Chapter 7 - Bawi bawi

19 1 0
                                    


Samara's Pov


Mabilis na dumaan ang linggo, maghapon akong nag review dahil pursigido akong makapasa sa final exam namin.


As usual nagreview ako maghapon ng may kasamang maraming meryenda, syempre review is life pero food is lifer.


Nakatulog ako ng maaga at maaga ding gumising ngayon, ngayon lang talaga ako nagpursigi na mag aral as in.


Ng matapos kong aralin ang isang subject, saka ko naisipang maligo, hinanda ko ang damit ko at saglit na sumilip sa may bintana, medyo nagliliwanag na, 5:30 na kase ng umaga.


Kinuha ko na ang damit ko at dumiretso sa banyo, malamig na tubig ang sumalubong sa balat ko, halos manginig ako sa lamig. Habang naliligo bigla kong naalala yung ginawa sakin ni Chris nung nakaraan.


Naiinis ako, nadedemonyo ako at kating kati makaganti sa kanya. Habang naliligo ay nag iisip na ko ng plano kung pano pababagsakin ang hinayupak na yon.


Malademonyo akong napangiti ng may naisip akong karumaldumal na krimen este plano. Lagot ka saken Chris, matitikman mo ang bagsik ng isang Andres *insert evil laugh*.


Natapos akong maligo at mabilis na magbihis dahil sa malamig at nanginginig nginig pa ako. Habang nag bibihis ay naisipan kong tawagan si Naomi para sa aking malupitang plano.


Ng matapos kong isuot ang uniform ko at nagsusuklay na lang ako, saka ko tinawagan si Naomi.


Nakailang ring ito bago niya sagutin.


["Hello"] mahinang sagot niya sabay hikab, kakagising lang siguro nito.


"Hoy! ano na? bangon na! hoy may pasok pa tayo!" sigaw ko sa kanya para magising na ang natutulog niyang kaluluwa.


["Ano nanaman ba? Istorbo ka sa tulog ko, ang aga aga pa eh"] inis na sabi niya.


"Gago gising na at may plano ako" nakangisi kong sabi.


["Plano na ano? Ano nanamang katarantaduhan ang gagawin mo at idadamay mo pa ko? Ginising mo ko para dyan epal ka"] inis na sabi niya


"Ano ka ba, chance na naten toh para makabawi sa kanila" saka tiyak na magsisi sila sa ginawa nila.


["Sinong sila? Ha? Ano ba?! Get to the point"] ay arte may pa English teh?


"Sila Chris" maikli kong sagot.


["Ahh oh, damay mo na din ung James para masaya, bwisit na kamay na yon"] asar niyang sabi.


"Sige sige, sigurado akong pagsisisihan niyang ginawa niya iyon satin" paninigurado ko.

Too Young For LoveWhere stories live. Discover now