"Hoy Calum! Ano?! siga ka na ngayon?!" Nagtatangis na ngiping saad ni Boknoy. Dumadaan lang naman ako sa harapan nila kaya pano nila nasabing siga na ako.
Nilampasan ko nalang ito at hindi na pinansin. Mapapasama lang kami kung papatulan ko pa ito. Ayokong mangyari iyon lalo na't nasa malapit lang namin si Marian, baka ma turn off pa siya sa akin.
"Aba! Loko ka din Calum eh 'no? Harapin mo ako." napahinto nalang ako sa paglalakad ng harangin ni Boknoy ang daanan kasama ang kaniyang mga tropa.
"Ayoko ng away Bok." saad ko nalang bago dumaan sa gilid nila. Wala akong oras para makipag basag ulo.
"Bakit? Nahihiya ka ba diyan kay Maria? 'Wag mo ng itago pa yang baho mo, alam na ng lahat na anak ka ng sindikato! At kahit kailanman ay hindi magiging kayo ni Marian!" muli akong napahinto sa aking paglalakad.
Naikuyom ko ang aking kamay sa sobrang galit pero hindi! Kaya kong magtimpi. Hindi totoo ang sinasabi nila kaya hindi ako magpapa apekto. Muli nalang ako naglakad ng—
"Duwag! Bakla ka pala Calum eh! Bakla! Bading—ding—ding. Ito ba ang nanliligaw sa iyo Marian? Eh bakla naman yan!" Panlalait ni Boknoy sa akin dahilan para magsitawanan ang lahat ng mga estudyante sa loob ng hallway. Mas lalo nalang akong napahiya ng makita ko ang pigil na tawa ni Marian.
Walang pagdadalawang isip kong sinugod si Boknoy kasama ang mga tropa niya. Hindi nila alam na magaling ako sa martial arts kaya madali ko lang na mapatumba ang mga alalay nito. Akmang susugudin ko na si Boknoy ng makarinig kami ng sigaw.
"Mahabagin! Anong nangyari dito?! At the counsel room, NOWWWW!" dinampot ko na ang mga gamit ko at agad na sumunod sa Principal namin.
"Ano ang nangyari at bakit kayo nagkakagulo doon? " Nakatakas na kilay na tanong ni Ma'am Principal.
"Si Calum po kasi Ma'am, siga po siya. Hindi naman namin inaano pero pinagsasapak na kami." napatawa nalang ako sa sumbong ni Boknoy. So now, ako pa talaga ang babaliktarin niya.
"That's not true Ma'am, dumadaan lang po talaga ako noon ng guluhin ako nila Boknoy. Ipinahiya pa nila ako Ma'am, sabi nila anak daw ako ng sindikato at bakla daw ako." pagtatanggol ko sa aking sarili.
"Hindi po iyon totoo Ma'am, nanahimik lang po talaga kami sa gilid noon." napangiti nalang ako ng tingnan ni Ma'am Principal sila Boknoy ng masama. Huli kayo boy!
"Ma'am nililigawan na po ni Calum si Marian, diba po ba bawal ang magkaroon ng girlfriend at boyfriend dito?" napalaki ang mata ko ng sabihin ni Boknoy iyon.
"Jusko na mga bata! Magsi ayos nga kayo! Grade 2 palang kayo tapos kung umasta kayo parang mga binata na. Tsaka anong ligaw yan? Hoy Calum mga sipunin pa kayo kaya bawal pa kayo sa ganiyan. At ikaw Boknoy, siga-siga ka na eh hindi ka pa nga pwedeng tuliin. Ayoko ng mauulit ito ah! Understand?" Napatango nalang ako sa sinabi ni Ma'am.
Atsaka ko nalang naalala na grade 2 palang pala ako. Hays! Hindi na talaga ako manonood ng mga movies na pang 15 above. Masyadong uma-advance ang isip ko.
"Hayy, grabeng mga bata masyado nang extraordinary." rinig ko pang saad ni Ma'am Principal bago ako tuluyang maka labas ng office.

BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
General FictionIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...