Samara's Pov
"Marcus Axel, nice name" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang id na hawak ko. Ang tagal naman ata niya bumili, binili naman na ata niya yung buong cafeteria.
Sa sobrang inip ay napilitan akong bumangon at tumayo kahit na masakit pa rin ang likod ko, balak ko siyang salubungin sa labas dahil kanina pa kumakalam ang tiyan ko, kasalanan to ni Cheska eh.
Dahan dahan akong naglakad papunta sa may pintuan ng mapansing wala si nurse, saan naman kaya nagpunta si nurse?
Dumiretso ako sa pintuan ng may marinig akong nag uusap o parang nagsasagutan sa labas. Ang galing naman nila at dito pa binalak magsimula ng away.
Sabagay para diretso na clinic kung sino man ang mapuruhan.
"Pwede bang makinig ka na lang?" inis na sabi ng isa. Teka parang pamilyar ang boses na yon.
"Wag mo nga kong pakialaman. Umalis ka na lang" sabat naman ng isa, teka si Marcus yon ah.
"You better listen to me or else" or else? Teka isang tao lang ang alam kong mahilig magsabi ng or else. Agad kong binuksan ang pintuan para kunin na kay Marcus ang pagkain ko dahil kanina pa ko guto na gutom.
Pero hindi ko na lang sana binuksan dahil hindi ko inaasahan ang makikita ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita, lalo na ng mapansin ang posisyon nilang dalawa.
Bakit ba ang hilig ni Chester na isandal sa pader ang lahat ng kinagalitan niya? Ngayon pati si Marcus nabiktima niya, or maybe... maybe may something sila. O_O
"Tangina?! Bakla ba kayo pareho?!" gulat kong sabi. Napatingin sila pareho at bakas sa muka nila ang gulat at napatingin sila sa isa't isa.
Kusa silang humiwalay sa isa't isa, umiwas ng tingin si Chester samantalang si Marcus naman ay nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa hawak niyang plastic na may maraming pagkain kaya lumapit ako sa kanya.
"I don't know what your relationship is pero gutom na ko. Akin na to, thanks" masigla kong sabi kay Marcus saka kinuha ang hawak niyang plastic.
"It's not what you think" sagot naman niya.
"Oh okay, pasok na ko sa loob baka nakakaistorbo ako sa inyo" paalam ko sa kanila. Bago ako maglakad papasok, sinulyapan ko muna si Chester na nakatingin rin pala sakin kaya nginisian ko na lang siya para inisin.
Pagkapasok sa loob ay agad akong umupo sa higaan at sinimulang buksan ang mga dalang pagkain ni Marcus. Habang kumakain di ko maiwasang isipin kung ano nga bang meron sa dalawa at bakit hindi pa rin pumapasok si Marcus dito.
Baka nga may something talaga sila. Sayang naman si Marcus, ang gwapo pa man din tapos ganon lang ang ending nilang dalawa? Ako tuloy ang nasayangan.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...