05

3.2K 92 14
                                    

Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagbukas ng pinto. Halos mapamura ako ng tumama ang likod ko sa sahig dahil sa pagkahulog ko mula sa kama.

"Akala ko di ka pa nakakauwi" kibit balikat niyang pahayag at akmang isasarado na ulit ang pinto.

"Putek" I glared at her at dahan dahang tumayo para lumabas ng kwarto.

"Ang bibig talaga Cali" naiiling niyang pahayag.

Ynna is the only person I know in our generation who doesn't curse. I know na marami parin namang ganong tao pero almost everyone I encounter in my everyday life, halos lahat ay nagmumura from time to time. Unlike Ynna who says rude words but doesn't curse. She just won't.

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya habang umiinom ng gatas na kinuha ko sa ref.

"Somewhere na sobrang nakaka-stress" she added at agad na umalis sa kusina.

I watched her at nakita ko siyang umupo sa may sala at nagsimulang tumulo ang luha sa mata niya.

I panicked a little kaya naman agad kong inubos ang iniinom ko at dumiretso sa kanya. She cried out loud ng maramdaman niya ang bahagya kong pagtapik sa likod niya. I hugged her real tight habang hinahayaan ko siyang umiyak.

"What's wrong? Yung gago nanaman ba?" I asked as calm as I could.

I felt her nod na nagpa-usbong ng galit sa sistema ko. That asshole.

"Hindi ko na alam Cali, ang sakit sakit na pero hindi ko parin kaya magalit" she said at patuloy na umiyak.

She fell asleep while crying kaya naman inayos ko nalang siya ng higa sa sofa. I went to her room at kinuhaan siya ng unan at comforter para hindi siya lamigin.

I pushed the coffee table away oara makapag-latag ako sa sahig malapit sa sofa. I went to my room at kinuha doon ang mga kakailanganin ko para makatulog.

I woked up feeling a little pain in my back dahil na rin sa lapag ako natulog. I immediately scanned the place at muntik na akong madapa sa pagtakbo ng makitang wala na si Ynna sa sofa. I let out a deep sigh ng makita ko siyang nagluluto sa kusina.

"Ang aga natin ah? Di pa nga kita ginigising nako" natatawa niyang pahayag bago inihain sa harap ko ang niluto niyang bacon.

I pouted at her na agad niyang ikinatawa. I ate the pasta she cooked together with the bacon habang patuloy na tinitignan lahat ng comment sa Ig post ni Jax.

Nasapo ko nalang ang sentido ko ng makita ang isang comment na naglalaman ng informations about sa akin. My name, my school, my course, and even my freaking grades. Is this some kind of background check or what? Ugh.

Nagulat ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin kaya naman napalingon ako kay Ynna at ramdam na ramdam ko ang luha niya sa balikat ko.

"Sorry Cali, and thank you" she said while sobbing kaya naman tinapik ko ng mahina ang likod niya.

"For what? Wala nga akong maayos na nasabi sayo" I said and I giggled na ikinatawa din niya.

Humiwalay siya ng yakap sa akin at pinunasan ang mga luhang patuloy parin lumalandas sa mukha niya.

"For listening to me, for being with me" ngumiti siya sa akin na naging dahilan ng pagtulo ng luha ko "Akala mo ba hindi ko alam na sumasakit yang likod mo kase sinamahan mo ko dito sa sala? Tange kilala kita, hindi ka sanay matulog sa hindi malambot" natatawa niyang bigkas habang umiiling iling.

Napatawa naman ako dahil doon at agad na pinunasan ang luha ko. She knows me too well, dahil magkaibigan na kami since our grade 9 days.

And I know too well kung bakit siya umiiyak kagabi. Probably because of that guy again. Hindi ko ba naman alam kay Ynna at hulog na hulog siya sa lalaking yon. He keeps on doing stupid things to her like cheating and telling her bad words pero hanggang ngayon tinitiis niya. That's the reason kung bakit ayaw kong magseryoso, I don't like to be hurt.

The Archer's CurseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora