Naomi's Pov (Earlier)
Maaga akong pumasok para magreview, di kasi ako makareview sa bahay. Maingay sila ate at bunso, parati silang nagbabangayan kaya ni minsan hindi naging tahimik sa bahay.
It's already 7:30, thirty minutes na simula ng maupo ako dito sa classroom. I'm waiting for Samara kahit na alam kong once in a blue moon lang siya na maagang pumasok.
Isa isa ng nagdatingan ang mga classmate ko kaya unti unti na rin nagiging maingay sa loob ng classroom kaya nahirapan na akong magreview.
Abala na ko sa pagrereview ng may biglang nakaagaw ng pansin ko.
"Uy sis alam mo ba na may bagong issue ngayon dito sa campus?" tanong ng tsismosa kong classmate na si Caren. Diyan, diyan sila magaling, ang makipagchismisan tapos pagdating sa academics wala namang alam.
"Ano yon sis? At saan mo nanaman nakuha?" interesadong tanong naman ni Jem. Kasali sa mga may honors na isa ring tsismosa, bilib din ako sa kanya nagawa niyang pagsabayin ang academics at ang pagiging tsismosa.
"Si Samara daw at si Chester may something" mahinang sagot ni Caren kahit na rinig na rinig ko naman.
Teka, Samara? Sinong Samara ang tinutukoy nila? Sabagay marami namang Samara dito sa school kaya malayong ang bestfriend ko na Samara ang tinutukoy nila. At yung Chester? Obvious naman na si Chester Ramirez ang tinutukoy nila.
Saka, wala na ba silang magawa sa buhay at nagawa pang pakialaman ang buhay ng iba? Ano sila? Instant reporter ganon?
"Talaga? Kailan pa? Saka paano mo nasabi? At saka sinong Samara?" sunod sunod na tanong ng isa ko pang kaklase na tsismosa. Ang aga aga ang daming tsismosa dito. Teka, kailan pa nga ba at sinong Samara?
"Si Samara, yung classmate natin." Sagot naman ni Caren.
Teka! Teka lang! Si Samara? As in Samara Andres?
"Ah si Andres, so kailan pa?" tanong naman ulit ni Jem. Bakit si Samara? Ang dami nilang pwedeng gawan ng issue, bakit si Samara pa? Delikado pag nalaman to ni Cheska, baka pag initan siya non, yun pa eh patay na patay yon kay Chester.
"Nung nakaraan pa raw eh, marami daw nakakakitang nag uusap sila, minsan nag aaway pa nga eh." Sagot naman ni Caren.
"Naalala mo si Elena? Yung ex ni Chester, bagay na bagay sila non kaso..." bitin na sabi ni Jem.
"Kaso?" tanong naman ni Caren.
Ang hilig talaga nilang pag usapan ang buhay ng iba, kala mo naman wala silang sariling buhay. So ang tanong ano nga? Anong nangyare sa kanilang dalawa? Bagay na bagay pala sila kaso ano?
"Imagine isang Chester Dale Ramirez ginawang second choice. Tapos ano? Hindi din lang siya pinili, not that hindi siya iniwan, tinanggihan siya" sagot ni Jem.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...