07

3.1K 80 68
                                    

"Text nalang kita kapag uwi na tayo" she said habang nakangiti sa amin. I just nodded at her bago niya ibinaling ang tingin niya kay Jax "Thank you po" magalang niyang banggit.

Inilayo ko ang tingin ko sa kanila para mapigilan ang sarili ko sa pagtawa.

Seriously? Ang galang ha.

Rinig ko ang pagsarado ng pinto kaya naman bumaling ako kay Jax at tumawa. I pointed at Ynna na ngayon ay naglalakad papasok ng subdivision nila. He just shrugged and stared at the road again.

Agad niya namang pinaandar ulit ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. I was about to keep quiet when I remembered something.

"Teka nga, akala ko ba uuwi na kayo kagabi?" nagtataka kong tanong sa kanya "Bakit kila Lia parin kayo galing kanina?" I felt my forehead knotted.

Lumingon siya sa akin ng bahagya bago ako pabirong inirapan "We were so drunk, we fell asleep" he answered "Kung tinulungan mo kase kami ano po?" he sarcastically said na agad kong ikinatawa.

I'm actually happy how he is slowly giving me this expressions. Should I celebrate? Is this some kind of achievement?

"Sorry dude, I don't drive when I'm drunk" I just shrugged at him.

Hindi rin nagtagal at dumating na kami sa subdivision. I immediately went down the car at akmang aalis na ng matigilan ako.

"Jax!" I screamed na ikinakunot ng noo niya "I'll pay for your gas pala sorry nakalimutan ko" I said.

I heard him hissed kaya naman napatingin ako sa kanya only to find his forehead knotting at me. At some point, I was mesmerized with his features.

"Worry not, it's on me" he then smirked at me kaya naman tinawanan ko nalang siya.

I bid my goodbye at dumiretso na sa paglalakad papasok ng subdivision. I stopped infront of our house at hindi ko pa man pinipindot ang doorbell ay maliit na paa na ang sumalubong sa akin.

I saw my ate Cindy's dog wagging his tail on me as small barks escaped his tiny mouth.

"Namiss mo kagandahan ko no?" I playfully said habang nilalaro siya gamit ang mga daliri kong nagkakasya sa butas ng gate.

"Titaaa!" screamed my nephew Caleb bago buksan ang gate at salubungin ako ng yakap.

"Hoy! Ang laki laki mo na para ka paring baby jan, buhatin kita e!" pang-aasar ko sa kanya habang pilit na kumakawala para makapasok na ako ng bahay.

Humiwalay siya sa akin at pabiro akong sinamaan ng tingin bago ako hinila papasok ng bahay.

"Oh be! Nandito kana pala!" screamed ate Cindy habang buhat buhat na niya si Prince, her dog.

"Kaluluwa ko lang to ate" I joked na naging dahilan ng paghampas ng unan sa mukha ko. I just laughed at her dahil mukha nanaman siyang tinotoyo.

"Ate Cara! Yung bunso bastos!" she screamed na mas ikinatawa namin ng pamangkin ko.

I saw ate Cara walking down the stairs at nakakunot ang noo. I smiled at her na agad din naman niyang sinuklian.

"Ingay Cindy" mahinahon niyang bigkas at umupo na sa tapat namin.

"Nako di kana nasanay sa bunganga niyan na abot hanggang pala-pala!" I immediately smiled ng makita ang panganay namin na si ate Celine habang bitbit niya ang isang lagayan na punong-puno ng spaghetti.

"Wow te nahiya ako sa mega phone mong bibig!" sigaw naman ni ate Cindy.

"Pwede ba, katahimikan saglit" ate Cara said as she massage her temples sa sobrang ingay ng bahay.

The Archer's CurseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora