I played the video on the screen multiple times, but was still unable to suppress my laughter.
"That reaction was priceless! She really looks scared!" I said while laughing, pero natigil din nang hindi naman pinapansin ni Mattheo ang sinasabi ko. Gosh! Simula nang umalis kami sa isla kahapon ay bilang lang ang mga salita niya.
Umayos ako ng upo at sinara ang laptop ko.
"Anyway, did you make sure that they could not track who left the gift in their house?" I asked.
"Yes, Lady Kaye. All the CCTV cameras were hacked that time, and we used a fake identity for our man who delivered it," he answered that made me smile. I tap my fingers on the table and think of another present for Liah.
When I told Dmitri last night that I'm thinking of a plan, I mean it. Hindi pa totoong galaw kung hindi pananakot pa lang, pero base sa nakita kong reaksyon ni Liah sa pinadala ko, sa gano'n pa lang ay daig pa niya ang binangungot sa nakaraan.
What more if I repeat the history itself? Baka sampal pa lang ang nalalapat ko sa mukha niya ay himatayin na siya sa kaba at takot.
I can still remember how afraid she was when I pulled the trigger of my gun. Ni hindi ko nga iyon pinatama sa kanya, pero ilang emosyon na ang bumakas sa pagmumukha niya. Paano pa sa mga susunod?
Isang manikang sanggol lang na puno ng dugo ang pinadala ko, pero kung makasigaw na siya sa video ay akala mong may pinatay sa harap niya. The nerve of that girl! Of course, to the rescue naman ang asawa niya na inalo rin siya agad dahil sa nangyari. Kitang-kita ko rin iyon sa video, at nakakadiri! Nakakasuka!
Liah's really a drama Queen. My gosh.
"Very well. For my second gift, I want you to bring her a dead animal but of course, do not kill one. Maghanap kayo ng patay na hayop and cover it with blood, but this time, pakilagay sa kwarto nila discreetly." I tapped the table and smiled wickedly. Naiisip ko na kaagad ang mas takot na mukha ni Liah kapag nangyari 'yon. Nakakainis man panoorin, but it gives me satisfaction.
This is just the beginning, Liah. Brace yourself dahil ikaw lang ang inuuna ko. Huwag ka nang magtaka na kung sa mga sumusunod, hindi lang ikaw ang nakakatanggap ng mga ganyan. Baka mas malala pa ang maipadala ko sa pamilya mo, o baka ako pa mismo ang mag-abot sa inyo.
"I'll keep that in mind, Lady Kaye. Do you need anything else?" Napasimangot ako kay Mattheo. I dismissed him before I sighed. Napakaseryoso niya talaga kahit kailan. Now I wonder paano siya nakakatagal kay Leila? What I've heard ay silang tatlo nina Leila at Akira ang magkakasamang lumaki.
Akira and Mattheo were both quiet when I first met them, but since Akira became comfortable with me, she's slowly becoming open to me. But Leila, she really has a jolly personality kaya palaisipan talaga kung paano sila habang lumalaki.
Anyway, I can ask them if I have free time or if they'll be the one to tell tales first.
I glanced at my wrist watch and saw that it's already 11 in the morning. Pumasok ako sa restroom ng office ko at nag-retouch. I re-applied my red lipstick at hinagod ang pulang sleeveless fitted dress ko. My hair still looks good kaya hindi ko na iyon inayos.
I sat on my swivel chair and heard a knock from the door. Just in time.
Walang pagdadahan-dahang bumalibag pabukas ang pinto ng office ko at galit na mukha ni Paolo ang bumungad sa akin. Kasunod nito si Peter na diretso ang tingin sa akin, pero walang mababasang emosyon sa mukha.
"How may I help the Acuena's?" I asked and tapped my fingers on the table. Padabog na lumapit sa pwesto ko si Paolo at hinawi lahat ng gamit na nasa table ko. Nagliparan lahat ng papeles ko at dinig sa buong office ang pagkabasag ng vase, pati ang paglaglag ng monitor sa sahig kaya napapikit ako nang mariin. Damn this man!
BINABASA MO ANG
DWS I: The Lady
General Fiction"LOVE WON'T SAVE YOU." Pain, hatred, and sadness tear her apart, but she turned it into her strength to stand up and fight. She is THE LADY. - Since Audrey Kayleigh was a kid, she only wished for one thing: to have a complete and happy family, but l...