Chapter 10 - Threat

10 1 0
                                    


Samara's Pov


Maaga akong nagising dahil sa hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng ginawa ni Chester sakin.


Medyo ramdam ko pa rin ang sakit sa braso ko kaya napatingin ako sa braso ko, naghilom naman na siya.


Di ko naman alam na aabot sa ganon yon.


Pagkabalik ko kahapon sa classroom eh lutang ako maghapon, ni hindi ko man lang nasagot lahat ng tanong ni Naomi.


Ni hindi ko nga alam kung pano ako nakauwi, masyado akong preoccupied.


Hindi ko na rin naitago ang namamaga kong braso ng makauwi ako, buti na lang at si Darwin lang ang nakakita at wala rin naman siyang sinabi o tinanong.


Buti na lang.


Hindi ko na nga rin nagamot sa sobrang pagod, nakatulog ako pagkatapos kong maglinis.


Nawalan na rin ako ng ganang kumain kagabi.


Martes pa lang pero parang pagod na pagod na ako para sa linggong na ito.


Ayaw ko rin muna sanang pumasok dahil sa wala akong gana.


Kaya sa ayaw at gusto ko, kailangan kong pumasok and besides malapit na ang exam.


Bawal ang tatamad tamad.



Wala din akong choice.


Nag agahan kami at pinaalalahanan ni mommy na mag review para sa exam, next week na kasi yon.


Maaga akong nakapasok sa school dahil inunahan ko na sila. Pagkapasok sa campus, nagsilabasan nanaman ang mga chismosa, sanay na ko don kaya nagmadali na lang sa paglalakad.


Pero ang iba lang ngayon, ibang chismis naman ang pinag uusapan nila.


"May nakasira daw ng pintuan?"


"Oo pintuan daw sa Cr"


"Yung sa Cr ng boys daw yon diba?"


"Oo yon naman sabi"


"Sino daw ang nakasira?"


"Lalake daw eh"


"Malamang, alangan naman babae eh cr ng boys nga diba"


"Pero sino nga?"


Too Young For LoveWhere stories live. Discover now