3 Months Earlier
Samara's Pov
"Kring! Kring! Kring!"
Nagising ako sa ingay ng alarm clock na walang sawang tunog ng tunog kada umaga.
Pero kakaiba ito ngayon, napatingin ako sa digital clock na nasa tabi ko at awtomatikong napabusangot, alas singko pa lang naman pero eto na at gising na gising na ang aking kaluluwa.
Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng higaan ng makarinig ako ng kalabog sa pinto.
"Hoy panget gumising ka na daw sabi ni mama, puro ka puyat wala ka namang kachat" pang iinsulto ng nakatatanda kong kapatid.
Speaking of kapatid, siya si Darren Clein Andres, panganay sa apat na magkakapatid, hari ng kayabangan. Kung makalait kala mo naman gwapo, onti lang naman.
Kung hindi lang dahil sa talent niyang mag table tennis eh hindi yan sisikat. Mayabang yan and also college na yan, di siya ganon kasikat tulad ng iba pero maraming nagkakagusto dyan, ewan ko ba panget naman siya sa paningin ko.
Ako naman ang pangalawa sa magkakapatid, Samara Raine Andres, ang pinakacute sa magkakapatid, hindi ako nagsisinungaling sa part na yan , nasa huling taon na ng high school, graduating na. Di ako sikat, di din talented, di din kagandahan, medyo matalino lang at gago at the same time.
At ang kambal, sina Dave Laurence at at Darwin Jace, oh diba puro kami lalake, kasali na ko don tutal asal lalake naman daw ako, nasa unang taon sila sa high school, magkakalapit lang ang edad namin, basagulero si Dave samantalang tahimik si Darwin. Ewan ko nga kung bakit magkalayo sila ng ugali eh.
"Hoy panget sumagot ka, baka binabangungot ka na dyan, panget ka pa naman umiyak" pansamantalang natigilan ako, at napa isip kung bakit ko ba siya naging kapatid, lakas makalait eh.
"Aga mo manira ng araw, kala mo naman gwapo muka namang pato. Kainis " sinadya kong lakasan yon para marinig niya dahil may taglay na pagkapikunin yang si Darren.
At sa di inaasahan, sinipa niya ang pintuan ko kaya nasira ito at nabuksan ng hayop este kuya ko.
"Anong sabi mo?!" gigil na tanong ni kuya, halata sa muka niya ang pag kainis dahil sa ginawa kong panlalait, habang eto ako natatawa sa itsura niya.
Ngunit ng mapansin kong sira ang pintuan ko, agad akong lumapit sa kanya at pinag sisipa siya.
"Tangna mo kuya pang ilang beses mo ng ginawa yan!" gigil na gigil ko siyang pinaghahampas ngunit nakakaiwas ang gago.
Hanggat sa naisipan kong ibalibag siya, pero naalala ko mas malaki pala siya sakin kaya di kakayanin. Kaya ng napagod siya kakaiwas ay sinuntok ko siya sa sikmura na siyang ikinaluhod niya.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...