Remember 3

4.9K 100 1
                                    

Grezelle POV

So far naenjoy ko yung phone na bigay ni Boss. Inggit na inggit nga sina Lyka at Luke eh, kasi naman yung binigay niyang phone is Iphone X, yung pinakalatest at take note ay ang pinakamahal. May kasama pang Case at ang design ay bear. Sinabi ko na nga lang na binili ng mayaman kong tita sa abroad para palusot sa kanila.

Balak ko sanang ibalik kay Sir kasi ang mahal talaga nun. Feeling di ko deserve. Cherry Mobile lang kaya yung nabasag kong phone tapos Iphone pinalit. Pero kasi after that day na nakasama ko siya hindi ko na ulit siya nakita. Its been 2 weeks na mula yung huli ko siyang nakita. Kaya yun inenjoy ko na lang din.

Nasanay na rin ako sa pabago-bago ng mood ko at pagsama ng pakiramdam ko. And takenote pinaglilihian ko ata ang siomai since madalas nga na magcrave ako doon.

Natapos yung duty ko at syempre medyo pagod din. Nagpaalam ako sa kanila at dumiretso sa simbahan na malapit sa downtown. Imemeet ko si Freya and then I will tell here everything pati na rin yung pagbubuntis ko.

I wear my usual get up kapag aalis ng apartment. I wear glasses tapos cap. Mahirap na baka kasi mahanap ako ng mga tauhan ni Dad. So far hindi pa naman nila isinasapubliko yung paglayas ko. Sabagay hindi niya rin pala gagawin yun. Ayaw niya ng mga isyung ganto. Maayos naman akong nakarating sa simbahan and malayo pa lang ay tanaw ko na si Freya.

I texted here na "nandito na ako" and I ask here kung wala bang nakasunod sa kaniya or nakaalam na umalis siya.

She assure me a 100 percent Yes.

Mabilis ko siyang nilapitan and we both hug each other.

"So dito ka pala napadpad sa Tagaytay, malayo rin sa Manila ah" sabi niya

"Yup, naalala ko kasi yung kabataan ko, na nandito pala yung taal" sagot ko.

"Oo nga pala, diba may ancestral house kayo dito? Sa lola mo?" Tanong niya.

"Yap" tipid kong sagot.

"So don't tell me na doon ka tumutuloy, mabuti hindi ka hinanap ng mga tauhan ng Dad mo doon"

"Nagrerent ako ng apartment and possible na isipin nila na magstay ako doon pero syempre I don't want to be caught"

"Okay ka naman ba? I know for a fact that you're not used to lived like this?"

I smiled at her.

"Yeah but I can manage and I'm currently enjoying it. And this is not the first time. Kahit papano marami akong natutunan the last time."

"Hay sabagay, oo nga pala sabi mo may  importante kang sasabihin, ano yun? Bigla akong nacurious eh"

"Ah hehehhe" wait paano ko ba ito sisimulan na sabihin sa kanya?

"Uhmm kasi ano?"

"Ano?" Atat niyang tanong na para bang di na ka makaantay sa sasabihin ko.

"Ah kasi Freya, ahmm ano," hay ang hirap naman magsabi sa kaniya. Kaibigan ko pa lang yan, paano na kung sa parents ko? Paano na kung mismo sa kaniya, kay Boss?

I sighed again.

"Ah kasi....kasi...."

"Masarap pala ang Siomai" hay yun na yung nasabi ko. Oo totoo naman pero syempre hindi naman yan ang gusto ko talagang sabihin.

"Kaloka Zelle, akala ko naman kung ano na, makasabi ka naman sa text na sobrang importante, Siomai lang pala.  Oo naman noh, nung college kaya ako suki ako ng siomai rice sa kanto ng school namin." Natutuwang kwento niya.

"Talaga?"

"Oo, masarap din kwek kwek, fishball, squidball at kikiam, gusto mo try natin?"

Naexcite naman ako kaya napatango ako. Dinala ako ni Freya sa mga foodcart na nakahilera sa gilid ng Simbahan.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon