Remember 7

4.1K 84 9
                                    

Grezelle POV
    
  Naloka naman ako sa past ni Eury  at Kaden. So iniwan pala siya ni Kaden tapos wala silang closure talaga. Hay! Parang ang awkward nga na nagkikita sila sa loob ng bahay na to. Knowing na may unfinished business pa sila.

Grabe din na ang dami nang nakarelasyon ni Eury. Ang alam ko lang kasi naging bf niya ay si Stephen bukod kay Taz. Siya lang kasi yung nameet ko in person. Pero hindi ko rin alam kung bakit sila nagbreak. Hindi rin naman nagkwento si Eury kaya di na lang ako nagtanong.

Tapos si Marco naman, schoolmate niya  tapos classmate pa sila. Pareho pa silang member ng isang org. sa school. Naging magkaibigan hanggang magka-ibigan. Pero Eury caught Marco cheating ayun nakipagbreak siya. The end.

Hay! Ang complicated pala ng love. And takenote believe din ako sa pinsan ko dahil nakaya niya yung mga heartbreaks niya.

Well marami nga akong nababasa na kapag nagmahal ka expect to be hurt. Pero ganun ba talaga, the more you love, the more you hurt. Hay! Buti na lang di pa ko naiinlove.

Hays! Bakit siya na naman naiisip ko? Nasabunutan ko ang sarili ko sa sobrang frustration ko. Bigla ba naman kasing pumasok sa isipan ko ang mukha ni Drayn.

Duh! Kahit siya yung tatay ng baby ko hinding hindi ako maiinlove sa kaniya!!
No! Not in my entire life!!!Kahit siya pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo!!! Hindi ko kailangan ng katulad niya!!

Naligo ako para naman mabawas bawasan ang init ng ulo ko sa kaniya. Sana naman wala na siya sa baba at sana hindi na lang magkasalubong ang landas namin.

Marahil nasa baba na rin si Eury kaya lumabas at bumaba na  rin ako. It almost lunch time na din. Sino kayang nagluto ng food? Tinatamad kasi akong bumaba kanina, isa pa baka nga andun pa siya. Maiistressed lang ako kapag siya ang nakita ko. Ayaw ko din siyang paglihian noh! Sana naman hindi malakas ang genes niya dahil kapag nagkataon baka kamukhang kamukha niya magiging anak ko.

Pagdating ko ng kusina ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko siya nakita. Si Eury, Taz, kuya Dylan, Tyler, Zac at Kaden lang andun. Wala siya at wala din yung Marco.

"Oh Zelle mabuti bumaba ka na, tatawagin na sana kita eh" si Tyler yung nagsalita.

Napangiti naman ako sa kaniya nang tipid.

"Kakain na ba?" Tanong ko. Nagugutom na kasi ako. Coco crunch lang kaya kinain ko kaninang umaga. Nilibot ko yung paningin ko sa Dining table pero wala akong nakitang pagkain na nakahanda.

"Padating na sila Drayn, bumili na lang sila ng food sa isang fast food chain. Nakakatamad kasing magluto eh" sagot ni kuya Dylan.

"Ah" yun lang nasagot ko dahil buong akala ko hindi ko siya makikita pero bumili lang pala ng pagkain. Day off ba nilang lahat?

"Kala mo namam marunong magluto" sabat ni Tyler.

"Sabi ko kasi sa inyo, mag-aral na kayong magluto" sabi ni Eury pertaining to Taz, Dylan at Tyler.

"Marunong naman na akong magluto" proud na sabi ni Tyler.

"Pagkain ba yung lagi na lang prito" sabat naman ni Zac.

"At least marunong ako noh, eh kayo hindi!!" Sagot niya.

"Seriously ang dami-dami niyo ditong magkakasama ni isa sa inyo walang marunong magluto" tanong ko. Eh kasi naman kahit laki ako sa luho. Marunong naman akong magluto, see pati nga magbake eh. Wala kasi akong pinagkakaabalahan sa bahay kaya ang gawain ko lang noon ay guluhin at manuod sa mga maids namin sa mansion.

"Sad to say Yes, pero si Stephen magaling magluto yun. Yun nga lang laging out of the country dahil sa business." Sagot ni Taz sa akin.

"Sinong Stephen" tanong ni Eury. Hahahah siguro naalala niya si Stephen. Pero hindi naman na sigurong si Stephen na ex ni Eury ay Stephen din na kaibigan at tenant ni  Taz. Nakakaloka na kapag ganun. Ano yun, pang-anim na ex na ni Eury yun pagnagkataon. Tapos magkakaibigan pa at magkakasama sa iisang bahay.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon