DOWN FALL

2.7K 65 23
                                    

Grezelle POV

Its our last day in Bora at hindi ko mapigilang kabahan para mamaya. Kinakabahan sa pag-amin ng katotohan kay Drayn at kinakabahan dahil sa tawag na natanggap ko kanina.

As much as I want to ignore it dahil baka prank call lang pero hindi mawala sa isip ko eh. Its like hearing it in my head countless times. Her voice keep on playing in my mind. I can't help but to be scared.

"Hoy! okay ka lang" nagulat ako sa paglapit ni Eury.

"Oo bakit naman hindi" sagot ko. Tinitigan niya muna ako na wari'y chinecheck kung may mali ba sa akin.

"Well you look bothered and tense" napabuntong hininga na lang ako sa narinig sa kaniya.

"Don't worry too much, Kaya mo yan at isa pa for sure tuwang-tuwa yun sa mga malalaman niya. Hays!! Congrats!! ulit, I still can't believe na ikakasal ka na" niyakap niya ako habang sinasabi yun. Sana nga maging okay ang lahat. Kahit anong gawin ko kasi hindi mawala sa isip ko yung tawag kanina.

"Don't over think okay" nakangiti pa niyang sabi sa akin.

Nagreready na kami ng food para mamaya. And nireready ko na talaga yung sarili ko. Hays! Don't over think Self, prank call lang yun wag mo masyadong isipin. Focus! Focus mo sarili mo para mamaya. Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Nasa kwarto ako sa hotel nang magring yung phone ko ulit. Its the unknown number again. Bumalik yung kabang nararamdaman ko. I just feel strange and at the same time scared. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hahayaan na lang matapos ang pagring nun.

I choose the latter pero wala pang isang minuto ay nagring ulit yun. Mabilis kong inend yung tawag.

I receive a text message from the unknown number.

"Why don't you answer your phone? Don't you want to hear an interesting story?" ano bang sinasabi niya. Who is she anyway? She's a she based on her voice I heard from the call a while ago.

Mabilis akong nagtype at nagreply sa kaniya.

"Who are you" I replied then she answered immediately.

"You can call me you're biggest nightmare my dear! Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, I know all your secrets. The things you hide from Drayn. All of it" halos mabitawan ko ang cellphone na hawak ko habang binabasa yun. How? and tama nga ang hinala ko na may kinalaman ito kay Drayn sa amin? Sino to? Is she trying to ruin us? Is she one of Drayn's ex who can't move on with him?

Mga katok sa pinto ko ang nagpabalik sa akin sa huwisyo.

"Zelle, baba na, we're all gathering for the barbeque party. It's about to start" its Eury again reminding me to go downstairs.

"Sunod na lang ako, si Drayn nga pala" sagot ko sa kaniya.

"Hmm may pinuntahan saglit, feeling ko may pasurprise na naman sayo yun" sabi niya sa akin sa excited na boses. Napangiti naman ako kahit papano. Drayn is so sweet and he really surprises me. Well, instead of bothering my self about the call and the girl, maybe I just look forward on what will happen tonight.

"Sunod ka na lang ah" paalam ni Eury sa akin na ikinasagot ko ng "Oo". Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba. I make sure that I'm pretty enough in his eyes.

Palabas na ako ng hotel at papunta na sa tabing dagat nang magring ulit yung phone ko. I answered it this time. Hindi pwedeng magpaapekto ako sa mga pinagsasabi niya. Kung ex man siya ni Drayn hindi pwedeng makitaan niya ako ng kahinaan. I can't give her the satisfaction she wanted. She tried threatening me, yes I'm a bit scared about it but I prove her wrong at hindi ko siya aatrasan. Ngayon pa ba ako papaapekto? Were getting married soon at isa pa alam kong mahal na mahal ako ni Drayn. At siya mananatiling isa siyang nakaraan na hindi dapat balikan.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon