Umagang-umaga cellphone na agad ang hinanap ko. Kagabi kasi ay may pinost ako na story. It may not be perfect but I put a lot of effort in that, how I wish there will be a few who will appreciate it.
6 messages, 10 notifications. What would be the first one I will open? I think I should go with the messages. There it goes, may 99+ na messages coming from my former hood, the AWP ft. Mapanakit.jpeg Writers. 99+ din sa Omisha Writers na Gc, and the rest are my related rp'er friends. Masaya naman kasi kahit papaano may bumubungad sa account ko.
Matapos makipag kulitan sa gc, napagdesisyunan ko na tingnan na ang notification button na iniwasan ko kanina. Yung first 5 notifications, naglaman lang naman ng invitations coming from different groups and pages. Then yung 2 notifications ay yung mga nag mention sa name ko. Lastly, ang 3 notifications. Yung isa nagsabi na may 5 nag heart react ng story ko tapos yung dalawa ay comments.
"Support po ate." Basa ko sa unang comment, kahit papaano may nakabasa din naman pala.
Pero yung isang comment, nako! Nakaka argh— "Rb ka muna payb." Seryoso? Nakakasakit lang sa feelings ah.
Muling kong tinitigan yung limang reacts, masaya parin naman kahit na yung iba nagpapa react back. Medyo masakit lang ng konti kasi yung efforts na talagang ibinuhos ko, konti lang yung nakaka appreciate.
Lumipat na ako sa newsfeed at nag scroll down nalang. Binabasa yung mga story na dumadaan sa nf ko.
"Pano kaya magkaroon ng ganitong reacts? Tapos madami pang supporters." Buntong hininga kong tanong sa aking sarili.
Yung iba halos maka-abot na ng 500+ na reacts. Muli kong binalikan yung mga gawa kong story, 10 heart, 15 reacts with 5 likes, 5 hearts. Hindi naman masakit ano? Tumigil na kaya ako?
Nakakawalang-gana, yung anonymous na writer ka lang sa mundong iyon. Walang pumapansin, walang halaga at walang talento. Wala nga ba talaga akong talento?
"I always want to be the best
So I was patient and I was always nervous
Comparison with other have become my routine
My desired to be a weapon makes me angry and irrational
But then, looking back, in fact
I don't think I wanted to be the best"Napapikit ang mga mata ko at dinama ang kantang kasalukuyang nag p-play sa kwarto ko. An inspirational song by BTS, one of my lamp shade in my passion. They're journey teach each one of us that even though we have been pushed down, critized by everyone and ignored, don't stop. It's just a trial for the success. And the most important is to stay humble and believe in yourself. Love yourself.
Tama! Hindi naman ako nagsulat para sa iba, nagsulat ako para sa sarili ko dahil ito ang talento ko. 'Di bale na ang mga reacts na yan, it's just a number and it doesn't define what talent I have. I just want to share it just like how BTS did. I will never give up.
Napatayo na ako at agad na lumabas ng kwarto. Agad na tumambad sa mata ko ang masayang pamilya na meron ako. Isa pa pala ito, isa pa pala sila sa mga inspirasiyon na nagtutulak sa akin na abutin ang pangarap ko.
Na realize ko na hindi pala ako nag iisa. Nandiyan pa ang pamilya ko, ang pamilya ko sa Role player world, ang BTS at ang Diyos para gabayan at tulungan akong abutin ang pangarap ko. Kaya bakit ako hihinto kung ito ang kasiyahan ko.
Ikaw dakilang manunulat? Titigil ka pa ba?

BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
General FictionIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...