CHAPTER 13 - Away

117 16 0
                                    


YESHA'S POV

Kinabukasan papunta ako sa room nila ate Lily at sasabihin ko sa kanilang lahat lahat na nalalaman ko.

Pagpasok ko sa room nila kanya kanya sila ng kwentuhan pero malulungkot ang mga mukha nila. Siguro pinaguusapan nila si ate Lily. At mukhang hindi nila ako napansin. Kaya pumunta ako kay kuya Zander.

"Kuya Zander"tawag ko sa kanya. Kaya napatingin siya sa akin.

"Oh Yesha bat ka nandito may problema ba?"tanong niya.

"Wala po gusto ko lang pong malaman kung ok na po ba si ate Lily"nagaaalalang sabi ko.

"Hindi pa ehh pero I'm sure magiging ok rin siya"ngiting sabi niya pero may lungkot sa mga mata niya. Kaya napaiyak ako. Kaya lahat sila lumapit sa amin. At niyakap ako ni ate Hannah

"Sshh bakit ka na iyak?"takang tanong sa akin ni ate Hannah. Kaya kumala ako sa yakap. At yumuko

"Kasi po ano po"kinakabahang sabi ko.

"Yesha? May hindi ba kami nalalaman?"tanong ni kuya Liam. Kaya lalo ako umiyak. Kaya pinapatahan nila ako. Tumango ako sa sagot niya.

"A--ano yun Yesha?"tanong ni Ate Elise. Tumingin ako sa kanilang lahat at pinahid lahat ng mga luha ko.







*flashback*

Lahat kami nasa canteen ngayon at nakain. Kasama ko ang mga kaibigan ko na kumakain ngayon nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Kakatapos ko lang kumain at eto banyo na banyo na me kaya nagpaalam ako sa kanila na babanyo lang ako at tumango lang sila. Kaya tumayo na ako sa upuan ko at pumunta na sa banyo.

Pagpunto ko sa banyo dali dali ako pumunta sa cubicle para umihi. Hayss buti naman. Habang naihi ako may narinig ako pumasok at mukhang tatlo sila base sa tawanan nila.

"Alam nyo girls may plano ako sa babaeng yan"maarteng sabi niya. Teka si trishia ba to?

"Ano na naman yan girl hahaha"tawa nung kasama niyang isa at si Rishy yun. Kaya sinuot ko yung pangibaba ko at tumayo at dahan dahan kong tinakpan yung inidoro tas umupo ako dun wala lang laking chismosa rin ako ehh hehehe. Kayo ba?? Chismosa rin ba kayo katulad ko?? I'm sure meron sa inyo hihihi huwag na magdeny.

"Girl bilang parusa sa pakikipaglandian niya sa boyfriend ko may plano ako kung paano siya sirain ang pagkatao niya para mapahiya siya dito sa school natin at para malaman nila na isa siyang malandi na tao at nararapat lang sa kanya sa nangyari sa kanya WAHAHA"malademonyo niyang tawa. geez nakakatakot naman to para siyang witch. Teka bat parang ibang iba siya ngayon sa room at school namin mabait siya pero hindi ko alam may ganyan siyang side parang ibang iba siya ngayon parang hindi siya. Hindi ko alam na ganyan siya pag walang mga tao sa paligid niya. Pati yung dalawa niyang kaibigan ibang iba sila ngayon.

"Girls baka sobra naman ata yan"sabi nung isa.

"Oo nga girl"sangayon ni Rishy sa isa.

"Girls ano ba nilalandi niya jowa ko kaya nararapat lang sa kanya yun like duhh"maarteng sabi niya. Tsk hindi ako makapaniwala na ganyan sila ang galing nilang umakting ahh pede na sila maging actresses tsss.

"Ano bang plano mo sa kanya girl"maarteng sabi ni Rishy. Tsk magkaibigan nga talaga tsk.

"Kilala niyo naman siguro si Felly"sabi ni Trishia. Felly sino yun?? babae ba yun or lalaki??

"Oh yeah siya yung gang leader na lalaki na patay na patay sa iyo girl hahaha so anong meron sa kanya?"sabi nung isa. Sorry nakalimutan ko pangalan nung isa. 

"Girl lahat ng plano ko ay sinabi ko sa kanya at deal na deal sa kanya dahil sinabi ko lang naman sa kanya maganda at makinis at sexy ang ibibiktima niya WAHAHA"tawa niya uli tsk parang siyang mangkukulam teka?? Tama ba narinig ko?? Sh*t manyakis ang Felly na yun.

"Girl sigurado ka ba dyan sa binabalak mo?"tanong nung isa.

"Oo naman at ska malandi talaga Lily na yan"maarteng sabi ni Trishia. Teka Lily??  Huwag nilang sabihin si ate Lily yun?? Pero imposible naman kasi maraming Lily na pangalan sa buong mundo langya lalo ako kinakabahan ahh.

"Sinabi mo pa hahaha"tawa ni Rishy. At narinig ko bumukas yung pinto siguro umalis na sila. Lumabas ako sa cubicle. At kinakabahan huwag naman sana si ate Lily sh*t. Pumunta ako sa may salamin.

"Ano ka ba naman Yesha I'm sure hindi si ate Lily yun maraming Lily sa muna at alam mo na may Lily ring pangalan sa schook na to kaya chill hindi si ate Lily"sabi ko sa sarili ko yan nababaliw na me.

*End of flashback*

"Sigurado ka ba na sila Trishia yun?"tanong ni kuya Donny.

"Opo hindi nga rin po ako makapaniwala nga na ganun po silang tatlo pag walang tao sa paligid nila po ehh"sabi ko.

"Hah may tinatago pala yun na baho tss"ini na sabi ni ate Kristine.

"Ehh ponyeta pala yun ehh ang galing umakting pede na sila sa pbb"sabi ni kuya Zy.

"Dapat bigyan natin sila ng leksyon!!"sigaw ni kuya Rex.

"Te--teka lang po magkakaroon po ng gulo"pigil ko sa kanila oo aminin ko na galit rin ako kay Trishia pero.

"Oo nga wala pa tayong ebi--"naputol sasabihin ni ate Elise. Na bigla sila nagtayuan at sabay sabay sila naglakad paalis ng room.

"Sh*t masama to"sabi ni ate Elise.

"Oo nga po paano na po eto"nagaaalalang sabi ko. Dapat pala hindi ko na sinabi ayaw ko lang rin naman na gulo kaso gusto ko lang sabihin yung totoo lahat na narinig ko pero. Nagkatinginan kami at sabay sabay kaming dalawa na lumabas sa room at tumakbo.












RIANA'S POV

Pagpasok ko sa room ayy anyare?? Bat lahat sila wala dito sa room??

Pumunta ako sa ibaba ng building at pumunta sa canteen. Pagpasok ayy wala rin sila dito?? Pati mga tao dito parang nagkakagulo parang nagmamadali sila sa pagkain nila. May tumayo at nagmamadaling naglakad.

"Miss!"tawag ko at hinawakan sa kamay niya. Tumigil siya.

"Ate ate bakit?? Dalian niyo po!"pagmamadali niya.

"Teka teka bakit ba nagmamadali ka?"takang tanong ko.

"Lahat ng Section C sa gr.10 at ang gr. 9 nagaaway po"aligaga niyang sabi. At binatawan ko na siya at nagmamadaling tumakbo. Ow men hindi to maganda. Kaya dali dali akong tumakbo kung saan may mga estudyante na nagkakaguluhan. Pagpunta ko sa malapit sa may garden langya doon sila nagaaway?? Dali dali ako sumingit sa mga estudyante at nang sa wakas ay nakikita ko sila nagaaway bakla sa bakla.  Babae sa babae at lalaki sa lalaki. Nakita ko si Elise malapit sa hose naiiyak at may mga galos siya. Kaya pumunta ako sa kanya at nakita niya ako at yumakap sa akin. Kumalas siya

"Riana pinigilan ko sila pero tinutulak lang nila ako"naiiyak na sabi niya. Kung aawatin ko rin sila tutulukan lang rin nila ako. Nahagip ng mata ko yung hose.

"May idea ako buksan mo yung gripo na hose at ako naman ang hahawak na hose ok ba?"sabi ko. Kaya tumango siya kaya kinuha ko ung hose pumunta sa mga nagaaway na estudyante medyo malayo ako sa kanila pero sapat na para maanuhan sila ng tubig.

"ELISE!! BUKSAN MO NA!!"sigaw ko. Kahit hindi ako nakagtingin sa kanya. Men parang nagdidilig lang me ng halaman. At lumabas na yung tubig sa hose. Men pati ako basa. Lahat sila basang basa at tumigil rin sila at napaharap silang lahat sa akin pero pinagpatuloy ko pa rin binuhos sa kanilang lahat yung tubig. Tinignan ko sila shrimp pati pala lahat ng SBO siguro inaawatan sila pero sadyang nagmatigas pa talaga sila tsk tsk.

"ALL OF YOU GO TO THE OFFFICE NOW!!"sigaw ni sir principal. Kaya tumingin ako kung san nakatayo si sir principal at lahat ng teachers ay nasa tabi niya lang. Ang mukha ng principal namin ayun galit na galit ang mukha tas nagwalk out na sya. Tumingin sa akin si mam Cali.

"RIANA PATAYIN MO NA YANG TUBIG"sigaw ni mam Cali. Kaya tumingin ako kay Elise. Tumango siya at pinatay na niya. Grabe basang sisiw na rin ako.













-------------------------

Thanks for reading! 💖

Please vote and comment

Next chapter!




The Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon