04

3.3K 156 64
                                    

Iniwas niya ang tingin at pinag-masdan ang paligid. Kala mo hindi laging nandito e parang kahapon lang nabangga ko siya.

"Let's play a game" bigla niyang bigkas habang patuloy na tinitignan ang paligid.

"Huh?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Napatingin siya sa akin as a smirk plastered on his face. Hindi ko maintindihan itong lalaking to, may tama din ata sa utak.

"Love" he playfully said.

Literal akong napanganga sa sinabi niya. I'm not sure kung tama ba yung naiisip ko kase wala naman akong isip pero basta parang tama nga ako.

I smirked at him "Ano daw?" Tanong ko habang nagkikibit balikat sa kanya. I stared directly into his eyes na sana pala hindi ko nalang ginawa. It's like a fucking magnet na hihila sayo papalapit, eew cringe.

"Love, that's a game right?" natatawa niyang tanong "Wanna play?" dugtong pa niya.

"Gago I'm the master of that game" maikli kong sagot at nilipat nalang ang tingin ko sa iba "Hindi mo gugustuhing makipaglaro sakin"

I smiled playfully, this guy. Lakas ng tama, kung hindi lang sana siya gwapo, kung hindi niya lang ako dinalhan ng kape, at kung wala lang talaga akong utang na loob kagabi nako ewan ko nalang.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tinitigan ako na wala manlang kahit anong emosyon sa mukha. Napairap naman ako sa kanya at patuloy na ininom ang kape. Ngayong masakit pa ang ulo ko, kahit gwapo di ko sasantuhin.

"I'm kidding" he suddenly said at nagkibit balikat sa akin.

"Lakas ng tama mo pre"

Tumayo ako at tinapik-tapik ang likod niya bago tuluyang naglakad pabalik. Hindi ko na siya nilingon pa dahil malapit na rin naman ang next class namin at bawal ako ma-late.

Natapos ang buong araw ng hindi ko namamalayan. Sobrang boring talaga sa klase kapag walang makausap. Wrong timing naman kase parents ni Lia tssk.

Napatingin ako sa labas ng building at agad na nanlumo sa nakita. Tirik na tirik ang araw at napaka-init tapos eto ako, walang payong. 2 pm palang at siguradong may klase pa si Ynna.

Wala na akong choice kaya nagtatatakbo ako at humihinto sa mga parteng may silong. Pakiramdam ko tagaktak na ang pawis ko pero wala naman akong choice mga ma'am ser. Hindi rin naman ganon kalayo ang sakayan dito at may pupuntahan pa ako.

"Why don't you have an umbrella?"

Nagulat ako ng may biglang may magsalita kaya naman napalingon ako dito at agad na kumunot ang noo ko. Wala ba tong magawa sa buhay?

"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang may kinukuha siya sa bag niya.

"I visited Stan" mahina niyang sagot at agad na binuksan ang isang payong galing sa bag niyang Louis Vuitton.

Expensive huh?

Inagaw ko sa kanya ang payong at ako na mismo ang naghawak para sa aming dalawa. Baka sabihin niya kanya na nga payong siya pa maghahawak diba?

Hindi na siya nagsalita kaya naman nanahimik nalang din ako. Pasimple kong tinignan ang nakasulat sa hawakan ng payong niya.

Samsonite

Agad akong napalunok at binalik ang payong niya sa kanya. Kumunot ang noo niya habang naglalakad kami kaya naman iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Bakit mo binalik?" nagtataka niyang tanong.

Napatingin ako sa kanya at huminto sa paglalakad kaya naman huminto rin siya at patuloy akong tinignan. Tinuro ko sa kanya yung nakalagay sa payong niya kaya naman napatingin siya dito at bahagyang tumaas ang kilay.

The Archer's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon