"Congratulations, Audrey!" masiglang bati ng lahat sa akin pagkapasok ng restaurant. I smiled at everyone and thanked them. They are complete! Tita Tony, Tita Ada, Tita Cassy, Tita Shai and Tita Ellie with their families.
Naglakad ako palapit sa kanila at niyakap sila except for Josiah and Kyle that are also here. Sa palagay ko ay sila lang ang panggulo rito. This should be a happy day for me, but their presence ruined it.
Earlier, I just got my degree and my award for being the Summa Cum Laude. It was a rough four years in college for me, pero nakaya ko at nagawa ko. I know that my Mom is very happy seeing me achieve this. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil siya ang inspirasyon ko.
Matapos ng kaunting pag-uusap, naisipan naming dumulog sa long table na nakahanda para sa'min. Katabi ko si Keana at sa nakakainis na pagkakataon ay nasa harapan ko si Josiah na ikinailang ko.
Ilang buwan ko na ba siyang iniiwasan? Dalawa? Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil. Araw-araw siyang kumakatok sa unit ko, araw-araw niya akong sinusundan sa office man o sa university, o kahit saan man ako magpunta. Palaging may dalang bulaklak, pagkain o kung ano pa man ang maisipan niyang ibigay na hindi ko naman tinatanggap at hindi ko kailangan.
Hindi ko alam kung ano pa ang kailangan niya sa akin pero naiilang talaga ako sa presensya niya tuwing nalalapit siya sa akin. He changed. He was so soft, sweet, and... I don't know! It scares the shit out of me.
Nasabihan ko na siya na wala siyang aasahan sa akin. Na hindi ko kailangan ng commitment niya. He always says that he understand that point, pero hindi naman tumitigil! Nagulat ako nang makarating pa kay Kyle na may gusto siya sa akin dahil nanghingi ng permisong manligaw, pero hindi naman no'n mababago ang pananaw ko. 'Hindi' pa rin ang palagi kong isasagot.
Closure, Audrey. You need closure tutal ikaw rin ang nagsabi na wala lang ang namagitan sa inyo, 'di ba? Inis akong napasabunot sa buhok dahil doon.
"Audrey, are you okay?" Napatingin ako kay Kyle na nasa kabisera ng mesa. Mukhang nakita niya kung ano ang ginawa ko sa sarili ko.
Hindi ko na lang siya sinagot at inabot ang tubig na nasa table.
"So, Audrey, what's your plan now?" Napatingin ako kay Uncle Justin nang bigla siyang magtanong. Nginitian ko siya ng tipid bago sumagot.
"Like my original plan po, lilipat na akong Japan to undergo some trainings para mahandle ko na ang T.G.C." Napatango-tango siay sa sinagot ko. Iyon naman kasi ang plano ko simula noon kaya I took up business administration.
I wanted to make T.G.C. more successful. Pahahalagahan ko at payayabungin pa ang business na iniwan sa akin ni Mom.
"Japan? You're going to live there?" Napatingin ako kay Josiah nang bigla siyang magsalita. Kunot-noo akong tumango sa kanya at binaling na lang ulit ang tingin sa ibang tao na kasama namin sa table, pero nabigla ako nang nasa tabi ko na siya kaagad, at hinila ako palayo na ikinagulat ng lahat.
Hindi na ako nagprotesta pa dahil magkakaroon lang ng issue at usapin kaya sumunod na lang ako.
He brought me to the rooftop of this restaurant. Pagkarating sa may dulo ay saka niya ako binitawan.
"You will leave me?" His question made my mouth parted. I can see that he was pained just by that thought, kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
It took me a minute to compose myself again. Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik pero nabigla ako nang harangin niya ako at mahigpit na niyakap. Halos bumaligtad ang sikmura ko sa amoy ng pabango niya kaya mabilis ko siyang tinulak.
I covered my nose using my hand and glared at him. Dumistansya rin ako dahil baka tuluyan na akong masuka kapag naamoy ko pa siya.
"Is that you?" inis na tanong ko. What the fuck did he use? It smells so awful!
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...