Magulong anggulo, maruming kulay, nakakalitong linya. Sa apat na sulok ng aking sketchpad ay may 'di nakaka-ayang larawan, iyan ang nakatunghay sa malamya kong mata. Agad ko itong ginusot ngunit kasabay noon ay ang pagsakit na naman ng aking ulo."Chayeen? Chayeen!" Sigaw ng isang rebulto na papalapit sa akin. Si Mama.
Tinaas ko ang aking kamay para abutin ito pero unti-unti na akong nilamon ng kadiliman. Kailangan ko na naman muling hintayin kung kailan ulit sisilay ang liwanag sa aking mata.
Sa aking pagbangon ay muli ko na namang tinungo ang aking mga kagamitan sa pag guhit. Isang malalim at mahabang pag hinga ang aking ginawa bago ipikit ang aking mga mata.
Unti-unti ay bumalik sa aking isipan ang lahat ng ala-ala na nagbigay kulay sa aking buhay. Kung saan nilagyan ng mundo ng malinaw na linya para sa direksiyon na nilaan sa aking buhay. Ang mga masasayang gunita ko sa aking pamilya, sa aking asawa at mga kaibigan na kahit saang anggulo ay talagang maraming istorya na kailangang maalala.
Iminulat ko ang aking mata, dinampot ang unang brotsa at hinay-hinay na iginuhit ang tagpong nagsisimbolo ng aking buhay na unti-unting nawawalan ng mitsa. Malapit ng matapos, ilang guhit nalang at magwawakas na din.
"Argh-" ungol ko ng muling kumirot na naman ang akin ulo.
Mas tumagal ito kaysa sa una, pamaya-maya pa ay sumikip na din ang aking dibdib. It strangle my breath, slowly but harshly. Ayoko pang sumuko, kailangan kong tapusin ang sining ko. Malapit na, bakit pa ako magpapakahina?
3 strokes left, matatapos na din ang lahat. Matatapos ko na din ang aking obra maestra. Huling kulay nalang pero natigilan ako ng may pumatak na pulang likido sa aking coloring plate.
"Chayeen!" rinig kong hysterical ni Mama.
"Mahal? Tama na, bitawan mo na yan." nahulog ko ang aking paint brush ng buhatin ako ni Leo paalis sa aking wheelchair.
Nang maihiga ako ni Leo sa hospital bed ay siya namang pag punas ni Mama sa pulang luha na tumutulo sa aking mata. Hindi na klaro ang nangyayari sa paligid, nakakahilo ang kanilang galaw.
"Anak, lumaban ka pa. Huwag mo muna kaming iiwan anak." kakayanin ko pa kayang mag stay? Hindi ko na panahon para mabuhay pa ng matagal.
"'Wag! 'Wag kang pipikit anak, please." basang-basa na ng luha ang aking braso dahil sa pag iyak ni Mama.
"I-inaantok na a-ako Ma." napakatapang ko dahil nakayanan ko pang mag salita kahit na nanghihingalo na ako.
"A-anak! Huwag muna! Huhu-" alam ko sa sarili ko na umiiyak rin ako pero ang hindi ko alam ay kung luha pa ba talaga ang lumalabas sa mata ko.
Hinatak na ni Leo si Mama paalis sa kama ng dumating ang mga Doctor. Binigyan ko nalang si Mama at Leo ng ngiti na alam kong babaunin nila habang buhay.
Ibinaling ko na ang aking paningin sa aking iginuhit kanina. Iyon na ata ang pinakamagandang obra na aking nalikha. Between life and death ay nakayanan ko pang iguhit ang huli kong katha.
Unti-unti ay nalimon na ako ng nakakasilaw na liwanag galing sa aking iginuhit. Dumating na ang oras ko, kailangan ko ng sumama.
Nakangiti kong ipinikit ang aking mata. Sa aking pag dilat ay alam kong magiging maayos na ulit lahat.
"Time of death 18:37pm April 7,2020." rinig kong saad ng Doctor.
"Ma, Mahal na mahal kita." binigyan ko ng mahigpit na yakap si Mama bago tingnan si Leo.
"Leo Mahal, ingatan mo si Mama pati na din ang sarili mo." isang halik sa pisngi ang aking iginawad sa kaniya.
Muli kong sinulyapan ang nakapalibot sa akin bago lisanin ang lugar na iyon. Alam kong magiging ayos lang sila pagdating ng panahon. At para sa aking obra maestra, alam kong may nakalaan na tao para tapusin iyon.
Hanggang sa muli... Aking obra.

BINABASA MO ANG
One to Tale (II)
Genel KurguIba't-ibang storya, Iba't-ibang genre, Iba't-ibang tauhan. Muling magbubukas para sa bagong tinipong storya na aking mailalahad sa inyo mga magiliw na mambabasa. Nanggaling ito sa aking Rp account kung saan naging undiscovered writer ako. Sana magk...