Chapter 6 - Explanations

28 1 0
                                    

Samara's Pov


"Teka, aalis ka ng hindi man lang nagpapasalamat sakin?" tanong nitong humablot sakin, inis ko siyang hinarap.


"At bakit naman ako magpapasalamat sayo aber?" masungit kong tanong at sinubukang hilain ang kamay ko, pero ayaw niyang bitiwan.


"Siguro dahil sa tinulugan kita? Kung hindi pa ako pumunta dito para icheck ang mga classroom eh baka doon ka na sa classroom niyo natulog, simpleng thankyou di pa masabi tch." sagot niya sakin na siyang ikina-inis ko pa lalo, yabang amp.


"Baka pwede mo ng bitawan ang kamay ko, uuwi na ako o baka gusto mo nanamang masapak ulit" inis kong sabi. Wala akong balak nagpasalamat sakanya, asa.


Ng hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko ay pwersahan ko ng hinila ang kamay ko at nagsimula ng maglakad pababa ng hagdan. Mahirap na at baka pag sinapak ko ulit eh makatulog ng wala sa oras.


Wala na kong balak tumingin pa sa likod ko at nagdirediretso ng naglakad palabas ng campus.


Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa gate, saka ko pa lang napansin na hindi pa gaanong kadilim senyales na medyo maaga pa.


Dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko at nakitang maraming missed calls at texts galing kila Darren at Naomi. Hindi ko muna ito binuksan at hinanap ang pangalan ni manong, tinext ko si manong na sunduin ako sa may gate.


Habang naghihintay sa sundo ko umupo ako sa mga benches. May ilang minuto din akong naghintay, napatingin ako sa braso kong namumula dahil sa pwersahan kong paghila nito.


Delikado ito pag nakita ito nila mommy kailangan ko itong agapan pag kauwi ko.


May ilang minuto pa at dumating na ang sundo ko. Nakahinga ako ng malalim ng makasakay ako sa loob.


Pumikit ako at inihilig ang ulo sa may sandalan, pero naalala ko nanaman ang nangyari kanina, naiinis nanaman ako, bwisit na yan ang yabang yabang.


Pero bakit? Bakit siya ang gumising sakin? Anong ginagawa niya don ng ganong oras? Diba dapat naka uwi na siya? Saka nasaan si Naomi?


Andaming tanong sa isip ko pero sinantabi ko na lang, kailangan magpaliwanag sakin ni Naomi bukas.


Pag kauwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto, naglinis at humiga, sobra sobrang pagod ang nararamdaman ko. Narinig ko pang kumatok sa kwarto si Darren at tinatawag ako, pero di ko siya pinagbuksan, masyado akong pagod para tumayo pa.


Tunog ng tunog ang cellphone ko, kanina pa tumatawag si Naomi pero dahil sa kapaguran ay tinamad na akong sagutin at maya maya'y nakatulog.


.
.
.
.
.
.


"Kring! Kring! Kring!"

Too Young For LoveWhere stories live. Discover now