CHAPTER 14 - ebidensya part 1

110 16 5
                                    


ALEXIS POV

Lahat kami nasa office ni sir principal at buti kasya kami lahat. Sa harapan namin si sir principal at nagpapakalma. Lahat kami nakayuko. Lahat kami mga babae ay magugulo ang buhok at medyo may mga galos at mga lalaki naman ayun may mga pasa sa mukha yung mga bakla ayun katulad rin namin mga babae. Yung mga SBO malapit sa pintuan at doon nakatayo. Ang home room teacher namin ay nasa tabi lang ni sir principal.

"So sino ang unang nanggulo?"tanong ni sir principal. Kaya tumingin kaming lahat sa kanya at nakikita namin ang seryosong mukha ni sir principal. Kaya lahat kami nagtuturuan.

"Shut up!!"inis na sigaw ni sir principal. At tumigil kaming lahat at yung iba nakayuko yung iba nakatingin kay sir principal at kasali na din ako dun. Pinapakalma niya ang sarili.

"Alam niyo bang pati mga SBO nadamay ng dahil sa away niyo inaawatan na nga kayo nagmamatigas pa kayo. Alam niyo parang kayo mga aso kailangan pa talaga na buhusan kayo ng tubig para lang tumigil kayo hah!! Buti at hindi na umawat ang ibang mga estudyante kapag umawat sila pati sila madadamay at dahil sa away niyo pati si Adrian na damay rin alam nyo ba kung nasaan na siya ngayon? Nasa hospital dahil inaatake ng hika! Ano ba naman kayo hindi na kayo bata!"

"Ngayon! Sino sa inyo ang unang nanggulo?"seryosong tanong ni sir principal.

"Sir principal sila po ang unang nanggulo"turo ni Justin sa amin.

"Sir principal ehh kasalanan po yun ni Trishia ayaw niya pa po sabihin ang totoo na siya ang nagutos sa gang na gasahin si Lily!!"inis na sigaw ni Kristine. Kaya pinakalma namin siya.

"Hi--hindi po yan totoo"naiiyak na sabi niya. Tsk fake.

"Huwag niyo nga pinagbibintangan si Trishia sa nangyari kay ate Lily at sino ba sa inyo ang nagsabi na si Trishia ang may kasalanan alam natin na hindi niya yun magagawa!"inis na sabi rin ni Layla.

"Oo hindi niya talaga yun magagawa kasi ang pinapakita niya sa atin na kabaitan ay isang fake! Kasama yan yang dalawa niyang kaibagan!"inis na sabi ni Jenna.

"Totoo ba yun Trishia?"seryosong tanong ni sir principal.

"Hi---hindi po yun totoo"naiiyak na sabi niya. Tsk drama queen ang galing.

"Sabi kaya ni Yesha at narinig niya kayong tatlo naguusap sa banyo"mataray na sabi ni Leon. Oo nga pala katabi lang namin si Yesha nasa gitna namin siya ni Hannah.

"Totoo po yun nasa cubicle po ako nun tas naririnig ko pinaguusapan po nila tungkol sa plano ni Trishia dahil daw po na nilalandi daw po ni ate Lily si Bruno yung bf po ni Trishia tas bilang parusa ayun yun yung plano ni Trishia ang sirain ang buhay ni ate Lily at ikalat daw dito sa school kung gaano daw po kalandi si ate Lily at ska alam ko po naman na hindi malandi si ate Lily ehh"sabi ni Yesha.

"Totoo ba yun Trishia?"tanong ni sir principal.

"Totoo ba yun Trishia?"tanong ni Bruno na nasa tabi niya.

"Hindi yun totoo sinungaling talaga yan si Yesha"inis naiiyak na sabi ni Trishia.

"Totoo kaya yun bat kasi hindi pa aminin sa lahat kasama yan yang kaibigan mo bakit hindi niyo pa sabihin ang lahat na totoo ang sinasabi ko"inis na naiiyak na sabi rin ni Yesha. Kaya hinahagod siya ni Hannah sa likod niya para pakalmahin at patahanin.

"Trishia alam mo at alam natin na hinding hindi magagawa ni ate Lily nalandiin ako at alam mo na kaibigan ko lang si ate Lily"sabi ni Bruno sa kanya habang nakahawak na kamay si Bruno sa kamay niya. Tas biglang yumuko si Trishia. Biglang tumayo si Rishy.

"Hindi! Yun! Totoo! Napakasinungaling mo talaga Yesha baka ikaw ang nagseselos at pinaghihiwalay mo silang dalawa ni Bruno alam mo at alam natin na may gusto ka rin kay Bruno!"inis na sigaw ni Rishy habang nakaturo kay Yesha. Biglang tumayo si Yesha.

"Oo!! aaminin ko may gusto ako kay Bruno pero nagparaya ako Rishy! nagparaya ako para sa kaligayahan nila alam ko rin naman na hindi ako gusto ni Bruno! Kaya nagparaya ako! Ang sakit nga ehh yung taong gusto mo na alam mo na hindi naman talaga para sa iyo!! At aaminin ko rin! Nagsisinungaling ako at alam ko na nagkakaroon rin ako ng kasalanan! Kasi nga nobody's perfect! Pero yung tungkol kay ate Lily totoo yun! At totoo na yang si Trishia ay may planong yun kay ate Lily tas totoo rin na fake rin ang pinapakita sa atin ni Trishia!"inis na sigaw ni Yesha habang sinasabi niya yun tumutulo pa rin ang mga luha niya. Pinaupo namin siya at biglang napayakap si Yesha kay Hannah.

"Ba--bakit mo lagi kasama si ate Lily? Bakit??!! kada lalakad ako nakikita ko kayo magkasama pero palihim pa rin ako umalis! Tas lagi napaparating sa akin lahat na lahat na lagi daw kayo magkasama baka nilalandi ni ate Lily si Bruno chu chu bakit??!!"naiiyak na sigaw ni Trishia sa kanya.

"Hindi ako nilalandi ni ate Lily at ska kung ano naman yang pinagsasabi ng iba ay hindi yun totoo"sabi ni Bruno sa kanya. Ayy waw k-drama ang peg. Ay dapat pala seryoso ngayun. Seriuos mode.

"Ehh bakit lagi mo siya kasama! Alam mo naman na selosa akong tao! "naiiyak na sabi niya.

"Dahil nga humingi ako ng tulong kay ate Lily para sa 2nd monthsary natin kaya madalas ko siya nakakasama"sabi niya.

"Bakit siya pwede naman mga barkada mong lalaki ahh"sabi niya.

"Alam mo na hindi ko naman sila maaasahan ehh"sabi niya.

"Pero hindi ko kasalanan tungkol sa nangyari kay ate Lily!!"inis na sabi niya.

"Totoo kaya like duhh ayaw pa kasi aminin pa ehh"mataray na sabi ni Leon. Mataray talaga tong baklang to hahaha.

"Wala pa naman kayo ibidensiya ehh"sabi ni Justin.

"I have"rinig namin sabi ni Riana. Kaya napatingin kami sa kanya.

"Ay kabute!!"gulat na sabi ni sir principal. Pati sila mam Oddette at si mam Cali nagulat rin. Teka lang paano siya napapunta sa tabi ni sir principal??

"Ano ka bang bata ka aatkhiin ako sa puso neto ehh!"inis na sabi ni sir principal.

"Sila aso ikaw naman kabute!"sabi niya habang nakaturo sa kanya. Pfftt oo nga pala minsan kasi bigla bigla na lang sumusulpot si Riana hahaha.

"Sorry po"seryosong sabi niya at nagbow.

"Meron ka bang ebidensiya?"tanong niya.

"Opo meron po"sabi niya. Meron siyang ebidensiya??

The Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon