Sabay kaming napalingon ni Josiah nang marinig ang boses na iyon. Awtomatikong napataas ang kilay ko dahil sa nakakarindi pa lang na boses at tinis na iyon, kilala ko na kung sino ang nagsalita.
"Hi, Josiah! It's good to see you here!" Liah said as she tried to kiss Josiah's face pero umiwas lang si Josiah na ikinatawa ko. Sinamaan ako ng tingin ni Liah pero inirapan ko lang siya.
"Oh, by the way, mukhang maganda iyong pwesto niyo rito. Can I join you guys?!" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Wow, grabe rin sa kapal ng mukha 'tong babae na 'to. Seriously? Ipagsisiksikan niya talaga ang sarili niya?
"As you can see, we are currently on a date, so kung may tinatago ka pang hiya sa sarili mo, hindi mo na susubukan," I answered her. Nilingon ko si Liah at nakita ko kung paano nagdilim ang mukha niya. I smiled upon seeing her irritated reaction.
"You—! Josiah, please?" pagpupumilit ni Liah. Hindi ba talaga siya sanay mahiya? Wala ba siyang kahit kaunting kahihiyan sa katawan?
"Sorry, Ms. Acuena. The lady has spoken." Josiah shrugged his shoulder and grinned. Liah stomped her feet and head out. Hindi ko na napigilan ang matawa sa nangyari.
"Seems like you're not on good terms with your sister, huh?" That made my eyes roll.
"She's not my sister. She's nothing but a witch and a bitch." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Hindi kalaunan ay tinawag na niya ang waiter.
He ordered beef casserole and prawns while I chose caesar salad, mashed potatoes, and grilled chicken.
"And before I forgot, we are currently on a date, huh?" nakangising sabi ni Josiah na nakapagtigil sa akin. Oh. Iyon nga pala ang sinabi ko kay Liah para inisin siya. Inirapan ko na lang siya at hinintay ang pagkain na maserve pero hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya, nakangising mukha lang naman niya ang naabutan ko.
As the food was served, kumain na kaagad ako. I am starving. Buti na lang at hindi ako pinansin ni Josiah at kumain na lang din ng tahimik.
-
"Thanks for the treat. Bawi ako sa susunod," I said. Nandito na kami ngayon sa tapat ng pintuan ko dahil he insisted na ihatid ako hanggang dito.
"Sure thing. I'll wait for that treat. Goodbye, and have a good night sleep later." I smiled at him for the last time. Pinanood ko siya hanggang sa makasakay sa elevator bago pumasok.
Dumiretso na kaagad ako sa kwarto at ibinaba sa may table ang nabiling regalo kay James at iba pang gamit, bago dumiretso sa bathroom.
After I took my shower, napatingin ang sa phone ko nang mag-ilaw yon. I checked it and saw a message from an unknown sender.
From: +63908******6
Stay away from Josiah kung ayaw mo ng gulo.
Napataas ang kilay ko nang mabasa iyon. Content pa lang halata naman na si Liah iyon. Hindi na ako magtataka na nakuha niya ang number ko. Is she that desperate?
Napangisi ako at may naisip na idea. I want to ruin her day.
To: +63908******6
He's not even interested in you. Huwag mong ipagtulakan ang sarili mo sa hindi ka naman gusto. Don't be so desperate.
Napatawa ako sa sinabi ko sa kanya. Gusto ko lang naman siyang inisin. Alam ko kung gaano kapikon ang babae na 'to and now that I'm out of their house, she cannot do anything to harm me. I'll absolutely protect myself from them.
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...