JENNA'S POVMaaga ako ngayon sa school wala pang masyadong estudyante at teacher. Nandito ako ngayon sa room at nakahead down ako. Naiiyak pa rin ako dahil hindi ko alam na pinagpalit na niya pala ako sa malapit huhuhu. Bakit ganun? Ang daya sumuko siya sa LDR namin bakit? Ako nga kinaya ko ni hindi ko nga maipagpalit siya dito kasi mahal ko siya ihh bakit mo ko niloko? Bakit mo ko pinagpalit? Nagpromise ka sa akin na kaya mo hindi ka susuko bakit? Sinira mo mga pangako mo sa akin? Ang sakit sakit lang huhuhu ang sakit mahal na mahal kita pero bakit? Nasawa ka na agad sa akin? Panget ba ako kapalit palit ba ako? Teka sa palabas na yun ahh nila Lizquen.
*flashback*
Nandito ako ngayon sa bahay at masayang nanonood ng tv kasama ang mga magulang at kapatid ko. Biglang tumunog cellphone ko kinuha ko yun at tinignan masaya ako dahil nagchat ang bebe ko.
Mahal! 💖💖
Mahal: Hello mahal! 💖💖
Me: Hi mahal! 💖💖
Mahal: Magkita tayo sa playground
Me:Ok mahal! 😘
Ngumiti ako at pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos ko magayos sa sarili ko at pumunta na ako sa playground at nakita ko siya na nakaupo sa swing. Pumunta ako doon at umupo sa isa pang swing. Habang nakatingin ako sa kanya ay nakangiti ako. Bat parang ang lalim ata na iniisip niya?
"Mahal!?"tawag ko sa kanya tumingin siya sa akin at ngumiti siya ng konti.
"Jenna may sasabihin lang ako sa iyo"sabi niya na may lungkot na mukha. Naglaho ang aking ngiti dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Kinabahan ako kung sa anong sasabihin niya.
"Aa--ano yun?"nauutal na tanong ko. Nagbuntong hininga muna siya.
"We need to break up"seryosong sabi niya na kinadudurog ng aking puso.
"Ba--bakit? May nagawa ba akong kasalanan? Sabihin mo sa akin aayusin natin to"naiiyak na sabi ko.
"Wala kang gianawang kasalanan Jenna"sabi niya. Tumayo siya at tumayo rin ako.
"Anong ibig mong sabihin hah?!"naiiyak na sabi ko.
"Diba kilala mo si Tina? Yung kaklase ko? Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa kanya"sabi niya.
"Anong hindi mo sinasadya hah?! Ang sabihin mo sinasadya mo kasi wala ako sa tabi mo at lagi akong walang time sa iyo!! Yan ang sabihin mo pero kailanman ay hindi kita ipagpapalit"naiiyak na sabi ko na may halong inis.
"Nainlove ako sa kanya at pinagsabayan ko kayong dalawa"sabi niya na lalo kong kinainis.
"Langya naman Jerico! Magone one year na tayo!"sabi ko.
"Sorry Jenna pero mas mahal ko siya sorry kung niloko kita"sabi niya.
"Paano yung mga pangako natin sa isa't isa paano na yun hah?!"naiiyak na sabi ko.
"Kalimutan mo na yun"sagot niya.
"Bakit? Bakit?!!!"sigaw na tanong ko. Hindi ko na kaya ang sakit sakit kasi ihh.
"Sorry Jenna akala ko kasi kaya ko hindi pala"malungkot na sabi niya.
"Dapat pala hindi na lang kita pinuntahan dito kasi ganton rin pala ang mangyayari. Alam mo ba na araw araw kita iniisip na kahit malayo tayo sa isa't isa kahit magkalayo ang lugar natin iniisip kita palagi kung nakakain ka na ba doon or nagpapahinga ka ba doon ang sakit lang kasi ihh"naiiyak na sabi ko na hindi ko namalayan na napaupo na lang ako sa lupa na nanghihina.
BINABASA MO ANG
The Section C
RomanceSamahan niyo ang Section C sa paglalakbay nila sa buhay, sa darating na mga pagsubok, kakulitan, katuwaan, kadramahan, katatakutan at pagmamahal. Handa na ba kayo makita ang buhay ng section C?