LAYA SA SAKIT

0 0 0
                                    

"'Di ka natatakot?"   napatingin ako sa mga mata nito habang binibigkas iyon. Namumula ito at namamaga, halatang galing sa mahabang iyakan at puyatan.

"Bakit naman ako matatakot?"  balik kong tanong sa kaniya.

"Baka hindi na magiging katulad ng dati ang buhay mo. Kapag na approve ito, hindi na muli tayo mabubuo."  napabuntong-hininga ako ng malalim. May kirot, oo aaminin ko na masakit.

"Hindi na mahalaga iyon. Ang kailangan nalang natin ay mag let go at hintayin kung sino muli ang hahawak sa kamay natin."  Napatungo ito sa sinabi ko. Ipinatong ko ang aking braso sa kaniyang balikat at pinasandal sa aking balikat.

"Hindi man magiging katulad ng dati ang buhay natin atleast bumitaw tayo. Ayokong kumapit ka sa kutsilyong iyon ng dahil sa amin. Everyone needs their happiness at ayaw namin na ikait sa iyo 'yun. Alam kong ilang taon ka ng nag sakripisyo para sa pamilya natin, ngayon, pwede ka ng makalaya." Napuno ng hagulgol ang office kung saan kami nakaupo ni Mama.

Ito ang araw kung saan makakalaya na kami kay Ama, kung saan mapuputol ang lahat ng koneksyon namin bilang magpamilya. Mahirap man maging broken family pero sa huli maiisip nalang natin na mas magandang desisyon pa pala ang mag let go kaysa sa mag stay lalo na't hindi na tama.
_________________________
@open for critique and criticism

PLAGIARISM IS A CRIME AND RESTRICTED BY THE LAW

One to Tale (II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon