Chapter 15 - This means war

14 1 0
                                    


Samara's Pov


Gusto ko na umalis dito at mag meryenda pero pano ako aalis kung etong bruha ay hawak hawak ang buhok ko.


"Tangina bitawan mo sabi!" Inis na sabi ko, kung pwede ko lang tong suntukin eh ginawa ko na, kaso baka ako din lang ang lalabas na may kasalanan, syempre sasabihin nila na alam ko na ngang hindi ko kasinlakas eh papatulan ko pa. Tanginang mindset yan.


"You're not leaving yet coz you still owe me an apology" sabat nito.


"Apology your face" inis na bulong ko. Kaso wrong move, hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa buhok ko.


"Aray! Tangina ano bang problema mo?!" Inis na sigaw ko.


"Problema ko? Ikaw ang problema ko! Masyado ka ng malapit kay Pres!" Sigaw niya. Teka pres? Sinong Pres?


Dalawang Pres ang alam ko.


Pero hindi naman si Pres. Charlotte ang tinutukoy niya so it means yung isang pres ang tinutukoy niya, si Chester.


"Ano?! Malapit? Tanga ka ba?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Samut saring reaction ang nakita ko sa mga audience naming dahil pagsigaw ko, may mga gulat at yung iba naman ay nabigla.


Bakit? Kase ngayon lang may nagsabi sa kanya teka tanong pa lang yon pano na kaya pag sinabi kong tanga talaga siya edi lumuwa na mga mata nila.


"Tinawag mo kong tanga? Di ka ba talaga natatakot?" Pagbabanta niya. Matatakot? Saan? Sa muka niya? Baka nga mas katakutan ko pa yung clown kaysa sa kanya eh.


"Takot? Bakit ako matatakot? Sino ka ba para katakutan ko?" Nakangisi kong sagot.


"Aba ang tapang naman niyan Cheska" sabat ng isang di ko kilala, sino to? Bakit bigla biglang sumusulpot parang kabute.


"Ano ba ang ginawa sa mga malalanding matapang?" Makahulugang tanong ni Cheska. Teka, malandi? Anong pinagsasabi neto?


"Anong pinagsasasabi mo dyan ha?! Anong malandi?" Takang tanong ko.


"Playing dumb? Let's just say etong si girl lapit ng lapit kay boy kahit na kita naman ng lahat na parati silang nag aaway. Gets mo? Stupid" Tanong nito.


Gets? Hindi bobo mo mag explain, may pa girl girl pang nalalaman di na lang sabihin ng diretso.


"Oh I forgot slow ka pala, ok let me just say na ikaw si girl at ang boy ay si Chester, ano gets mo na? Ghad you're so slow" Maarte nanaman niyang sabi.


Ako yung girl? Tapos si Chester yung boy? Eh tanga pala talaga toh eh. Kailan ko pa nilapitan yon? Tanga naman.

Too Young For LoveWhere stories live. Discover now