"Kuya! Please maniwala ka sa akin. H'wag kang pupunta sa building na iyon. Mapapahamak ka. Patibong lang iyon, hindi ka talaga niya patatawarin. Nandoon sila para patayin ka." I shudder in tense. Kailangan ko siyang mapaniwala dahil kung hindi- Mamamatay siya.
"Sino ka ba? Anong alam mo sa akin? Ni hindi nga kita kilalang babae ka! Lumayo ka. You're weird!" pantataboy sa akin ng lalaking kaharap ko.
"Please Kuya, maniwala ka." Pilit ko pa din sa kaniya pero nilampasan niya lang ako.
"Aish!" I hissed. No choice, I need to follow him.
Ilang taon na din akong ganito. Isang tao na may kakaibang kakayahan at hindi nabubuhay ng normal. I can see the time duration of people's life, lahat ng taong malapit ng mamatay, alam ko kung ilang oras nalang ang natitira sa lifeline nila. And what's worse? Nakikita ko kung paano sila mamamatay.
Noong nalaman ko na may ganito akong kakayahan hindi ko mapigilang ma depressed dahil iniisip ko na baka engkanto ako. Lalong-lalo na't hindi ko pa nagawang iligtas ang buhay nila dati. But not now, mas naging matapang ako and that's how I can manage to save other people's life.
Nagsimula lang ito nang mailigtas ako sa pagkaka-lunod noong highschool ako. It was our summer vacation in Antique, napag sang-ayunan naming magbabarkada na maligo ng dagat and it turns out to be a nightmare.
But everything went good to me dahil nagkaroon ako ang Angel who will save me in that danger. After that incident, hindi na muli siyang nagpakita sa akin, our fate doesn't made it up para magkita kami. I didn't know his name and also the portrait of his face in my mind was starting to fade. Up until now, hinahanap ko pa din siya.
"Huwag mo akong sundan, kung ayaw mong mapahamak. Umalis ka na weirdo!" Sigaw sa akin ni Kuya. I won't obey him, kailangan ko siyang iligtas
"No, kailangan mong maniwala sa akin." Tugon ko sa kaniya.
Along the way I tried my best to stop him pero walang effect. Nakarating na kami sa lumang building, wala na talagang atrasan.
"UMALIS KA NA!" napatigil ako pag lalakad ng sigawan ako ni Kuyang estranghero.
Napa-isip ako, oo nga naman. Bakit ko ba siya sinundan? Hindi ko naman siya kilala, hindi ko siya kaibigan, hindi ko siya kasintahan.
"You need to save him." Isang bulong ang tila ba'y dumaan sa tenga ko. Shivers run down at senses. There's something inside of me who's pushing that I need to save him.
"Welcome Huyen! Aba! Nag abala ka pa talagang dalhan ako ng chicks ah." I came back to senses when I heard those jackass laugh.
"I don't know her, so don't you dare touch her." Palag ni Kuyang estranghero.
"Hindi mo kilala? Ba't ka susundan kung hindi mo kilala? Don't you dare fool us Huyen!" Napaatras ako ng sumigaw ito. Ito na nga siguro ang katapusan ko. Napaligiran na kami ng mga armadong lalaki.
"Take the fire exit, I'll try to lure them. H'wag na h'wag kang lilingon just run." Napatingin ako kay Huyen daw habang bumubulong sa'kin. I need to think fast, iiwan ko ba siya?
"I came here for forgiveness Daryo, what else do you need?" tanong ni Huyen habang inaayos nito ang sombrero niya.
"Such a fool! Naniwala ka talaga dun? Sinong tanga ang maniniwala na papatawarin ka pagkatapos mong patayin ang leader namin?!"
"Then what do you want?" In a short time, nakaramdam ako ng pagkamangha dahil sa pinapakita ni Huyen. He look so calm, and I feel safe with that.
"We want your head, and that girl." Napakapit ako sa braso ni Huyen dahil sa sinabi ng Mamang iyon.
"You can have my head but not this woman." Napatulala ako sa kaniya. Bakit parang na baliktad? Bakit siya ang manliligtas sa'kin?
"Well, boys. Umpisahan niyo na." Napasigaw nalang ako ng mag umpisa ng lumapit ang mga lalaki sa amin.
Nakarinig nalang ako ng ilang pag hampas. After some minutes ay napag pasiyahan kong idilat ang mga mata ko't ganon nalang ang pagka gulat nang makitang may tumulong dugo sa ulo ni Huyen.
"Run" saad nito bago ngumiti.
I take that as an advantage para makatakas. Pero habang tumatakbo ako palayo parang ang bigat-bigat, naiiwan parin ang diwa ko sa lugar na iyon.
Napahinto ako ng madaanan ko ang isang baril. Caliber 45? Pwede na ito. Kinuha ko lahat ng bala at bumalik sa lugar na iyon. Ililigtas kita kahit anong mangyari.
Simula ng malaman ko ang kakayahan kong ito, maraming sequences na delikado ang napasukan ko. That's why I learned how to shoot.
"Patayin niyo na 'yan!" Sigaw ng Mama,
Nakita ko si Huyen na pinagsisipa sa sahig habang puno ng dugo. No! Hindi pa ako huli.
Agad kong pinagbabaril ang mga lalaking nakatayo sa harapan niya. Nang maglupasay na ang lahat ay agad kong pinuntahan ang lugar ni Huyen.
"10minutes" basa ko sa nakasulat malapit sa ulo niya. Pula na ito, ibig sabihin ay malapit na siyang mamatay.
"No!"
"B-bakit ka pa b-bumalik?" Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Bakit ba attached na attached ako sa lalaking 'to?
"You better live your life. 'Wag mong sasayangin ang araw na iniligtas kita."
"No! Kaya kita binalikan dahil gusto din kitang iligtas, mabubuhay ka. Please, 'di totoo itong 10 minutes." Mas napalakas ang iyak ko ng mas dumami ang dugong lumalabas sa kaniya.
"You grew beautiful, hindi naging tapon lahat ng pagbabantay ko sayo. Nagamit mo sa tama ang kakayahan mong makita ang life time duration ng mga tao. I'm sorry dahil sa akin naging ganiyan ka, pero kailangan mo ng tulong ko. Tinawag mo ako para iligtas ka sa pagkakalunod. I'm sorry, Akira." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nito.
Siya- siya 'yung lalaki na nagligtas sa akin? Hindi!
"I-ikaw?"
"Like you, nakikita ko din ang lifetime duration ng mga tao. And- argh! And I see that you can still live longer." Bakit ganito!? Bakit sa ganitong paraan pa kami magkakakilala? Hindi tama 'to.
"Kailangan mong mabu-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pumunta ito sa likod ko. Huli na ng makita kong may nakatusok na palang kutsilyo sa likod nito.
"AH!" walang tigil kong pinagbabaril ang mga lalaking naka tayo sa paligid namin.
" No, Huyen please stay. Pasasalamatan pa kita."
"Ang ganda mo Akira, please live longer." Huling saad niya bago ipikit ang mga mata nito.
"NOOOOOOOO"
"Shut down, 00:00," napahagulgol nalang ako ng mabasa iyon.
Sa huling sandali, iniligtas na naman niya ulit ako, at inilaan ang huling oras niya para sa'kin.
__________________________

BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
General FictionIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...