02

4.2K 114 8
                                    

"Uy san tayo pupunta?" bahagya ko siyang kinalabit habang kinakaladkad niya ko kung saan.

"I don't like cafeteria foods" seryoso niyang banggit sa akin.

Hinayaan ko siyang hilain ako hanggang sa makarating kami ng parking. Ano ba trip nito sa buhay? Bigla nalang nag ring ang phone niya kaya naman napatingin siya doon at mukhang nainis siya ng makita kung sino tumatawag sa kanya.

"Tutulog ba muna kami dito? Bukas ka pa ata e" pabalang niyang sagot habang patuloy kaming naglalakad.

Nililibot niya ang paningin niya sa buong parking na parang may hinahanap kaya naman naki-tingin narin ako. Malay mo may gwapo.

"Damn you Stan, nagugutom na ko" bigla siyang humarap sa akin at binaba na ang tawag.

Bigla nalang siya ulit ngumiti kaya naman napatawa nalang ako. Akala ko talaga hindi siya nagsasalita ng masama kaya naman pinipigilan ko yung sarili ko. Guess I'm wrong.

"Hindi ba malayo yung pupuntahan natin? Baka kasi di tayo umabot sa next class" mahinahon kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Bigla nalang siyang sumandal sa SUV na nasa gilid namin kaya naman nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Baka makita pa kami ng may-ari at magalit sa amin taetae!

"Wala na daw tayo class, absent mga prof" sagot niya habang patuloy ang pag-galaw ng kamay at parang may inaaway sa cellphone niya.

Napatango nalang ako kahit alam ko namang hindi niya yon makikita. Napatalon ako sa gulat ng biglang tumunog yung sinasandalan ni Lia kaya naman hinila ko siya palayo doon.

Bigla nalang siya tumawa ng tumawa kaya naman kumunot ang noo ko sa kanya "Luh?" naguguluhan ko siyang tinignan habang patuloy parin siyang tumawa.

"You know what, masanay kana sa ganyan" natatawa niya paring pahayag habang tinuturo ang SUV na kanina lang ay tumunog.

"Tawang-tawa? Mamamatay na?" nagulat ako ng may lalaking biglang sumulpot at bahagyang tinulak si Lia.

Tumigil bigla si Lia kakatawa at sinamaan ng tingin yung lalaki bago binalik ang tingin sa akin.

"Cali si Stanley, siya yung may-ari niyan kaya masanay kana kase hilig niyan manggulat" nakangiti niyang sabi sa akin kaya naman napatawa nalang din ako.

We rode the SUV at pumunta sa lugar na hindi ko alam kung saan dahil ayaw sabihin sa akin ni Lia. Hindi ko tuloy alam kung tatalon na ba ko palabas ng kotse o mananatili parin dito sa loob.

Pareho kaming nasa back seat ni Lia kaya naman nagreklamo pa si Stan sa amin kanina dahil ginawa daw naming grab ang kotse niya.

"Hala, baka may lakad ka? Mapapagalitan ka ba?" biglang bulalas ni Lia sa akin ng maalala niya sigurong ngayon lang kami nagkakilala at hindi niya pa alam kung strict ang parents ko.

"Wala naman akong lakad tsaka naka dorm ako, itetext ko nalang yung kasama ko sa dorm para di mag-alala" paninigurado ko sa kanya na ikinatango niya.

"Magka-block kayo?" biglang tanong ni Stan habang nagdadrive.

Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Napatingin silang dalawa sa akin kaya naman nag-peace siya nalang ako sa kanila at ngumiti bago sagutin ang tawag.

[Hoy nasan ka?] bungad sa akin ni Ynna ng masagot ko ang tawag.

"Somewhere na hindi mo masusundan" pabiro kong sagot habang tinitignan ang daan na tinatahak namin. It's somehow familiar pero di ko alam kung saan exactly.

[Epal neto, pauwi na ko] sagot niya.

Kumunot ang noo ko "Boba cutting pa" pagbibintang ko sa kanya bago napalingon kay Lia ng matawa siya.

The Archer's CurseHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin