Someone's Pov (before the scene)
Mabagal akong naglakad papuntang cr, kanina ko pa gustong mag cr pero dahil sa hinihintay kong dumating sila Samara eh nakalimutan kong gawin.
Buong break time akong nag abang, balak ko na sanang ibalik yung panyo niya pero yun nga, hindi sila pumunta.
Malapit na lang, konting lakad na lang makarating na rin ako.
Napahinto ako ng makita kong parang may nag aaway or sort of.
Lumapit pa ako ng kaunti para makita kung sino nga ba sila.
Laking gulat ko ng makita kong isinandal sa pader si Samara at mahigpit ang pagkahawak ni Dale sa braso niya.
Anong meron?
Gusto ko mang lumapit at pumagitna sa kanila pero hindi pwede, hindi dapat ako nagpapadalos dalos sa kilos ko.
"Then answer my fucking question!" sigaw ni Dale, bahagya pang napaigtad si Samara dahil sa sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya.
"Answer me!-" sigaw ulit niya pero di ko na siya pinatapos.
"Dale" sigaw ko.
Tumakbo ako at tinulak siya bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
Bahagyang napaatras si Dale dahil sa pagkakatulak ko sa kanya.
Pinalikod ko si Samara at nanatili akong nakatingin kay Dale.
"Nasasaktan mo siya!" inis na sigaw ko.
"Don't you dare fucking interrupt when I'm talking!" Inis niya ring tugon.
Tinignan ko siya ng masama saka tinalikuran para kausapin si Samara. Napansin ko rin ang namumula niyang braso.
"Ok ka lang ba? Yung braso mo" alalang tanong ko.
"O-ok lang a-ako" nauutal niyang tugon.
Nagulat siguro siya sa inasta ni Dale, pati rin naman ako. Di ko naman inakalang aabot siya sa ganto. Na pati babae sasaktan niya.
"What did you do that for?!" inis kong tanong.
"She started it. If it wasn't for her, I wouldn't be locked in that fucking cr!" gigil na sabi nito.
"Pinatulan mo naman, damn it Dale babae yan! Do you even have proof para siya ang sisihin mo?" inis na sambit ko.
"She was running a few meters away from that room" paliwanag niya.
Damn it, he's being unreasonable.
Nanatiling tahimik si Samara sa likod ko, siguro nga may kasalanan rin siya pero di ko naman pwedeng bawiin ang sinabi ko.
Paninindigan ko ito, hayst.
"You're being absurd, you can't just arrive at a conclusion without having proof" pagpapalusot ko.
"If it wasn't her, then why the hell would she be running!?" sigaw niya.
Naramdaman kong dahan dahang umaalis si Samara, pero hindi ko dapat ipahalata na alam ko.
Kailangan ko umakto ng maayos. Ayokong ipakitang mali ang pinanindigan ko sa harap ni Dale.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...