindi ko na pinakinggan si Ina at dire-diretsong lumabas nalang ng bahay.

Gamit ang malaking payong sa aming umbrella rack ay sinuong ko ang malakas na ulan. Dala-dala ang isang album kung saan nakadikit ang iba't ibang pictures namin ni Caly. Nang makarating ako sa ilalim ng puno ay ipinasok ko muna sa bulsa ng aking jacket ang album at nag umpisang akyatin ang nakalaang hagdanan para sa tree house.

Nang makapasok ako sa doon ay agad na nagsibalikan sa isip ko ang lahat ng memories namin ni Caly. Kung pano kami nangolekta ng kahoy para sa bahay na ito, kung pano namin iginuhit ang design para dito. Kung paano naganap ang unang halik namin— kung alam ko lang sana na iyon na din pala ang huli edi sana ibinigay ko na lahat.

"I miss you Caly"  naiiyak na saad ko. Hindi ko na kayang ihandle ang sakit at pananabik sa kaniya.

Napaupo nalang ako sa gilid ng bintana nitong maliit na bahay na ito. Binuklat ko ang album tungo sa unang pahina nito, mga unang litrato na kuha namin noong bumili si Caly ng cellphone. Hanggang sa unang hiking na ginawa namin, papunta sa huling litrato kung saan nakahiga kaming pareho sa higaan nitong tree house. Kahit nga ngayon ay naaamoy ko pa rin ang amoy ni Caly sa bedsheets.

"Baby, bumalik ka na sa akin."  nakakagaan isipin na sinasabayan ako ng ulan sa dalamhati kong ito. Pero hindi pa din sapat, kulang pa rin.

Muli nalang akong napadungaw sa bintana ngunit nanlaki ang mata ko ng matanaw ko ang isang pamilyar na rebulto. Caly?

Dali-dali akong bumaba ng tree house at nagkandauga-uga sa pag takbo papalabas ng gate para habulin ito. Si Caly iyon, sigurado ako. Kilala ko ito, kilala ko ang damit at galaw nito.

Ilang liko ang inabot ko bago ko muling matanaw ang likod nito, hindi alintana ang ulan na tumutusok sa balat ko. Nasa kabilang kalsada na siya, sa wakas at makikita ko na ulit siya. Walang lingon-lingon kong tinahak ang daan tungo dito. Malapit nalang, mahahawakan na ulit kita Baby.

Kapag nga talagang gumalaw ka ng wala sa naa-ayon ay may 'di inaasahang mangyayari. Hindi ko man lang nakitang may papalapit pala na van, ang tanga ko naman. Pero sa lahat ng katangahan, ito lang ang ikinasaya ko.

"Yung babae! Nabangga"
"Tulong! Yung babae"
"Call 911 guys"
"Tumatawag na ako sa ambulance"
Mga indistinctive at nakakahilong boses na naririnig ko sa paligid. Nalalasahan ko na din ang malangsang likido sa bibig ko. Ang sakit, nakakahilo, namamanhid, halo-halong pakiramdam ang kumakalabit sa katawan ko. Baliw na ba ako kung sasabihin kong naka ngiti ako sa aking isipan?

'Alam ko naman na sinusundo mo na ako Caly. Huwag kang mag alala at sasama ako sayo. Matagal ko ng hinihintay ito, ang muling makasama ka ulit, sa kabilang buhay man o sa ibang dimension.'   nanghihinang saad ko bago ako kainin at liparin ng kadiliman.

Nang muli kong imulat ang aking mata ay napangiti nalang ako ng makita si Caly na masayang nakangiti sa akin habang naka lahad ang kamay nito. Walang pag aalinlangan na inabot ito at niyakap siya.

Sa wakas at magkakasama na ulit tayo. Sa gitna ng ulan lang pala mangyayari ang lahat.

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon