"Mahal na mahal kita, Yuhen." Mahinang saad ko.
Sabay kaming napatigil ni Yuhen. Nadala siguro ako ng sobrang emosyon kaya napa amin ako ng wala sa oras. Paano na ito?
" 'Wag mo kong mahalin Mia. Ayokong masaktan ka." Saad nito bago i-angat ang kaniyang ulo para tingnan ako sa mata.
"Alam ko Yuhen, alam ko." Tugon ko nalang kahit sobrang sakit.
Alam ko naman na hindi kami pwede dahil hindi ako ang mahal niya. Alam ko naman na kahit ilang taon ang lumipas ay hindi pa rin makakalimutan ni Yuhen si Kimmy.
"Tara muna sa loob, maginaw dito sa labas." Pag-aanyaya ko sa kaniya bago inalalayang tumayo at inakay papasok sa shop.
"Hintayin mo ako dito Yuhen, bibili lang ako ng makakain. 'Wag kang aalis diyan ah, umupo ka lang diyan, babalik ako." Paalam ko dito.
Natatakot man akong iwanan siya pero wala akong pagkain na pwedeng ma offer kay Yuhen. It left mo no choice kaya agad kong tinungo ang maliit na grocery mart malapit sa shop ko.
Nang mabili ko na lahat ng kailangan ko dali-dali akong bumalik. Hindi maalis si isipan ko si Yuhen, natatakot ako na baka anong gawin noon sa sarili niya. Hindi man niya sabihin ang lahat alam kong may hindi magandang nangyari sa kanilang dalawa ni Kimmy.
"Yuhen? Yuhen! Nasaan ka?" agad akong nag panick nang maabutan kong wala na si Yuhen sa inuupuan niya kanina.
Agad kong nilibot ang shop ko, wala siya sa counter and receiving hall. Huli kong pinuntahan ang mini garden na ginawa ko noong nag uumpisa palang ako sa business na ito. Hindi nga ako nagkamali, nandoon siya at mapayapang nakahiga sa bench na nakaharap sa mga bulaklak.
"Nandito ka lang pala Yuhen, akala ko umalis ka na." Naginhawaang saad ko ngunit hindi man lang ito lumingon.
Nilapitan ko ito at agad na lumuhod sa harapan niya. Nakapikit nga siya pero patuloy naman sa pag agos ang mga luha nito.
'Yuhen, ang sakit makitang nagkakaganiyan ka dahil sa kaniya.' mga katagang gusto ko sabihin sa kaniya pero sino nga ba ako? 'Di hamak na kaibigan niya lang."Yuhen? Kumain na muna tayo." Hindi ko namalayang hinahaplos ko na pala ang makinis nitong pisngi.
Inalis ko agad ang kamay ko nang magmulat na ito. Mga 3 minutes din ata kaming nagkatitigan, pero sa tatlong minuto nayon ay maraming pakiramdam ang naglaro sa sarili ko. Kasiyahan kasi matapos ang lahat, sa akin siya dumiretso. Kalungkutan kasi bakit sa maling tao pa siya napunta, nasasaktan tuloy siya ngayon. Kilig kasi unang beses na naging ganito kalapit ang mukha namin. At ang huli ay takot, pakiramdam ko kasi nagsusugal at naglalaro ako sa isang bagay na maaaring makapanakit sa akin sa huli.
"Hindi mo ba ako iiwan Mia?" nagulat ako sa tanong nito.
"Siyempre hindi." Sigurado kong sagot. Bakit ko naman siya iiwanan? Kahit kailan hindi ko ipinagpalagay na iwanan siya.
"Promise me." sabi nito bago iharap sa akin ang kamay nito naglalahad ng pinky finger niya.
"I promise." nakangiti kong sagot bago ikabit ang pinky fingers ko sa kaniya.
Ilang buwan din ang nagdaan matapos ang nangyaring iyon. Yuhen was doing good every months passed by, medyo nakaka move on na din siya pero hindi na katulad ng dati na sobrang jolly. Yung break up na iyon nagdulot ng malaking pagbabago sa kaniya, matured na siya, workaholic at napaka stern. Yung hindi lang naman nagbago sa kaniya ay yung palaging pag bisita niya sa flower shop ko.
Every weekends ay niyayaya niya ako para gumala at mag simba. Pagdating sa akin bumabalik yung ugali na meron siya dati, yung masayahin at mahilig mag joke. Ang saya kasi parang ang importante ko naman para lang gawin niya iyon. However, I can't still consider it that he's falling for me also. I just can't—
BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
Ficção GeralIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...