Samara's Pov
A week passed by quickly, naging abala kami sa pagrereview nitong nakaraang araw.
Hindi ko masyadong nakasalubong si bayani pero si Chester, hindi ko alam kung sinumpa ba talaga ako na makita siya araw araw. At wala rin akong balita kung kailan nga ba kami paparusahan, feel ko nakalimutan na ata nila eh, buti naman kung ganon and if not edi good luck sakin.
Panira siya nga araw, nakakainis. Lalo na pag nginingisian niya ako, pakiramdam ko may pinaplano siyang hindi maganda.
Lalo na pag naaalala ko yung threat niya. Immature amp.
Pero hindi rin ako makampante, mahirap na baka bigla bigla na lang niya akong gantihan ng di ko napapansin.
Kasabay ng kamalasan ko sa kanya ang pag lutang ng kabila't kanang issue namin.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng pwede nilang gawan ng issue eh nadamay pa ko.
Dahil sa madalas kaming magkasalubong at magsagutan ni Chester, marami ang nakakakita samin at nabibigyan ng malisya ang nangyayari.
Mahirap din para sakin dahil una sa dinami dami ng lalake dito sa campus sa kanya pa talaga ako na issue hays. Ang dami namang mas better, mas matino, mas alam mo na, yung dapat gusto ko.
Kaso wala naman akong gusto eh.
Naalala ko nanaman kung gaano siya kaisip bata nung nakaraan.
--------------------Flashback-------------------------
Recess na namin at nagpaalam na mag cr si Naomi, kaya mag isa kong pumunta sa cafeteria.
Naglibot libot na ko sa mga stalls pero wala man lang akong mapili, kainis.
Napagdesisyonan kong bumili na lang ng turon kaya naglakad ako papunta sa dulo kung saan naroon ang mga turon.
Nagmadali na kong maglakad dahil nagugutom na ako at baka mamaya bigla na lang akong makipag away dahil sa gutom.
Nakisingit na ako sa pila at agad agad na nilabas ang pera ko ng makitang iisang turon na lang ang natira.
"Ate isang turon nga po" "Turon nga isa" sabay naming sabi nitong katabi ko.
Napatingin ako sa katabi ko at nagulat dahil siya nanaman. Sa dinami rami ng tao rito bakit siya parati ang nakakasalamuha ko, kung mamalasin ka nga naman.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...