Just to remind you, magiging mabilis po ang pacing ng story.😊
-chrexzia14
-----
Zelle POV
Day-off naming lahat today, We all agree to make Sunday as our day off. As in kaming lahat ah, pati si Stephen na workaholic napapayag ni Eury. Well nagagawa nga naman ng pag-ibig. Ang dami nang nangyari sa bahay na ito. Si Tyler may dinedate na ulit, si Kuya Dylan nagkabalikan na sila ng ex niya, Si Marco problemado sa secretary niya, Si Kaden siya naman ngayon ang naghahabol kay Rhyme, Red is still in an on and off relationship, Si Zac dinedate na iyong friend ni Drayn. Taz on the other hand still single but complicated. Si Stephen at Eury parang kami lang ni Drayn, nag-aaway pero hindi maghihiwalay.
Sobrang bilis ng panahon, 2 months na ang nakalipas mula ng magbukas ang bakeshop ko, 6 months na rin ang tiyan ko at para nga akong nakalunok ng pakwan. Syempre hindi pa rin nawawala ang insecurities ko sa katawan but in the end mas pinagtutuunan ko na lang ang sinasabi ni Drayn. Our love is not perfect yet it's the best thing that happened to us. We argue most of the time but Drayn never let a day pass na makipag-ayos at makipagbati sa akin. He is very understanding and caring. Ilang beses niya ring paulit-ulit na sinasabi na he's willing to be the father of my child. As if naman may iba pa diba? Maybe it's the right time to tell him everything. I know he will be surprise but to think that he will be glad to know that, is one thing that I'm looking forward. May times pa nga na pinagseselosan niya ang sarili niya. Naririnig niya raw kasi akong kinakausap ang baby ko at binabanggit ang daddy nito. Seeing him being possessive and jealous over me makes me love him more. Mas lalo ko lang siyang minamahal. I still don't know how and when I started loving him but maybe love just happens, it's not going to give you notice when you're about to be in love, it just blow your mind that you cannot live without that person. Love happens in mysterious ways most people would say and I think they are right. I love him without reasons at all. Coz the reason I have now is not enough to describe my feelings, it's more than that and it's identified.
Things go smoothly also with my family, Nakakausap ko na sila through phone call but never had the chance to meet them in person. Wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang tunay kong sitwasyon ko. Saka na kapag nasabi ko na rin kay Drayn.
Since Sunday ngayon, the gang decided to make a general cleaning. Hahah nakakatawa mang isipin pero napa"Oo" namin sila. Well kaniya-kaniyang toka sa paglilinis pero dahil hindi ko na magawang magtrabaho nang mabigat, I decided to just clean my room. Hindi naman ako makatulong sa pag-aayos sa baba dahil lahat sila pinagtutulakan akong magpahinga na lang. Nakakaguilty naman kasi na ako lang ang walang ginagawa kaya I decided na ayusin na lang ang kwarto namin ni Eury. Patapos na rin naman ako at ang mga damit na lang ang ililigpit ko. Inaayos ko ang aparador nang may malaglag na gamit. Mabilis ko itong pinulot at napangiti nang makita kung ano iyon. Ito ang keychain na binigay ni Drayn sa akin. Nagpalit kami ng keychain after namin magpagawa doon sa nagtitinda. Pinapersonalize namin at pinalagay ang initials ng pangalan namin.
DSV is written on it. I really wonder na pati iyon ay nakalimutan niya. Napasimagot naman ako sa naisip, bakit niya ba kasi ako nakalimutan? As far as I remember we're just tipsy back then when we first met, naparami lang ang inom namin nang tumambay kami sa tabing dagat at nang may dumaan na nagtitinda ng mga souvenir bumili kami ng keychain. Yes! We never introduce ourselves formally pero ganun na ba kalimot-limot Ang mukha ko? He always says that I'm beautiful eh bakit nakalimutan niya ko? Teka, nasa sa kaniya pa kaya ang keychain na may initials ng pangalan ko. O baka pati iyon ay nawala na, sa keychain palang na iyon eh ay malalaman na niya ang totoo.
I'm still wondering why on Earth he doesn't have any single idea about me? Na hindi lang sa Cafe Blanca ang una naming pagkikita. Nilagay ko muna sa bulsa ng short ko ang keychain. Try ko na lang ipakita sa kaniya later tapos tatanungin ko siya kung may naaalala ba siya tungkol dito. Kung wala talaga, bahala na talaga siya. I change my mind to tell him the truth today, balik sa dating plano, He have to know the truth on his own. Tinapos ko na ang pagliligpit at bumaba na para magluto ng meryenda nila. Hindi pa rin sila tapos dahil nagkukulitan pa sila.
BINABASA MO ANG
A Night to Remember
FanfictionHe's my Boss, but I wake up one day with him in the same bed and clothes off. And then I remember, I was Drunk and Wasted. Never thought my life could change because of that One Night Stand.... ....... ........ ........ ......... ........ That One N...