MAYBE A TRAGIC ONE

2 0 0
                                    

"Lyra! Itong gitara mo, bakit naka kalat lang sa sala 'to?" nanlaki ang mata ko sa sigaw ni Mama.

Shoot! I forgot to bring it back at my room. Kakagaling ko lang kasi sa dalampasigan para mag practice ng kakantahin ko sa darating na piyesta.

"Wait Ma!" sigaw ko pabalik para ipaalam na narinig ko ang sinabi niya.

Lumabas na ako sa room ko para kuhain ang gitara sa sala. Mahirap na ang mapagalitan baka madamay ang buong araw ko. Nang damputin ko ang gitara ay napadako ang aking tingin sa maliit na puting bagay na naka ipit sa mga strings.

"Isang sulat," saad ko bago buklatin ang isang kapiraso ng papel.

   'Aking tala,
       Magkita tayo mamaya sa dalampasigan, same time and same spot.'

Mga katagang nakalathala sa papel na aking hawak. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Tala, si Ruo. Palihim akong napangiti ako sa aking nabasa, magkikita kaming muli.

Ilang araw din siyang hindi nagpakita sa akin at sobra ko talaga siyang namiss. Siya ang ka tandem ko lagi habang sumasali ako sa iba't-ibang singing contest, he served as my safety gear dahil sa bawat failure ko sa mga contests ay nandiyan siya.

Dumating ang oras ng aming pagkikita, ilang oras ko ding inayos ang sarili ko para sa kaniya. Ayokong makita niya akong dugyot at walang class. Nang masatisfy na ako sa aking ayos ay tinahak ko na ang daan papunta sa dalampasigan kung saan kami magkikita.

Malayo pa man ay kita ko na ang likod nito, ang malapad nitong balikat, mayayabong na buhok at kayumangging balat. Hindi ko naitago ang kilig sa aking natatanaw, gusto ko na talaga siya. Ngunit bigla nalang ako napasimangot nang may maalala, hindi nga pala pwede.

"Hoy!" pang-gugulat ko dito.

Umalingawngaw ang tunog ng aking halakhak sa dalampasigan dahil sa tugon nitong reaksiyon sa aking kalokohan. Napaka epic ng mukha niya.

"Masaya ka na talaga niyan?" na-aasar nitong tanong kaya pilit kong pinigilan ang aking tawa.

"Bakit gusto mo akong makita, Ruo? Miss mo na ako agad?" tukso ko dito ngunit nginitian lang niya ako.

"Kailangan mong magpractice para sa darating na competition, kailangan mo ng manalo doon," seryoso nitong wika habang tinititigan ako.

"Eh? 'Di ko naman maipapangakong mananalo ako, ang dami kaya ng contestants," angal ko dito pero pinitik lang nito ang aking noo.

"Kapag nanalo ka, tutuparin ko ang hiling mo na babalik ako agad," nanlaki ang mata ko sa saad nito. Tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Sige ba, tara na magp-practice na ako. Tune in the song, Master," malaking ngiti kong utos dito.

Kinuha niya ang gitara na dala-dala ko kanina, ipinatong niya ito sa kaniyang hita at agad na nagstrum. Napapikit ako sa tunog na aking naririnig, iba talaga ang dating ng musika kapag siya ang naggi-gitara. Mas masarap pakinggan.

"Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa~

Tanaw pa rin kita, Sinta
Kay layo ma'y nagniningning mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng iyong nga mata~

Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis pag hawak ko ang iyong kamay~

Simoy ng hang—"

Hindi ko na natuloy ang aking kanta ng yakapin ako ni Ruo, walang salita ang lumabas sa pareho naming labi pero bakit ang bigat ng nararamdaman ko?

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang mahihina nitong hikbi, bakit? Anong nangyayari?

"Hanggang dito nalang tayo, Lyra," nahihirapan nitong saad, dahil siguro sa kaniyang pag iyak.

"Bakit? Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Anong hanggang dito nalang?" nalilito kong tanong.

Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi, "Ang ganda mo."

"Ano bang nangyayari sayo, Ruo?" kinakabahan ako sa nangyayari, ito na ba 'yong bagay na matagal ko ng iniiwasan?

"Times up na Lyra eh, wala na akong natitirang oras," agad na bumuhos ang mga luha ko nang sabihin niya iyon.

"Hindi— hindi Ruo, 'wag muna ngayon. Kailangan pa kita, malapit na ang contest. Please dito ka muna, please Ruo," pagmamaka-awa ko dito ngunit umiling lang ito.

Hinawakan niya ang kamay ko,

"Gusto kong ipanalo mo iyon kahit wala ako, Lyra. Kaya mo 'yan, naniniwala ako sayo." Mariin akong napapikit, ayoko siyang mawala.

"Kaya mo 'yan, kaya mo kahit wala ako. Kapag nanalo ka, babalik ako agad." Niyakap ko nalang ito at hindi na nagsalita. Ayoko siyang umalis pero alam kong hindi pwede.

"Mahal kita, Ruo," I said between my sobs.

"Mamahalin din kita kapag pwede na tayo, Lyra."

Nanatili kaming magkayakap hanggang sa mas lalong nagningning ang mga bituin.

"Kailangan ko ng umalis. Iingatan mo ang sarili mo ah, ayoko na pinapabayaan mo ang sarili mo. 'Wag kang iiyak kapag wala na ako, be strong hanggang sa hayaan ng tadhana na pabalikin ako," napatango ako sa mga habilin nito. Ang sakit pa rin kahit na alam kong mangyayari na ito.

"Higit sa lahat, gusto kong isarado mo na 'yang third eye mo. Kapag nawala na ako, wala ng magtatanggol sayo sa mga ghost. Ako lang naman ang dahilan kaya nabuksan iyan kaya aalisin ko na," saad nito na mas lalong napahagulgol sa akin.

Kapag inalis na niya ito, malaking ang pagkakataon na wala na akong Ruo na makikita kahit kailan. Walang Ruo na isang multo ang sasama sa akin habang hinahamak ang mundong kinakatakutan ko.

"Huwag ka ng umiyak, aking Binibini, babalik ako. Sa pagbabalik ko, hindi na ako multo kundi isang Ginoo na kaya kang mahalin at samahan sa tanang buhay mo. Paalam, Lyra. Mahal kita."

Napapikit ako nang idampi nito ang kaniyang labi sa aking noo. Malamig ma'y ramdam ko ang init sa aking puso.

Sa aking pagmulat ay sumalubong nalang sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Walang Ruo sa paligid, walang tunog ng gitara sa paligid.

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa—

Pero saksi din sila sa ating hiwalayan.

Hihintayin ko ang pagbabalik mo, Ruo. Hihintayin kita, kahit sa susunod na buhay pa.
__

PLAGIARISM IS A CRIME AND RESTRICTED BY THE LAW

Ps. I miss Ruo S. Persé (rpa)

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon