CHAPTER 15 - ebidensya part 2

113 14 11
                                    


RIANA'S POV

*flashback*

Papunta ako ngayon sa police station at may gusto lang ako malaman sa leader na yun. Pagpunta ko sa police station nakita ko si kuya Lander na malapit sa kulungan at kinuwelyuhan niya yung leader ng gang.

"Hoy bata ano ginagawa mo dito?"tanong na lalaking police sa may gilid ko.

"Sshhh wag po kayo ingay!"mahinang sabi ko.

"Hoy bata ano sadya mo dito?"mahina rin na sabi niya.

"Wait lang po chismosa po kasi ako kung gayahin nyo po kaya ako pakinggan po natin kung ano pinaguusapan nila"mahinang sabi ko rin.

"Hoy!! Sabihin!! Mo bakit mo yun ginawa sa kapatid ko??!!"sigaw ni kuya Lander walang may gusto umawat kay kuya Lander.

"Hoy bata umalis ka na dito kung wala ka pala sadya dito at hindi eto palaruan"sabi niya sa akin.

"Sshh ang ingay niyo naman po"inis na sabi ko. Kaya binigay ko sa kanya yung popcorn. Na kinuha ko sa lamesa nila.

"Ayan kumain po kayo habang nanonood po mas maganda"sabi ko sa kanya. Kaya no choice siya kumain na lang siya ng popcorn at nanonood sa eksena.

"SASABIHIN MO BAKIT?!!"sigaw niya uli. Naku po nakakatakot naman magalit si kuya Lander.

"Pwede ba!! Bitawan mo ako!!"sigaw sa kanya.

"SABIHIN MO!!"sigaw uli ni kuya Lander.

"Grabe nakakatakot naman tong si sir"bulong ng police na nasa gilid ko at nakain pa rin siya ng popcorn.

"Kaya nga po ehh"bulong ko rin.

"OO NA SASABIHIN KO NA MAY NAKAPAGUTOS SA AKIN!!"sigaw nung leader na gang. Teka?? May nakapagutos sa kanya?? Sabi na ahh pero sino??

"Mamang police sino po siya"bulong ko kay mamang police na hanggang ngayon nakain pa rin ng popcorn.

"Ahh siya si Felly lagi na yan nakukulong pero nakakalabas pa rin ehh"bulong niya uli. Kaya patango tango ako ahh ok alam ko na name niya.

"SINO?!!"tanong na sigaw ni kuya Lander. at niyugyog niya to.

"SI TRISHIA!!! SI TRISHIA!!! SIYA ANG NAKAPAGUTOS SA AKIN NA GASAHIN NAMIN ANG KAPATID MO!!! SIYA YUNG NASA GR. 9 NA BABAE!!"sigaw ni kuya Felly.

"Saan nagaaral?!!"tanong ni kuya Lander sa kanya.

"Sa school ng kapatid mo"sabi ni Felly.

"Nga pala ang kapatid mo ang sarap makinis hahaha!"maaademonyo niyang tawa. Bwisit tarantado naku naku kapag ginawa niya uli kay Lily pasensyahan tayo tsss.

"G*GO KA PALA EHH!!!"sigaw ni kuya Lander. Kaya gustong gusto niya suntukin si kuya Felly pero hindi niya yun magagawa at nakakulong eto hindi parin binibitawan ni kuya Lander ang kamay niya sa damit ni kuya Felly pero mahigpit ang kapit niya dito. Inaawat na siya ng mga police at pinakalma na eto. Tahimik lang akong lumabas sa police station.


*Endofflashback*









At pinatay ko na ang naka-record sa cp ko. Buti at nirecord ko palihim yung cp ko. At may pinakita akong picture sa kanila. Na may kasama si Trishia na lalaki at yung lalaki na yun ay si kuya Felly.

"Sa tingin ko matagal mo nang kilala si kuya Felly tama ba?"seryosong sabi ko.

"Hi--hindi totoo yang picture na yan edit lang yan babe"inis at naiiyak na sabi niya.

"Babe?"mahinang sabi ni Bruno na parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya at lalo na sa nakita niyang picture.

"Don't deny it"sabi ko. Biglang pumasok si kuya Lander at nakatingin ito ng masama kay Trishia na ngayon nakayuko na.

The Section CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon