Chapter 5 - Announcements

38 1 0
                                    

Samara's Pov


"Kring! Kring! Kring!"


Pamilyar na tunog ang gumising sa natutulog kong diwa senyales na kailangan ko ng kumilos at maghanda para sa pag pasok.


Abala na ako sa pag aayos ng mga susuotin at dadalhin sa school ng may marinig akong tatlong malalakas na katok sa pinto ko.


"Tok! Tok! Tok!"


Sino nanaman kaya yon, baka si Darren? Pero diba parang may sakit siya kahapon? Di nga siya nagsasalita eh, so weird.


"Hoy panget gumising ka na!" aba naman mukang gumaling na si gago, wala ng sakit ang hayop malakas na ulit manglait.


"Oo na gising na!" pasigaw kong sabi.


"Bilisan mo panget wag kang babagal bagal ha!" aba nakakarami na toh ng tawag sakin ng panget ah.


Gwapo ka? Gwapo ka?


"Oo na pato, paulit ulit eh kainis" kala mo ha, tignan nga natin kung sinong unang mapipikon satin.


Isa... Dalawa... Tatlo...


"Anong sabi mo?!?" oh diba, pikon agad.


"Wala sabi ko maliligo na ko, ikaw nga dapat ang kumilos ng mabilis eh, pato na nga pagong pa tss" at ng oras ding iyon ay bigla na lang nasira ang bagong gawang pintuan ko.


"Talagang pinipikon mo ko ha?!?" may diing niyang Sabi habang unti unting lumalapit sakin.


"Tanginamo Darren, pwede mo namang buksan na lang diba?!? Bat mo pa kailangan sipain gago ka!" this time galit na galit na ako, hindi dahil sa napipikon ako kundi dahil sa ilang beses ng pinalitan yang pintuan ko, nakakahiya na kila mommy na parati na lang pinapaayos ang pintuan ko.


Buti nga pintuan ko pag nasira, naayos agad. Eh etong si Darren may sira sa utak hanggang ngayon hindi pa rin naayos.


"Eh ikaw naman nauna ha!" inis na sabi niya.


"Wow just wow! Ang galing! Ako pa talaga ang nauna?!? Eh sino bang kakatok na lang nanlalait pa ha?! Diba ikaw?!" Fine ginagalit mo talaga ako.


"Eh-" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla ko na lang siyang nilapitan at tinuhod sabay sabunot.


"Aray! Tangina naman oh, masakit! masakit! Bitawan mo yung buhok ko!" pagmamakaawa niya sakin. Masyadong nag iinit ang ulo ko kaya wala akong pake kung makalbo pa tong hayop na toh, deserve niya yan.


"Tama na! Masakit! Samara bitawan mo na!" halata sa kanyang muka ang sakit na iniinda niya, kaya dahan dahan kong niluwagan ang pagkahawak sa buhok niya.

Too Young For LoveWhere stories live. Discover now