Chapter 4 - Weird

37 2 0
                                    

Samara's Pov


Medyo makulimlim na ng makauwi ako ng bahay, traffic kase, pangalawang beses ko ng makasakay ng jeep, ayaw kase nila mommy na sumasakay kami ng jeep lalo na pag mag isa lng namin.


Kailan ba mawawala ang traffic dito sa Pilipinas? Nakakaperwisyo na ng ibang tao sa sobrang tagal ng pag usad, kulang na lang magwala ung babae kanina sa jeep eh.


---------------------Flashback----------------------


Grabe ang siksikan dito sa jeep, tapos itong katabi ko naman lakas makafeeling close, may pa sandal pa ng ulo sa balikat ko kainis, pero dahil likas na mabait at maunawain ako na baka pagod lang si ate ay hinayaan ko na lang.


Napakabagal ng usad ng sasakyan, kitang kita ko kung pano mas maunang makalayo ang mga naglalakad kaysa sa mga nakakotse, dapat siguro tinawagan ko na lang ung driver namin baka mas maaga pa akong nakauwi hays.


Maya maya'y biglang nagsalita yung isang babaeng malapit sa driver.


"Matagal pa ba manong?! Malalate na ko sa date namin ng boyfriend ko!" Inis na sabi ni ate.


Ay gara naman, sanaol ate.


"Ineng pasensya na pero di naman natin mapapabilis ang usad dahil traffic nga rito" paliwanag ni manong driver sa babae, ngunit hindi pa rin nawala ang inis at pagkamainipin ng babae.


"Nakakainis naman, anong oras na, baka pwede ng pakibilisan naman" pag uutos ng babae, wow ha demanding si ate girl edi sana naglakad na lang siya di yung puro reklamo siya, choice naman niyang sumakay ng jeep eh.


O kaya nag taxi siya, bakit pwede bang pabilisin ang jeep? Tanga ka teh?


"Ugh ang tagal, bababa na nga lang ako, o bayad ko manong baka sabihin niyo sasakay sakay ako tapos di pala ako magbabayad" pabato niyang binigay ang pera niya kay manong, napakabastos naman nito.


Nakakainis makita ang pagmumuka ni ate, maganda nga saksakan naman ng pangit ang ugali, ng maihinto saglit ni manong driver ang sasakyan ay saka nagsimulang magpalikod si ate, ng makitang palapit na siya ay hinanda ko ang paa ko para tisudin siya.


Habang abala siya sa pagbubulong bulong na parang bubuyog ng di niya napansin ang paggalaw ng paa ko, at bigla siyang nadapa, todo pagpipigil ng tawa ang ginawa ko pati na rin ang mga kasama ko sa jeep, may ilan sa kanila na natatawa at ang ilan naman ay bakas ang pagkagulat at pag aalala.


Sus samantalang kanina ang sama ng tingin nila sa kanya.


"Tangina kaninong paa yon?!" galit na tanong ni ate, ng medyo maiayos na niya ang sarili niya ay saka siya humarap samin at nilibot ang mata niya hanggat sa dumapo Ito sakin. Patay malisya naman ako baka biglang mag aya ng away eh.


"Ikaw yun no?!?" galit na tanong niya.


Too Young For LoveWhere stories live. Discover now