36

984 26 0
                                    

 "Lady Kaye, here's the tea that you asked for." Inilapag ni Mattheo sa mesa ko ang tray ng hiningi kong jasmin tea. I thanked him because of that, and put my gaze back on my laptop because I am watching something interesting. On the live CCTV clip that I am watching, there, I saw how the Acuena's talking to the police regarding Leana's abduction. Napailing na lang ako dahil sa galaw nila na iyon.

They trusted the wrong boat. Nakita ko na kanina sa CCTV ang mga pulis na iyon na kausap ang mga magulang ni Leana sa labas ng bahay dahil kanina pa ako nakaantabay sa CCTV. The police men are under Lopez's wing based on the quick research that I tasked Mattheo to do for me earlier when we got their identities.

Siguradong kahit anong salita nila, they will still point me as the suspect dahil iyon na mismo ang plano at inutos ng matatandang Lopez sa simula palang. Well, not that it's new to me dahil ako naman talaga ang may kagagawan ng pagkawala ng pinakamamahal nilang Leana, at hindi naman ako nasisindak sa mga ihaharap nila sa akin dahil gaano man ang koneksyon ng mga Lopez o kung sino pa 'yan sa bansang ito, I still have ways. I have more connections and power that I can use, pero dahil gusto kong makisabay sa laro nila, then I'll gladly play with them.

Anyway, Akira gave me the access to the security system at Acuena's residence since I told her that I wanna watch how they panicked and how they plan about me since I already made a move. It has been an estimate of 15 hours since the abduction happened and now, they are making a big step.

Ngayon hapon na ito, nasa bahay ni Peter ang magulang niya, mga anak niya, at pati magulang ni Leana kasama ang mga pulis na nagpapaligoy lang naman sa mga sinasabi kahit na may conclusion na agad na naituro sa kanila.

"Kung pagnanakaw ang purpose, bakit wala manlang nawalang gamit? Pinatulog lang din ang mga kasambahay at hindi pinatay." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Peter. Why? Gusto ba niya patayin ko ang mga kasambahay nila? Well, that can be a choice, pero si Leana lang naman ang kailangan ko. I am not that cruel like his wife's family. I won't taint my hand with the blood of innocent people.

"I'm sorry, Mr. Acuena, but we still need to investigate more. May kakilala ba kayong kaaway ng asawa ninyo para kuhanin siya bigla?" tanong ng pulis ng ikinataas ng kilay ko. So now they are starting. Napatayo bigla si Liah sa upuan niya at tinitigan ang kapatid niyang si Paolo na para bang may naisip.

"Si Audrey! Sigurado akong si Audrey ang nagpa-kidnap kay Mama!" Napangisi ako sa sinabi niya, but her acting is still a negative one over ten. Scripted.

Kahit naman ako ang idikdik nila, they can't pull me down. Why? First, Audrey was registered dead. If they will give my name as Audrey, sino ang hahanapin nila? Ang nasa museleo? Iyong nasa puntod? She should address me as Kaye. And lastly, walang magagawa ang galamay nila sa akin. Wala silang makikitang kahit anong trace na ako ang kumuha kay Leana. All the CCTV footage is deleted, and was altered. Everything is clean, at wala silang laban sa akin.

"Apo, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Bakit naman gagawin ng kapatid mo iyon?" I heard the old lady of Acuena say. Confusion is written on her face while looking at Liah.

Mabuti na lang talaga at nakaharap sa sofa nila ang CCTV na ito kaya nakikita kong mabuti ang ekspresyon ng mga mukha nila, and for the sound, nag-iwan ako ng maliit na device sa ilalim ng center table nila noong pumunta kami kahapon. Actually, there are hidden sound devices all around the place that I and Mattheo installed yesterday. Masyado kasing mabagal ang pag-uwi ni Leana kaya nasamantala namin ang oras.

"She hated Mama, Lola. Sinisisi niya si Mama sa pagkamatay ng nanay niya noon pa man. Sinisisi niya si Mama dahil siya ang pinili ni Papa at hindi ang nanay niya," Liah blurted out which made me grit my teeth. What the fuck is she talking about? The nerve of this witch to make up a story!

DWS I: The LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon