Samara's Pov
Patuloy na nagchecheck ng attendance si ma'am samantalang abala kami ni Naomi sa pag uusap.
"Panong nangyaring nandito si Chris, Naomi?" Kinakabahan kong tanong kay Naomi.
"Hindi ko din alam, Samara masama sang kutob ko dito" di mapakaling tugon niya.
"Hmm" maikling tugon ko.
Masama rin ang kutob ko, bakit ba hindi muna namin sinigurado na siya ang nasa loob aish!
Kung sino man ang nasa loob, sana lang nakalabas na siya.
Tanga nasa akin ung susi pano yon makakalabas, ang tanga mo Samara.
"Samara nakikinig ka ba?" tanong ni Naomi.
"Ah oo teka lang" kailangan ko ng makapunta roon ngayon din, who knows baka kung ano ng nangyari sa kinulong namin roon.
Tumayo at at inayos ang sarili ko, kailangan ko ng makapunta roon. Siniguro kong dala ko ang susi.
"San ka pupunta? Wag mong sabihing pupunta ka don?" Nag aalalang tanong niya.
"Titignan ko lang kung sino ang nandon. Babalik din ako, sulatan mo na lang muna ako sa ngayon" pakiusap ko sa kanya.
"Gago!" Inis na sabi niya.
"Basta sulatan mo na lang ako. I'll be back" paalam ko saka dumiretso kay maam para mag paalam.
"Maam pwede po mag cr?" mahinang tanong ko.
"5 minutes" maikling tugon ni ma'am.
Nagmadali na akong naglakad palabas ng class room, bawat hakbang ay nadadagdagan ang kabang nararamdaman ko.
Walang masyadong estudyante ang nagkalat sa mga corridors, maliban sa mga janitor na abala sa pag liligpit ng mga pinagkainan ng mga estudyanteng makalat.
Medyo mainit na rin dahil sa malapit na mag tanghali. Sigurado akong hindi pa nakakalabas yon, kung sino man siya.
Palapit na ko sa cr ng boys, habang papalapit, nakarinig ako ng kalabog na nanggagaling sa loob.
Sunod sunod na kalabog ang nanggagaling rito kaya huminto muna ako. Bawat kalabog eh hinihiling ko na sana hindi halimaw ang nasa loob.
Mahirap na baka mamatay pa ko sa takot.
Ilang kalabog pa ang narinig ko bago tuluyang nasira ang pintuan. Sa sobrang gulat ko ay napa atras pa ako, nataranta akong harapin kung sino man ang galing sa loob kaya bago pa man din kami magkita, tumakbo na ko palayo.
YOU ARE READING
Too Young For Love
Romance"We're not too young for love, just too young for about everything there is that goes with love." Someone who's afraid of commitment, someone who's afraid to love again and someone who's afraid to take risk. Anong mangyayari pag nagkatagpo tagpo ang...