"Dad?! 'Wag mo kaming iwan!" iyak at sigaw kong habol kay Daddy.
Inabot ko ang polo nito ngunit iwinasik lang niya ang aking kamay. Lantaran kong nakita ang katawan nitong mabilis na naglakad palabas ng bahay, dala-dala ang mga gamit niya.
Now it turns out broken! Broken family, broken tree, broken strings! After all those memories we had, iiwanan niya lang kami dahil sa kabit niya? How cruel this life would be?! Svck him!
"Anak? Tama na, tumayo ka na—" itinulak ko si Mommy palayo sa akin at tumakbo papalabas sa bahay.
I'm not mad at her, I'm just mad at everything. I've been a good girl all throughout my existence but why is this happening?
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang napansin ko nalang na nasa isang open garden pala ako napadpad. Napakaganda ng lugar pero hindi iyon dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. Without a second thought, agad kong ibinuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.
"I hate you, Daddy! You've ruined our family, no! My family rather because from now on! I will never recognize you as my father!" I screamed at the top of my lungs.
"You really hate him?" napa-angat ang paningin ko sa isang anino na nagbigay lilim sa akin mula sa mainit na sikat ng araw.
"Sino ka?" tanong ko dito bago pinunasan ang luhang patuloy na umaagos.
"Just a stranger whom you can talk to," saad nito bago umupo sa gilid ko. 'Di batid ang nakakapasong sikat ng araw.
"So, you really hate your Dad?" napabuntong-hininga ako sa tanong nito.
"Yeah, I really hate him. Iniwan niya kami ni Mommy para sa sariling kasiyahan." Pinitas ko ang mga bulaklak at walang habas na pinagsisira.
"Hey! Haha, stop ruining this beautiful garden. Come, ako na ang suntukin mo." Napatigil ako sa ginagawa ko't napatitig sa kaniya.
"Teka nga, ba't naman kita susuntukin? Close ba tayo?" pagsusungit ko dito pero tinawanan niya lang ako.
"Sige na, alam ko naman na gigil na gigil ka." Hinawakan niya ang kamay ko at pinakuyom ito.
Dinala niya muna ito sa dibdib niya bago ako nginitian. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala ito na nagpadagdag sa pagiging-attractive niya.
"Suntukin mo na," utos nito.
Walang sabi kong sinuntok ito at muling umiyak. Kahit papaano ay napagaan niya ang nararamdaman ko.
"Kapag kailangan mo ng masusuntok, nandito lang ako. Just call me," matapos niyang sabihin iyon ay niyakap niya ako. Masyado siyang clingy pero aaminin kong malaki ang naitulong niya sa akin.
Ilang taon ang lumipas at talaga ngang naging tunay kaming magkaibigan ni Flyn, ang lalaking nakilala ko sa open garden noon. Masaya ang napagdaanan namin, through ups and down ay naging gabay namin ang bawat isa. Tinulungan niya akong kalimutan ang pait na napagdaanan ko sa dati kong Ama.
Naging kontento ako sa buhay na mayroon ako pero sadyang kapag may hirap sa buhay natin ay mayroon talagang ginhawa. Hindi ko kasi inaasahan na magtatapat ng pag-ibig si Flyn sa akin.
"Gusto kita, Ysa. Hindi, mahal na pala kita."
"Mahal din kita, Flyn."
Mas naging matatag ang relasyon namin ni Flyn. Talaga ngang binuo niya muli ang kalahating parte ng nawasak kong buhay. He serves as my bestfriend, my father and a boyfriend. Sa bawat oras na kailangan ko ng masasandalan ay nandiyan siya.
Si Mommy, gustong-gusto din niya si Flyn, maybe because he almost had all the good catch, at napasaya niya muli ang mundo namin. Kulang nalang ang parents ni Flyn para maging official na ang relationship namin.
BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
Ficción GeneralIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...