Remember 12

3.5K 80 3
                                    

Zelle's POV

Hininto ni Drayn ang motor niya sa mga nakahilerang food stall dun.
Halos malula ako dahil sa sobrang daming bukas na stall. Hindi lang siomai yung nakikita ko, iba't-iba at bago sa paningin ko, amoy mo na agad na masarap ang mga yun.

Mabilis akong bumaba ng motor niya. Muntik pa nga akong matapilok kung hindi niya lang ako agad nahawakan.

"Thanks" sabi ko at mabilis na pumunta sa Stall ng Siomai. Ngiting ngiti ako habang sinasabi kay Ateng tindera yung order ko. Finally!!! Siomai!! I'M GONNA EAT YOU NA!!! hayaaan niyo na ako sa kahibangan ko. Buntis eh intindihin niyo na lang.

"Ate tatlong order po ng Beef siomai. Paextrang chili sauce, fried garlic and calamansi."Ngiting-ngiting Sabi ko dun sa tindera. Nilingon ko si Drayn na hindi pa pala nakasunod sa akin at yun may kalandian lang naman na tatlong babae. Kinilatis ko nga pagmumukha ng mga yun. Okay naman pwede ng masabing tao, pero wala pa rin sa ganda ko dahil dyosa ako. Hays! Ang landi niya kalalaking tao. Wala ba talaga siyang pinipiling lugar. Hays! Buti na lang talaga nakapagpasya na ako na hwag sabihin sa kaniya ang nangyari sa amin, bukod sa nakalimutan niya na nga, mukhang hindi lang ako ang nabuntis niya sa sobrang landi niya. Tss!!! Hindi nga pala ako nagpunta dito para mabadtrip lang sa kaniya.

Napaismid na lang ako at tumingin na lang sa harap ko. Pagkatapos kong kunin yung order ko ay umupo ako at doon na ko kumain. Bahala siya sa buhay niya. Kung ikabubusog niya ang pakikipaglandian niya, then so be it. Pake ko ba sa kanya. Basta ako, makakakain na ako ng Siomai!!!

Naubos ko na yung tatlong order ng Siomai ko and I'm still hungry. Grabe nagutom talaga ako idagdag mo pa na may baby na ako.  Baby ang takaw mo naman, pati si mommy nagiging matakaw na din sayo hehehe.

"Kain muna tayo anak, hayaan natin yung tatay mong malandi" bulong ko sa sarili.

"Anong binubulong mo dyan?" Nagulat ako nang bigla na lang siya sumulpot sa tabi ko.

"Anak ng malanding tupa" sabi ko na ikinatitig niya sa akin. Later on natawa siya.

"What you said again? Where did you learned that?" He ask.

Napairap ako sa kaniya pero sinagot ko din. "Nagaya ko lang yung expression ng kaibigan ko" sabi ko sa kaniya. Wait narinig niya kaya yung binulong ko? Mukhang di naman. Hays! Buti na lang.

Napatingin siya sa table at nakita niya yung plate na pinagkainan ko at wala ng laman.

"Naubos mo lahat yan?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo, sarap ng Siomai nila, balak kong magtake-out bibili pa ko ng 5 orders bago tayo umuwi" sabi ko sa kaniya.

"You're still not full? Each order of their Siomai contains 4 pcs. And you finish 3 orders and still crave for more?"

"Eh sa nagutom ako eh, I'm craving for Siomai and I was satisfied. Gusto kong itry yung ibang food" sabi ko at tumayo na at tumingin tingin sa iba pang mga food stalls. As usual iniwan ko siya doon, lumapit na naman kasi yung mga kalandian niya kanina na kinapos ang tela ng damit. Ginawa atang beach yung kalsada dahil kulang na lang magbikini dahil sa ikli ng suot.

Naglakad lakad ako at patingin tingin sa mga stall doon. Ang daming bumibili at kumakain. Hindi ko man lang pala natanong kay Drayn kung anong lugar ito. Para sa susunod ako na lang pupunta dito. Ayoko na siyang abalahin pa. Baka maging utang na loob ko pa.

Naagaw ng pansin ko yung mga nagkukumpulang mga tao sa isa pang food stall na nasa dulo na ng kantong yun. Akalain mong nakarating na ako sa pinakadulo. Curious akong lumapit doon at nakita ko yung palaspiral na pagkain..Ang hirap idescribe basta ipriprito siya.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon