RIANA'S POVMonday ngayon at busy kami sa paggawa ng banner namin. Nung mga nakakaraang araw ay busy kami sa pagdecorate sa school namin.
Mga ilang minutong lumipas ay natapos na namin sakto ay papaalis kami ngayon pupunta kami sa school na tinutukoy nila. Ngayon ay laban ng basketball kaso taga ibang school ang maglalaban.
"Kinakabahan ako!"kinakabahan na sabi ni Ivan.
"Huwag kang kabahan nandito naman ako magchicheer sa iyo"ngiting sabi ni Kyla at sabay kiss niya sa pisnge ni Ivan kaya namula ang loko hahaha. Sana all hahaha langya lagi na lang ako nakasana all.
"May nakalimutan ba kayo?"tanong ni mam Cali.
"Wala na po"sabay na sabi naming lahat.
"Lui at James ang camera?"tanong ni mam Cali.
"Nasa amin na po"sabay na sabi nung dalawa.
"Oh baka may nakalimutan pa kayo naku kapag may nakalimutan kayo hindi na tayo papayagan makabalik dito dahil nakakahiya sa driver"sabi ni mam. Kaya tumango kaming lahat.
"Naku kinakabahan ako mga beshiee"kinakabahan na sabi ni mam.
"Naku mam huwag kayong magaaalala matatalo namin sila"proud na sabi ni Ivan.
"Hoy! Ivan bakit nandito ka pa? Nasa labas na ang team niyo baka pagalitan ka pa"sabi ni mam Cali kaya ayun dali daling lumabas si Ivan sa room namin ayan landi pa hahaha.
"Ok mga beshie tayo ay lalabas na rin patayin niyo na ang mga ilaw at aircon"sabi ni mam at lumabas na sa room. At kami naman ay pinatay na namin ang ilaw at ang aircon at sabay sabay na kami umalis sa room.
Pagbaba namin ang daming mga estudyante nagsilabasan na din. Ako ngayon ay naliligaw na dahil nawala kaagad sila sa paningin ko hayss mapapagalitan na naman ako neto ni mam Cali. Kaya tumakbo ako palabas ng gate at may mga nakahilerang bus ang kashare namin sa bus ay ang last section ayus lang sa amin ayaw rin naman namin sa section 1 medyo hindi kami close dun pero pwede pa ang section B nandun sila mamshie Krixen. Hinanap ko naman ang bus namin sabi ni mam Cali ang number bus namin ay 22 kaya hinanap ko yung 22 at salamat nahanap ko rin buti nakaabot pa ako lahat kasi sila nandun na ako na lang wala hehehe papakyat ako sa bus at ayun pinagsabihan ako ni mam Cali kaya nagsorry ako sa kanya.
At naghahanap ako ngayon na pwepwestuhan at gusto ko sana sa dulo kaso puno na dun.
"Riana! Dito!"kaway ni Jane kaya pumunta ako dun buti wala siyang katabi at dun ako umupo.
"Buti wala kang katabi"sabi ko.
"Si mam Cali ang nagarrange ng mauupuan natin"sabi niya kaya tumango ako nasa right side kami ng upuan at ang nasa likod namin ang section last na ang nasa harapan namin ay sila kuya Klent at Leo. Si Jane ang nasa bintana gusto ko rin sa bintana pero ayus lang sa akin yung pwesto ko.
"Jane alam mo ba kung saan tayo pupuntang school?"tanong ko.
"Di ba? Sinabi na sa atin si mam Cali?"sabi niya.
"Busy ako sa kakal ng cellphone ko ehh hehehe"sabi ko at sabay kamot sa aking ulo.
"Sabi ni mam Cali sa CU"sabi niya.
"Hah? See you? As in see you?"nagtatakang tanong ko.
"No CU as in C at U"paglilinaw niya.
"Ahh ehh ano bang ibigsabihin nun?"tanong ko.
"Crey University"sabi niya.
"Ahh"sagot ko.
"Alam niyo ba kung bakit Crey University?"tanong nung nasa likod namin kaya nagkatanginan kami ni Jane at tumingin kami sa likuran namin.
BINABASA MO ANG
The Section C
RomanceSamahan niyo ang Section C sa paglalakbay nila sa buhay, sa darating na mga pagsubok, kakulitan, katuwaan, kadramahan, katatakutan at pagmamahal. Handa na ba kayo makita ang buhay ng section C?