I've been serving my beloved paradise for a thousand years already. Simula ng maliit hanggang sa madiskobre ko ang aking kakayahan bilang diyos, hindi ko na iniwan ang lugar na ito.
They'd marked me as their "foremost god" maybe because of my capabilities and possessions. Nakasalalay sa akin ang katahimikan at kapayapaan. Ngunit isang pangyayari ang biglang dumagundong sa aming lugar.
"Ama, mukhang hindi na natin mapipigilan ang digmaan," pagsisimula kong wika sa aking Ama.
Matunog na buntong-hininga lang ang aking narinig mula dito. Kahit kailanman ay hindi kami naging katuwang sa kahit anong paglalaban. Ngunit tungkulin kong panatilihin ang kapayapaan sa gitna ng away ng magkabilang grupo.
"Kausapin mo ang iyong kapatid. Gusto kong magkasabay kayong pupunta sa digmaan na iyon." Tumango nalang ako sa gusto nitong mangyari.
Tinungo ko ang kwarto ng aking kapatid. Hindi ko tanto kung bakit nga ba ako kinakabahan. Marahil siguro sa isang 'di pagkakaintindihan.
"Freya?" tawag ko dito.
Segundo ang lumipas nang tuluyan na itong magbukas. Nakita ko itong nakatayo malapit sa bintana suot-suot ang magara nitong kasuotan. Tumikhim ako ng isang beses bago niya ako harapin.
"Anong kailangan mo, aking KAPATID?" napabuntong-hininga ako sa turan nito. Talagang binigyan diin niya ang salitang kapatid.
"Patawad, aking kapatid." Napa-upo ako kama nito habang tinititigan siya ng seryoso.
"Alam mong hindi lang ganoon kadali iyon. Pinaniwala mo na ako lang ang gugustuhin mo, ngunit nagsinungaling ka," galit nitong wika sa akin.
"Pero huwag kang mag-alala mahal kong kapatid. Sasamahan kita sa digmaan," maliit na boses nitong saad bago ako dampian ng halik.
Dumaan ang ilang araw hanggang sa dumating ang takdang oras para sa pagtutuos. Kitang-kita ko ang mga katunggali sa kabilang dako ng mababaw na sapa.
Inilibot ko ang aking paningin sa aking mga kakampi. Hindi ko matanaw ang aking kapatid.
"Freya," bulong kong tawag dito.
Ilang sandali pa nang tumugon ito. Na alarma ako nang magsimula nang sumugod ang mga kalaban. Malaking tulong sa akin ang espadang ako mismo ang humulma. 'Di na siguro mabilang ang aking napatay ngunit mas naging mahirap ang pagtutuos nag magkaharap kami ni Beli.
Masyado siyang malakas dahilan para mapa tilapon ang aking espada. Ilang iwas ang aking ginawa para hindi matamaan ng kaniyang espada. Napadako ang aking paningin sa aking 'antler', biglang nabuo ang isang ngiti sa aking labi.
"BELI!" sigaw ko dito bago nilipad ang espasyo sa aming daan. Itinarak ko sa kaniya ang aking 'antler'.
"FREYR!" nanlaki ang paningin ko nang bigla nalang akong bumagsak.
Si Surtr! Nasa likod ng isang malaking apoy. Ngunit mas nagulat ako nang makita kung sino ang nasa likod ni Surtr. Ang aking kapatid, si Freya. Malaking ngiti ang naka paskil sa kaniyang labi.
Bago ko pa man ipikit ang aking mata. Isang tagpo ang aking naalala.
"Pero huwag kang mag-alala mahal kong kapatid. Sasamahan kita sa digmaan," maliit na boses nitong saad bago ako dampian ng halik.
Papalabas na sana ito ng silid nang magsalita siyang muli.
"Aking kapatid, kung hindi ka man magiging akin ng tuluyan. Mas mabuti pang mawala ka nalang,"
Kinabahan ma'y ipinagsawalang-bahala ko nalang ito dahil maaaring nagbibiro lamang siya.
Ngunit hindi lahat ng kadugo mo ay kasama mo habang buhay, mayroon talagang isa sa kanila ang pagtataksilan ka. Katulad ni Freya na nabulag sa kaniyang pag ibig kaya nagawang patayin ang sariling kapatid.
___
![](https://img.wattpad.com/cover/219320260-288-k368709.jpg)
BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
Fiction généraleIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...