(A Collaborated story)
______
"Ate, tingnan mo oh. Sabi dito kapag daw may balat ka sa katawan ibig sabihin daw niyan iyan 'yung huling sugat na nakuha mo sa past life mo bago ka mamatay." Saad ng kapatid ko habang nakatingin sa isang libro na kung tutuusin ay parang luma na.
"Naniniwala ka diyan?" Nanunuyang tanong ko dito.
"Well, wala namang mawawala kung maniniwala ako. Ikaw kasi, masyado kang scientifically fan." Natatawang tugon nito.
"Mas may sense naman kasi kung mas maniniwala tayo sa scientific explanation. 'Di katulad sa mga ganiyan na ang hirap i-prove." Seryoso kong wika bago buklatin ulit ang libro ko.
"Just let me see your birthmark Ate," napahinto ako sa pagbabasa ng ibaba nito ang blouse ko. She paused for a while.
"Look, maliit lang pala 'yung balat mo. Wait titingnan ko din 'yung sa'kin." Napatingin ako direksiyon nito, mayroon din itong balat sa dibdib at katulad sa'kin maliit din ito.
"Ano kaya ang dahilan nito? Siguro ito yung last na sugat ko noong nasa past life pa ako. Bakit maliit? Mayroon bang maliit na sugat na nakakamatay?" napailing nalang ako sa mga katanungan ni Macy. Naniniwala talaga siya sa kalokohan na 'yan.
"Nasaan na 'yung mga bagahe niyo? Aalis na tayo within a minutes." Napatigil nalang kami nang biglang sumulpot si Mama
"Yes Ma, nasa sala na." Sagot namin ni Macy nang sabay.
***
"Hoy babae, mag ingat kayo doon ah. Sayang lang at hindi ako pinayagan ni Mommy sumama sa inyo papunta doon sa Province." I just rolled my eyes, napaka OA talaga nitong kaibigan ko.
"Don't worry mag iingat kami, atsaka may next time pa Liana so please huwag kang O.A—"
"Ma'am, please turn off your cellphone. We're now taking off." Nginitian ko nalang ang flight attendant bago patayin ang tawag.
Ilang minutong pagbabasa ang ginugol ko bago matulog. After this, makikita ko na ulit ang former hometown ko. I missed those child memories na naiwan sa province.
"Anak, kuhain mo na ang mga bagahe mo. Naka landing na ang eroplano." Pupungas-pungas kong kinuha ang mga bag ko.
"Yey! Nandito na ulit tayo." Malakas na saad ni Macy. Nginitian ko lang ito.
"Tara na't baka gabihin pa tayo papuntang bahay ng Lolo niyo." Tinanguan ko nalang si Mama at sumunod na dito.
Halos isang oras na byahe bago kami makarating sa bahay ni Lolo. Kung ano ang mukha ni 12 years ago, ganoon pa din hanggang ngayon. Ang garden nitong punong-puno ng mga prutas ay gulay.
"Maligayang pagbabalik mga Apo!" napunta ang paningin ko sa matandang nakatayo sa labas ng gate.
"Lolo!" Patalon-talon na bati ni Macy. Si Lolo na pala ito, hindi ko na namukhaan.
"Lolo, mano po." Inabot ko ang kamay nito para mag mano at yakapin.
"Na miss po kita Lo', kamusta ka na po?" inalalayan ko itong maglakad papunta sa loob. Nangayayat na siya.
"Ayos lang ako, sobrang natutuwa ako dahil nandito na kayo." Sinuklian ko nalang ito ng ngiti.
Ilang araw na din ang lumipas simula ng makarating kami dito sa probinsya. Ngayon ay napag desisyunan namin na libutin ang lupain ni Lolo.
"Ate, come here! Look oh, ang cute ng mga tomatoes." Namamanghang saad ni Macy. This girl, she's acting like a baby kahit 19 years old na.
"That's cherry tomatoes." Tanging saad ko nalang.
BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
General FictionIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...