Chapter 2 - Ballpen

81 6 0
                                    


Samara's Pov


Halos trenta minutos akong nakatunganga sa kawalan, hindi pa rin nakakabalik ang guro namin kaya nagsimula ng magsilabasan ng mga kaklase namin.


Tiningnan ko ang katabi ko na abalang nagbabasa ng mga lessons. Ewan ko ba dito, napakasipag mag aral, napakatalino pa, samantalang ako matalino lang onti, tapos tamad pa.


"Naomi, oy Naomi" pangungulit ko sa kanya. Pero ang gaga di man lng ako pansinin.


Ah alam ko na.


"Naomi si Nathan oh!" pabulong kong sabi sa kanya habang niyuyugyog siya, at di naman ako nagkamali napatigil nga siya sa pagbabasa at hinahanap ang taong tinutukoy ko.


Pero ang di ko inasahan ay ang biglang pag hampas ng notebook niya sa ulo ko.


"Aray! Tangna mo naman para san yon?!?" pasigaw kong tanong sa kanya, di biro manghampas tong si Naomi, napakabigat ng mga hampas niyan kainis.


"Istorbo ka Samara, puro ka kalokohan" singhal niya saken habang nag aamba nanaman ng hampas.


"Tigilan mo nga, ansakit mo na nga manghampas hayp na yan" napahawak ako sa ulo ko, pakiramdam ko namamaga, pero joke di naman siguro, sadyang masakit lang.


"Puro ka kase kalokohan, paasa pa kala ko naman nandyan siya" malumanay na sabi niya ngunit bakas pa rin ang inis.


Dismayado siguro kase hindi niya nakita ang crush niyang saksakan ng kayabangan parang si Darren lang, ganyan siguro talaga pag magbarkada nagkakahawaan ng ugali.


Si Tobias Nathan Santiago, best friend ni Darren, sikat din dahil sa basketball player siya, inaaya niya non si kuya na sumali ng basketball pero umayaw din, ewan ko ba.


Matalino siya, pano ko alam? Sa kanya nagpapagawa ng assignment yung girlfriend niyang puro pagpapaganda lang ang alam. Kawawa naman, ginawa pa siyang tagagawa ng assignment.


Patay na patay si Naomi sa kanya pero di lang halata, lowkey lang kase siya hindi siya yung tipo ng mga school mates namin na kulang na lang ipagtulakan ang sarili nila sa kanya. Nakakaproud siya, natawa naman ako.


Napansin kong tumahimik siya at nagliligpit na ng gamit niya.


"Oy Naomi joke lng yon eh, pano naman kase di mo ko pinapansin kanina eh" pagpapacute ko sa kanya baka sakaling tumalab at di siya magtampo.


"Hmmm" pasimpleng tugon niya, nagtatampo talaga siya, ganyan yan pag binibiro ko siya pagdating sa crush niya, medyo madamdamin pero wakas kung mambara pag tinopak.


"Uy sorry na, libre na lng kita mamayang recess" pang uuto ko, alam kong basta libre di yan makakatanggi.

Too Young For LoveWhere stories live. Discover now