Napabalikwas ako ng bangon nang tumunog ang alarm clock sa may side table. It's indicating that it's already 6:00 AM. Anong oras ba ko nakatulog kanina? 5 AM? 5:30 AM? Damn it!
Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Napahawak akong bigla sa labi ko at napapikit. That kiss... Hindi pa kami napatigil kung hindi pa ako bumagsak. Nakalimutan ko kasing nakabukas pala ang pinto kaya pagsandal ko ay bumagsak ako. Sumakit ang balakang ko, but I think that's better kaysa malunod sa mga halik ni Josiah. The door is a blessing in disguise.
"Nakakainis!" Padabog na bumangon ako at dumiretso ng pasok sa banyo at nag-shower. Pilit kong kinuskos ang labi ko at nag-toothbrush ng ilang beses para maalis ang bakas ng halik niya sa akin.
Nang mapatitig ako sa salamin, kitang-kita ang mga itim na marka sa ilalim ng mata ko dahil hindi talaga ako nakatulog. Nakakainis! Napasabunot ako sa sarili ako. It wasn't my first kiss or first time kissing someone like that, pero bakit ba sobra akong naaapektuhan? Was it because I personally know him since we're kids unlike the other men that I've kissed before?
Napailing na lang ako sa sarili ko at nag-apply ng make-up. Tinakpan ko ng corrector at concealer ang eyebags ko para hindi mahalata na hindi ako natulog, at sinuot ang kung anong nahila kong office wear sa closet. Wala ako sa mood na mamili pa.
Inagahan ko ngayon dahil dadaan muna ako sa garage ni James na hindi naman malayo rito. Kukuha muna ako ng kotseng gagamitin pagpasok.
I ride a taxi going to his garage and checked my available cars. I have a total of 6 cars including my Audi na nasira kagabi, at ang pang race ko. Hindi naman na ako nag-aksaya pa ng oras at sumakay sa kotseng tumunog na hindi ko na rin pinili dahil basta na lang akong kumuha ng susi kanina sa may drawer.
Mabilis akong nakarating sa kumpanya. Lakad-takbo ang ginawa ko dahil 5 minutes na lang at malapit nang mag-8 AM, at paniguradong matatagalan ako sa elevator. Nakipagsiksikan ako sa loob para makaabot. Buti na lang payapa akong nakarating sa office ko.
Agad kong binaba ang bag ko sa may couch at naupo na agad sa swivel chair. I tried to focus on reading the report pero ayaw makisama ng katawan ko. Sumakit bigla ang ulo ko kaya napahilot ako ng sentido.
Sakto namang bumukas ang pinto ng office ko at nakangiting mukha ni Dmitri ang bumungad sa akin, pero napakunot agad ang noo niya nang makitang hinihilot ang sentido.
"What happened?" may pag-aalalang tanong niya at lumapit sa akin.
"Headache." Sigurado akong dahil sa wala pa akong tulog at hindi ko rin nagawang mag-breakfast manlang kaya ito sumakit.
"Why? Hang-over?"
"Nope, I didn't have a goodnight sleep last night," I answered.
"I see. Just stay right there. I'll grab some coffee and Paracetamol for you."
"Wait—" Hindi ko na siya napigil pa dahil dirediretso siyang lumabas. Wala pang sampung minuto ay nakabalik na siya. May dala siyang paper bags at sa palagay ko pagkain ang laman no'n dahil naaamoy ko na kaagad pagkapasok niya pa lang.
Inaya niya akong maupo sa may couch kaya sumunod naman ako.
In front of me is a food box full of garlic fried rice, hungarian sausages, omelet, and bacon. Iniabot sa akin ni Dmitri ang isang lagayan na may lamang fried rice. Tinanggap ko naman iyon at sinimulang kumain. Nang maubos ko iyon ay sinunod ko naman 'yong belgian waffle na dala rin n'ya. I was about to take another bite when I saw Dmitri looking at me.
"What?" tanong ko.
"You're not body conscious, aren't you?" natatawang tanong niya. Napanguso na lamang ako at tinuloy ang pagkagat sa waffle.
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...