CONSEQUENCES

2 0 0
                                    

Ilang oras na akong naghihintay sa park kung saan kami palaging nagtatagpo ni Myk. Ang nag-iisa kong boyfriend.

Isang lalaki na puno ng ambisyon at talento. Sa una, hindi iyon naging hadlang dahil sa hinahangaan ko siya sa kaniyang dedikasyon. Ngunit bigla nalang akong nagbago, hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa niya.

Halos buong araw niya ay ibinubuhos niya na lamang sa paggawa ng mga woody crafts. Even our special day ay nakakalimutan na din niya, it leaves a big nail on my heart. Pinapakita niya na mas mahalaga pa ang pagc-craft kaysa sa akin.

Napadapo ang aking palad sa aking binti dahil sa kinagat ito ng lamok. Napapuno na ako, ayaw ko na ng ganito.

Tumayo ako para sana lisanin na ang lugar ngunit narinig ko ang malakas niyang sigaw. Hingal na hingal ito nang makarating sa harapan ko.

"Patawad, Babi. Rush kasi 'yong mga delivery kaya 'di ko na namalayan 'yong oras. Matagal ka bang nag-intay?" tanong nito habang pinupunasan ang mga tumutulong pawis sa noo nito.

I just rolled my eyes bago sumagot, "Like hell yeah! Kanina pa ako dito. Ang tagal ko ng naghihintay, pinapapak na nga ako ng lamok eh." naiinis kong tugon dito.

"Sorry na, Babi. 'Di kasi umuwi si Tito Aylo kaya ako lang mag-isa ang nag-arrange ng mga crafted items," maamo nitong saad bago hawakan ang mga palad ko.

"Ayoko na, Myk. Nakakasawa na, ayoko na ng ganito. Hindi na ako nage-enjoy," seryoso kong wika habang tinititigan siya.

Napakurap ito ng ilang beses bago mag-umpisang kumunot ang noo nito.

"Babi naman, 'wag ka naman mag-joke ng ganiyan. Tara na, date tayo, diba gusto mo sumakay sa mga extreme rides? Come on, let's do it right now," masigla nitong ani, trying to hide something in his eyes.

"Ano nga bang mayroon ngayon, Myk?" buntong-hininga kong tanong dito.

"Ano ba ngayon, Babi? 'Di ba date time natin?" napayuko ako sa sagot nito. Nadagdagan lang ang sakit at galit sa puso ko.

"Hindi mo na naman naalala, it's ok. Ngayon kasi 'yong monthsary natin, unfortunately, ito na din ang huli. Ayoko na, Myk. Let's break up." Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad palayo, ngunit bigla nalang niya akong tinawag.

Pumunta ito sa harapan ko at inabot sa akin ang isang crafted wooden rose. Kinuha ko ito, napangiti ako nang mapait, ngayon lang niya ako ginawan ng ganito pero huli na ang lahat. Hinulog ko ang rose at nilagpasan siya.

Diretso kong tinungo ang bahay para magmukmok, binuhos ko lahat ng galit ko sa pagkain ng mga sweet foods. Nanood ako ng iba't-ibang movies at nagsulat ng mga poems hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, nang magising ako napag-isipan ko na mag exercise para malibang ang sarili ko. Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang wooden rose na binigay sa akin ni Myk kahapon.

Wala sa sarili ko itong pinulot, matagal ko din itong tinitigan bago itinapon sa bodega namin. Ayoko na muling balikan ang sa amin ni Myk, dahil tapos na ang lahat.

1 year later

"Grace! Hindi mo pa rin ba nahahanap 'yong mirror glass ko?" rinig kong sigaw ni Mama.

Walang gana akong lumabas ng kwarto para bumababa sa basement. Kailangan ko nga palang hanapin ang mirror glass ni Mama.

Napaubo ako sa mga nalanghap kong alikabok nang makapasok ako sa basement. Tagal ko na ding 'di nakapasok dito.

"Aish! Saan ko naman kaya hahanapin 'yon," nayayamot kong saad.

Inumpisahan ko sa mga carton box ngunit inabutan na ako ng isang oras sa paghahanap ay wala pa din akong nakikitang mirror glass. Napadako ang paningin ko sa isang sira-sirang durable cabinet, nilapitan ko ito at nag-umpisang maghalungkat.

Sa paghahanap ko ay hindi mirror glass ang nakita ko kundi ang isang rosas, isang wooden rose. Teka, kanina ba 'to?

Napabuntong-hininga ako nang maalala kung kanino ba galing ang rosas na ito. Isang pangalan ang biglang nag-flash sa isipan ko.

"Myk"

Isang taon na din pala simula ng maghiwalay kami. 'Di ko itatanggi na minsa'y namimiss ko din ang dating kami ngunit wala na. Itinaboy ko siya dahil lang nagsawa ako.

Sa sobrang pag-iisip ay 'di ko namalayan na dumulas pala sa kamay ko ang rosas. Nahati ito sa dalawa, napakunot ang noo ko ng makitang may puting bagay sa loob nito.

Pinulot ko ito at napagtantong isa pala itong papel na may mga letrang nakasulat sa loob.

"Happy monthsary, Babi Grace. Sorry at ito lang ang nakaya kong ibigay. Alam mo naman na nag-iipon ako para sa future natin, diba? Lalo na sa kasal natin sa susunod. Kaya nga ako nagpupursige kasi gusto ko na maibigay lahat ng gusto mo sa susunod, lalo na sa mga magiging anak natin.
Sorry ulit, Babi kasi minsan nakakalimutan ko 'yong mga special days natin. Pero lahat iyon ay mga challenges lang kasi alam mo naman na kailangan nating magpursige para sa ikaka-sucessful natin.
Ayos ba 'yong acting ko, Babi? Nagpanggap ako na hindi ko alam na monthsary natin ngayon para ma-shock ka kapag binigay ko sa'yo itong crafted rose na ako mismo ang may gawa. Sana nagustuhan mo, Babi.
Next year, Babi, magkakaroon na tayo ng sarili nating building dahil nakakuha na ako ng contract para sa business na crafting. Pwede na akong magpro-pose sayo. I can't wait, Babi. Pero sa ngayon ay ie-enjoy muna natin ang dadaang moments.
I love you, Babi ko. I love you so much, I love you with all of my life."

Nawalan ako ng lakas nang matapos kong basahin ang nakasulat sa papel na iyon. Ano ba itong ginawa ko? Ano bang nagawa ko dati?

Bumuhos ang luha ng pagsisisi sa aking mata. Ang tanga ko naman, bakit ko ba siya iniwan ng ganon kadali?

Patakbo akong lumabas ng basement para mag-ayos ng sarili ko. Kailangan kong puntahan si Myk, kailangan kong ayusin ang bagay na sinira ko.

Nakarating ako sa isang malaking building, napangiti ako dahil tama nga siya. Na-achieve niya lahat ng goal niya. Humakbang ako papauna para makapasok sa building na kanina ko pa tinititigan, ngunit natigilan ako ng makita ang lalaking kanina ko pa gusto yakapin.

Nagtama ang mata namin, sinalubong niya ako ng may malaking ngiti sa labi nito. Ngumiti ako pabalik ngunit hindi matatakpan ang sakit at pait doon.

"Grace! You're here. Anong kailangan mo?" masaya nitong bati sa akin.

'Ikaw ang kailangan ko, Myk. Bumalik ka na sa akin.' mga katagang gusto ko sabihin sa kaniya ngunit may bagay na bumabalakid sa akin para sabihin iyon.

"Ahh— haha, Myk! Kamusta na? Ah ano kasi, titingin ako ng mga furnitures mo, oo 'yon!" nauutal kong tugon dito.

"Woah, talaga ba? Gusto mo i-tour kita? Kaile won't mind, right Honey?" napailing ako sa turan nito. Nginitian ko nalang ang dalawang tao na kaharap ko bago magpaalam na aalis na ako.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling tumulo ang luha ko. Akala ko maayos ko 'yong bagay na walang habas kong sinira dati, kaso mukhang huli na ako. Sinayang ko 'yong tao na walang alam kundi ayusin ang future ko, hindi ko man lang napag-isipan na alamin ang side niya.

Ito na ata ang pinakamasakit na consequences na nakuha ko.

_____

PLAGIARISM IS AN OFFENSE AND RESTRICTED BY THE LAW

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon