KYLA'S POV
Nandito na kami ngayon sa mall namimili ng mga damit nila ako naman taga tingin lang muna tsaka na lang ako bibili ng mga damit kapag kumpleto na kaming lahat. Habang namimili sila biglang pumunta si Jenna sa akin na may dalang mga damit.
"Wala talaga akong mapili sa mga damit neto"sabi niya. Oo nga pala namimili siya ng damit at ireregalo sa pinsan daw niya. Tumitingin pa siya sa mga napili niyang damit.
"Huhuhu Kyla help me 😭"naiiyak na sabi niya. Kawawa naman bestfriend ko.
"Sige tutulungan kita ano bang maitutulong ko?? Maghahanap ng damit na maganda?"tanong ko habang tumitingin sa mga damit na nakahanger at tumingin sa kanya.
"Amm Kyla ano bang gusto mong damit??"nakangiting tanong niya na pinagtaka ko naman.
"Bakit?? Ako?? at ska pinsan mo yun diba dapat doon ka magtanong"nagtatakang sabi ko.
"Ehhh kasi kataste mo siya ehh pagdating sa mga damit"sabi niya at nagpuppy eyes hayss nagmumukha tuloy ako na ate niya matangkad kasi ako sa kanya ng onti. I have no choice.
"Sige na nga"nakangiting sabi ko at masaya siyang nag yes! Ngumiti ako at napapailing na lang. Namimili ako ng gusto kong damit napatingin ako sa orange dress ang ganda pati yung design ang ganda rin nakahalf shoulder siya. Tinignan ko ng maigi at hinahawakan.
"Ayan ba ang gusto mo? "tanong ni Jenna at napatingin ako sa kanya nakangiti siya tumango naman ako na may ngiti.
"Yehey!!"Nagtatalon sabi niya grabe ang saya naman ata niya ngayon?? Binigay niya sa akin yung dress kaya pinagtataka ko naman.
"Oh bakit mo ibibigay sa akin??"nagtatakang tanong ko.
"Magkasukat kasi kayo ehh tignan natin kung kasukat mo dali na please!"magmamakaawa niya. Hayss pinisil ko pisnge niya kahit medyo may katabaan naman hehehe.
"Sige na nga"ngiting sabi ko. At pumunta na ako sa comfortroom at isinukat ang dress na pula. Pagkasukat ko tumingin ako sa salamin at wow bagay sa akin ang ganda! 😍 umikot ako ang ganda parang gusto kong bilhin pero sa pinsan niya eto ehh. Lumabas na ako sa comfortroom at nagpakita kay Jenna I mean lahat sila. Pagkalabas ko bigla lumaki ang mga mata nila.
"Bagay ba??"tanong ko sabay ikot ko.
"Wow! Bagay na bagay"nakangiting sabi ni Jane.
"Oo nga"sangayon nila. Pumunta sa akin si Jenna.
"Kyla tara bilhan na natin"masayang sabi niya.
"Oyy! Teka magpapalit lang ako"pigil ko.
"Ganyan ka na dali punta na tayo sa cashier"atat na atat na sabi niya. At sumangayon din ang lahat pati sale lady.
"Pero diba sa pinsan mo to?"sabi ko.
"Gamitin mo na alam ko naman gusto mo yan ehh dali"pagmamadali niya at hinahatak pa ako papunta sa cashier.
"Te--teka lang uniform ko"sabi ko habang hinahatak niya pa rin ako.
"Ako ng bahala"nakangiting sabi ni Kristine at kumindat pa. Kaya tumango lang ako at nagphila kay Jenna. Wala rin naman akong choice ehh. Pagpunta namin sa cashier. Napawow ang mga tao sa cashier kaya nahihiya akong tumingin sa kanila.
"Bilhin na po namin eto"sabi niya at tinuro yung suot ko.
"Wow! Mam bagay po sa inyo"namamanghang sabi ng cashier.
"Naku sinabi niyo pa po"masayang sabi ni Jenna at nagbayad na siya. Pagkabayad namin pumunta na kami sa teka?? Salon??
"Magpapasalon kayo??"takang tanong ko. Tumango lang sila at pumunta na kami sa salon.
BINABASA MO ANG
The Section C
Roman d'amourSamahan niyo ang Section C sa paglalakbay nila sa buhay, sa darating na mga pagsubok, kakulitan, katuwaan, kadramahan, katatakutan at pagmamahal. Handa na ba kayo makita ang buhay ng section C?