20

2.8K 80 53
                                    

"Cali pa-connect naman ako"

Napa-buntong hininga ako ng sabihin iyon ni Mia, isa sa mga blockmates ko. Nandito kami ngayon sa Library dahil ginagawa namin ang thesis na halos ako lang ang gumagawa.

"Gawin muna natin to Mia" mahinahon kong bigkas bago ibinaba ang cellphone ko.

Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang laban ni Ki. Simula noon ay wala pa akong balita sa kanila dahil masyado ng nagiging busy ang lahat.

"Kj mo naman, dali na" she rolled her eyes at me at halos ibato ko na sa kanya ang mga librong hawak ko.

Hindi ko na siya pinansin at agad na binuksan ang hotspot ng cellphone ko. Ginawa ko na ang parte ko habang siya ay puro cellphone ang inaatupag.

"Cali pahiram nga ng phone, may titignan lang ako" napailing ako at inis na sinara ang laptop na dala ko.

Tumayo ako at akmang aalis na ng bigla niya akong pigilan. She's really getting into my nerves. Kanina pa ako nagtitimpi but this time I can't hold it anymore.

"Huy saan ka pupunta hindi pa tayo tapos" nag-aalala niyang bigkas.

"Kahit saan punyeta basta malayo sayo nakakairita ka" I scoffed kaya naman napatigil siya.

Iniwan ko na siya doon at lumabas ng library. The audacity of that girl e wala nga siyang naitulong sa ginagawa namin. Dumbbell hayp.

Hindi kami pinayagan ng prof namin ni Lia na magsama dahil na rin sa performances namin. Kami ang may pinaka mataas na marka sa klase at madaming nagreklamo na unfair kung magsasama kami.

"Cali" napalingon ako agad sa nagsalita.

My eyes widened as I punch him lightly in his arms. He laughed at me kaya naman napatawa na rin ako.

"Ginagawa mo dito? Buti pinapasok ka?" I asked while looking at him.

Matt laughed at me as he pointed his face as if saying na talagang papa-pasukin siya dahil sa mukha niya. Nginiwian ko siya bago ako tumawa kaya naman napatawa na din siya sa akin.

"Galing akong hospital" he said kaya naman napatango ako "Tara, busy ka ba?" he asked.

I pouted as I tried thinking of all the things I have to do. Tinignan ko siya at napatawa ako ng makitang para siyang nagmamakaawa sa akin na sumama kaya naman napatango nalang ako sa kanya.

"Tara na bilis mahal oras ko" I joked before pulling him.

"Sa pit nalang tayo?" pagtatanong niya.

I glanced at him before I nodded. Malapit lang naman ang Dapitan dito ngayon kaya hindi ako tatamarin lakarin 'yon. Nang makarating kami ay agad kaming nakahanap ng pwesto dahil halos wala pang tao.

"Alak na alak ka ba?" tanong ko sa kanya ng magsimula siyang mag order.

Napatawa nalang siya at agad na pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mag order namin kaya naman sinimulan na namin ang pagkain.

"Tagal din kita 'di nakita ha, nagtatago ka ba?" natatawa niyang tanong.

I smirked "Oo, hinahanap ako kase ng mga pulis" I acted as if it's really true kaya naman napatigil siya sa pagkain.

I saw him gulped at agad na uminom ng tubig niya "Bakit? Anong problema?" nag-aalala niyang tanong kaya naman sumimangot ako sa kanya.

He looked so worried kaya naman inayusan ko na din ang pag-arte ko. Umarte akong parang naiiyak "Magnanakaw daw ako" pinaypay ko ang kamay ko sa sarili habang nakatingin pa sa taas kaya naman nagulat ako ng bigla niya akong abutan ng tissue.

The Archer's CurseOnde histórias criam vida. Descubra agora