ALAMAT NG ISDA

0 0 0
                                    

"Hoy! Umalis ka nga dito, Imu. Hindi ka bagay sa grupo namin. Tingnan mo 'yang kulay mo oh, plain gray ka lang," mapang-asar na saad ni Lio.

Tiningnan ko sila isa-isa, totoo nga naman. Lahat sila may magagandang kulay habang ako, eto at ordinaryo lang.

Ako si Imu, isang isda. Wala na akong magulang dahil nabingwit sila ng mga mangingisda. Simula noon nagtanim na ako ng galit sa mga tao dahil kasi sa kanila kaya wala na akong kakampi ngayon.

"Alis na, Imu!" 'di na ako nakipagtalo sa kanila at tumalikod nalang.

Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa ma realize ko nalang na nasa hindi pamilyar na lugar na ako napadpad. Nilukob ako ng takot at kaba, nakarinig ako ng hindi pamilyar na tunog. Biglang umalon ng malakas dahilan para mahilo ako.

Tumingala ako at nakita ang isang kakaibang bagay. Nagpanic ako nang makitang may mga tao, nilukob ako ng galit pero wala naman akong magagawa dahil hamak na isda lamang ako.

Tumalikod na ako dito at akmang lalangoy papalayo ngunit nagulat ako nang may pumulupot na net sa katawan ko.

"Hindi!" sigaw ko.

"Oy pre, may nahuli akong isda oh, ang ganda," napatingin ako sa lalaking may hawak-hawak sa akin. Masaya itong nakangiti habang tinitingnan ako.

"Aalagaan mo iyan?" tanong ng isa niyang kasama.

"Oo naman, bagay siya sa aquarium ko. Ang cute na isda," muli nitong tugon.

Gumaan ang loob ko ng sabihin niya iyon. Ito ang unang pagkakataon na may pumuri sa isang katulad ko.

Pero nabawi lang ulit ang damdaming iyon ng maalala ko ang aking magulang.

Inilagay ako ng lalaking iyon sa isang lalagyan. Nakita kong umandar na ang bagay na sinasakyan namin papalayo sa lugar na pinagkuhanan nila sa akin. Walang halong dismaya ang aking nararamdaman dahil wala na din naman akong pamilya o kaibigan sa dagat na iyon.

Ilang oras pa ang lumipas ng makarating kami sa isang malaking bahay. Marami ding mga isda sa labas ng bahay nila, mukhang mahilig talaga siya sa mga isda.

"Okay, here you go little fishy." Inilibot ko ang aking paningin sa isang babasaging bagay na kinalalagyan ko ngayon.

May mga dahon at mga shells din sa paligid pero wala ng ibang isda. Sariwa ang tubig at malinis ang paligid. Napaka gandang lugar.

"Eat now, Fishy, baka gutom ka na," masayang wika ng lalaking kanina pa ako kinakausap. Ayoko sa kaniya, napaka bait niya ngayon pero baka sa susunod ay lutuin niya din ako.

Hindi ko kinain ang pagkain na binigay niya at nagtago nalang sa likod ng mga dahon.
__

Dumaan ang maraming buwan at naging maganda ang pakikitungo sa akin ng aking amo. Hindi ko man aminin ay mas naging masaya ako sa lugar niya kumpara sa buhay mayroon ako sa dagat.

Araw-araw akong pinapakain at nililinisan ang aquarium ko. Palagi niya din akong kinakausap at kinukwentuhan.

"Alam mo, fishy, ang cute mo talagang isda ka," puri nito sa akin.

Bigla kong naalala 'yong mga taga dagat, kahit isa sa kanila walang pumuri o nakisama sa akin. Ka-uri ko sila pero hindi nila ako tinuring na parang taga dagat.  Kahit sa dagat may discrimination din, masyado silang mapanghusga.

Now na nakita ko na ang tunay na nagpapahalaga sa akin, hindi na ako hihiling pa ng iba. Pero isang araw, bigla nalang dumating si Amo na may dala-dalang surprise.

Inilagay niya sa bahay ko ang isang napaka gandang isda. Pareho kaming gray ngunit mas kahanga-hanga siyang tingnan.

"May friend ka na, fishy, sana maging masaya ka," palakpak nitong wika bago kami tingnan ng sobrang tamis.

Dahil sa ginawa ni Amo kaya ako nagkaroon ng pamilya na ako mismo ang bumuo. Masaya na kaming naninirahan sa bahay ni Amo kasama ang anak at asawa ko.

Si Amo? Ayon at nakahanap na din ng mapapangasawa niya. Pareho kaming nabuhay ng masaya. Magkasama kaming tumanda at talagang si Amo lang ang naging tunay kong kaibigan.

Lahat ng poot at galit ko sa mga tao ay nawala. Naging masaya ako at naging malaya kahit na nasa loob lang ako ng isang aquarium. Nangyari iyon dahil sa pagmamahal na binigay sa akin ni Amo.

Ako si Imu, isang isda. Ngayo'y nagpapaalam dahil tapos ko ng ibahagi ang aking buhay kasama ang isang tao na minsan ko ng kinagalitan pero ngayo'y isa na sa naging mahalaga sa akin.

___

PLAGIARISM IS A CRIME AND RESTRICTED BY THE LAW

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon